isang pamamaraan kung saan sinasabi ng isang manunulat o tagapagsalita ang mga orihinal na teksto sa mas maikli ngunit komprehensibo
sintesis/buod
ito ay mas malikhaing paraan kung saan ang mga pinakamahalagang bahagi ng teksto ay naibabahagi sa pamamagitan ng sariling pananalita o manunulat
sintesis
gumagawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda sa sulatin
layunin ng sintesis
makuha ang mahalaga ngunit maikling sulatin na kumakatawan sa kabuuan ng tekstong ibinuod; taglay nito ang sagot sa mahalagang tanong (sino, ano, paano, saan, kailan)
dalawang anyo ng sintesis
explanatory at argumentative
explanatory synthesis
sulating naglalayong tulungan ang mambabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang nga bagay na itinalakay
explanatory synthesis
ipinaliliwanag lamang ang paksa, walang kritisismo, hindi nagsisimula ng diskursk kundi naglalayon itong mailahad ang mga detalye at katotohanan sa paraang obhetibo
argumentative synthesis
ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat; may impormasyong hango sa iba’t ibang mga sanggunian na inilahad sa paraang lohikal, pinupunto nito ang katotohanan, halaga o kaakmaan ng mga isyu at impormasyon
background, thesis-driven, synthesis for the literature
tatlong uri ng sintesis
background synthesis
nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian
synthesis for the literature
ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik; kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang literature ukol sa paksa
thesis-driven synthesis
halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit magkaiba lamang sila sa pagkatuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw sa paguugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin