MODULE 1

Cards (37)

  • City of Good Character
  • DISCIPLINEGOOD TASTEEXCELLENCE
  • Ikaapat na Markahan-Modyul 1: Pag-iisa-isa sa mga Kondisyon ng Lipunan sa Panahong Isinusulat ang Akda
  • May-akda: Mark Ryan V. Canimo
  • Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla
  • Department of Education, National Capital Region, SCHOOLS DIVISION OFFICE, MARIKINA CITY
  • Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin
  • AralinPag-iisa-isa sa mga Kondisyon ng Lipunan sa Panahong Isinusulat ang Akda
  • Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod: A. natutukoy ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng akdang pinakinggan; at B. naiisa-isa ang mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinusulat ang akdang pinakinggan/binasa
  • Mga gawain bago mag-umpisa ng aralin

    • Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy ng mga pahayag sa bawat bilang
    • Pagtapat-tapatin: Hanapin sa Hanay B ang nagbigay ng mga pahayag sa Hanay A mula sa nobelang Noli Me Tangere
  • Balik-aralan mo ang mga natutuhan sa ikatlong markahan. Isulat sa loob ng bilog ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa mga akdang pampanitikang nagmula dito
  • Nakikilala mo ba ang nasa larawan? Punan mo ang kahon ng mga impormasyon na may kaugnayan sa kaniya
  • Bata pa lamang si Dr. Jose P. Rizal ay naging saksi na siya sa kalunos-lunos na kalagayan ng Pilipinas dahil sa pangmamalabis ng mga Kastila sa mga Pilipino
  • Ang Noli Me Tangere ay ang kauna-unahang nobela na isinulat ni Rizal noong siya ay magdadalawapu't apat na taong gulang
  • Naging inspirasyon niya ang mga aklat na "The Wandering Jew" ni Eugene Sue, "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beecher Stowe at ang Bibliya na tumatalakay sa kalupitan ng mga may kapangyarihan sa mga tao
  • Binalak ni Rizal na ipasulat ang bawat bahagi ng nobela sa ilang kababayang nakaranas ng pagmamalupit ng mga kastila ngunit nabigo siyang isakatuparan ito kaya naman sinimulan niyang isulat mag-isa ang unang bahagi ng nobela noong 1884 sa Madrid, Espanya habang nag-aaral siya ng medisina
  • Matapos ang pag-aaral ay pumunta siya sa Paris at doon ay natapos niya ang ilan pang bahagi ng nobela. Natapos ang kabuoan ng nobela noong Pebrero 21, 1887 sa Alemanya
  • Layunin niyang ilarawan ang kalagayan ng lipunan, paniniwala, hangarin, karaingan at pagdadalamhati sa mga panahon ng mga mananakop
  • Nais niyang maisakatuparan ang mithiin na magamit ang edukasyon sa pagkakamit ng kalayaan at kaunlaran para sa bansa
  • Layunin din ni Rizal na sanayin ang kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip at nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at reyalidad ng buhay
  • Ninais ni Rizal na mahubog sa kabutihan ang mga kabataang susunod at maging sa kasalukuyang henerasyon na maging lider ng ating bansa at magiging pag-asa ng bayan
  • Naging pagsubok din kay Rizal ang pagpapalimbag ng nobela dahil sa kakapusan ng salapi
  • Pinahiram siya ng kaibigang si Maximo Viola ng salapi upang matapos na ang pagpapalimbag ng nobela
  • Lumaganap ang 2,000 kopya ng nobela sa Pilipinas at nakarating din ito sa mga Espanyol na labis na nagalit sa nilalaman ng nobelang ito ni Rizal
  • Sumailalim ito sa panunuri ng mga Espanyol na nagpasiyang ipagbawal ang pag-angkat, pagpapalimbag at pagpapakalat ng kaniyang aklat
  • Noli Me Tangere
    Salitang Latin na ang ibig sabihin ay "Huwag mo akong salingin" o "Touch Me Not" sa wikang Ingles
  • Sa kasalukuyang ang nobelang ito ni Rizal ay naisalin sa iba't ibang wikang banyaga at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa nakabasa nito
  • Ginagamit ang pag-iisa-isa sa pagbibigay ng kronolohikal na kaayusan kung ang sanaysay ay tumatalakay sa proseso ng paggawa at pagbibigay o paglilista ng impormasyon mula sa mas malaking ideya
  • Noli Me Tangere
    Huwag mo akong salingin o "Touch Me Not" sa wikang Ingles
  • Ang nobelang Noli Me Tangere ni Rizal ay naisalin sa iba't ibang wikang banyaga at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa nakabasa nito
  • Inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere
    "The Wandering Jew", "Uncle Tom's Cabin" at Bibliya
  • Pagsulat ng Noli Me Tangere
    1. Sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng unang bahagi noong 1884 sa Madrid
    2. Natapos noong 1887 sa Alemanya
    3. Tinulungan siya ng kaibigang si Maximo Viola upang maipalimbag ang nobela
  • Ang Noli Me Tangere ay ang kauna-unahang nobela ni Jose Rizal
  • Ang layunin ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere ay malinaw na makikita sa bawat kabanata ng nobela
  • Layunin ni Rizal sa Pagsulat ng Noli Me Tangere

    • (Blank for student to fill in)
  • Kondisyon ng Lipunan Noong Isinulat ang Noli Me Tangere

    • (Blank for student to fill in)
  • Patunay ng Pag-iral Nito sa Kasalukuyan

    • (Blank for student to fill in)