Batayang Kaalaman sa Wika

    Cards (39)

    • Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Bunga ito ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at pagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawing pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.
      Caroll (1964)
    • Ang wika ay isang set o kabuoan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito’y isinusulat din. Ang tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, walang dalawang wikang magkapareho sapagkat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.
      Todd (1987)
    • Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon sa tao.
      1. Isang sistema (may konsistensi o may sinusunod na pattern).
      2. Binubuo ng mga tunog (binubuo ng mga tinuhog na tunog na pamilyar at alam ng gumagamit).
      3. Ginagamit para sa komunikasyon ng tao (ginagamit para sa epektibong pagpapahayag ng iniisip, nadarama, at anomang nakikita sa paligid).
      Edgar Sturtevant
    • Katangian/Kalikasan ng Wika (Austero, et al.,1999)
      1. Pinagsama-samang salita (combination of words)
      2. May kahulugan ang mga salita (words have meaning)
      3. May ispeling (spelling)
      4. May estrukturang gramatikal (grammatical structure)
      5. Sistemang oral-awral (oral-aural system)
      6. Pagkawala o ekstinksyon ng wika (language loss)
      7. Iba-iba, dibersipikado, at pangkatutubo o indihenus (indigenous)
    • Sistemang sensura sa paraang pasalita (oral), at pakikinig (awral). Ang dalawang mahalagang organo na binubuo ng bibig at tainga ang nagbibigayhugis sa mga tunog na napakikinggan. Ang lumalabas na tunog mula sa bibig ay naririnig ng tainga na binibigyang-kahulugan ng nakikinig.
      Sistemang oral-awral
    • Maaaring mawala ang wika kapag ‘di nagagamit o wala nang gumagamit. Tulad din ito sa pagkawala ng salita ng isang wika, i.e., ang salitang banggerahan na bahagi ng sinaunang ayos ng kusina na lugar kung saan hinuhugasan at itinataob ang mga pinggan, baso, atbp. ay hindi na alam ng kabataan sa ngayon. Dahil nagkakaroon ng pagbabagong estruktural ang bahay sa kasalukuyang panahon, darating ang panahong tuluyan nang ‘di gagamitin ang salitang banggerahan kaya masasabing pawala na ito o papunta na sa ekstinksyon.
      Pagkawala o ekstinksyon ng wika
    • Dahil sa iba’t ibang kulturang pinagmulan ng lahi ng tao, ang wika ay iba-iba sa lahat ng panig ng mundo. May etnograpikong pagkakaiba sapagkat napakaraming grupo at/o etnikong grupo ang mga lahi o lipi.
      Iba-iba, dibersipikado at pangkatutubo o indihenus
    • Iba pang Katangian ng Wika
      1. Dinamiko /buhay
      2. May lebel o antas
      3. Gamit sa komunikasyon
      4. Malikhain at natatangi
      5. Kabuhol ng kultura
      6. Gamit sa lahat ng uri ng disiplina/propesyon
    • Ang bokabularyo nito ay patuloy na dumarami, nadaragdagan, at umuunlad. Aktibo itong ginamit sa iba’t ibang larang. Hindi lamang ito pang-akademya kundi pangmasa rin.
      Dinamiko/Buhay
    • May wikang batay sa gamit ay tinatawag na pormal at di-pormal, balbal, kolokyal, lalawiganin, pansiyensya, at pampanitikan. Dumedepende ang lebel o antas ng wika sa mga taong gumagamit nito at maging sa uri ng lugar na pinaggagamitan. Halimbawa, iba ang uri ng wikang gamit ng isang pari sa simbahan kaysa sa wikang gamit pampalengke.
      May lebel o antas
    • Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap kung walang salita. Sa pagsasama-sama ng mga salita, nabubuo ang pangungusap. Ginagamit ang wika bilang instrumento ng pagkakaintindihan, pagkakaisa, at pagpapalawak ng kaalaman.
      Ang wika ay komunikasyon
    • Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. May pagkakaiba man ang mga wika, wala namang maituturing na superyor o imperyor. Napagsisilbihang lubos ng partikular na wika ang lipunang gumagamit nito, kaya walang makapagsasabing nakahihigit ang kaniyang wika sa wika ng iba.
      Ang wika ay natatangi
    • Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Maaari kayang may wika ngunit walang kultura? O, maaari kayang may kultura, ngunit walang wika? Ang totoo, anoman ang umiiral sa kultura ng isang lipunan ay masasalamin sa wikang ginagamit ng nasabing lipunan. Ang pagkamatay o pagkawala ng isang wika ay nangangahulugan ding pagkamatay o pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang pagkakakilanlan ng isang kultura.
      Magkabuhol ang wika at kultura
    • Bawat disiplina/propesyon ay may partikular na wikang ginagamit, kung kaya may mga partikular na register na lumalabas o nabubuo. Halimbawa, may mga salitang partikular na gamit lamang ng mga doktor, may kaniya ring partikular na gamit ng wika ang mga abogado, ang mga magsasaka, ang mga kutsero, at iba pang grupo.
      Gamit ang wika sa lahat ng uri ng disiplina/propesyon
    • Ang wika ay tagapaghatid ng mga ideya o kaisipang nagsisilbing tulay ng pagkakaunawaan ng bawat indibidwal o grupo man. Ngunit maaari ring magbigay ng maling kaisipan o impormasyon ang wika na magiging dahilan ng ‘di pagkakaunawaan.
      Ang wika ay behikulo ng kaisipan
    • Tagapaghatid ito ng mga mensaheng pangkaibigan o pakikipaglagayang-loob. Naipaaalam sa pamamagitan ng wika ang iba’t ibang emosyong nararamdaman ng bawat nilalang o grupo, maging ito’y pagkatuwa, pananabik, hinanakit, atbp.
      Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao
    • Sa wikang ginagamit ng isang tao makikilala kung nasa anong posisyon o estado ng buhay ang nagsasalita. Ang kapangyarihan ng wika sa taong gumagamit nito ay malakas na pwersang makapagpapasunod sa sinomang mababa sa kanya ang katayuan.
      Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan ng nagsasalita
    • May mga salitang natatangi lamang sa isang grupo ng mga tao. Ang maratabat (pride sa wikang Ingles) halimbawa ng mga Meranaw, Magindanawan at iba pang etnikong grupong matatagpuan sa Mindanao ay hindi matatagpuan sa wika ng ibang grupo. Ang salitang maratabat at ang konsepto nito ay kaugaliang bahagi ng kultura ng partikular na grupong nag-aangkin lamang nito. Nangangahulugan ito ng pagbabangon ng dignidad na nadungisan at pagtindig sa kabila ng anomang hamong kaakibat nito.
      Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang lahi, maging ng kanilang karanasan
    • Kahit na hindi sila magpakilala ng kanilang pangkat na pinanggalingan ay makikilala sila dahil sa wikang gamit nila. Maging ang mga bakla o bayot ay may natatanging salitang ginagamit na hindi ginagamit ng ibang grupo ng tao.
      Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumagamit ng natatanging mga salitang hindi laganap
    • Ang wika ng panitikan ay masining. Sa pamamagitan ng wika ay naipahahayag ang yamang-isip ng bawat pangkat. Ang panitikan ay lalong napagaganda nang dahil sa mga piling salitang gamit ng mga malikhaing manunulat. Malayang naipahahayag sa panitikan sa pamamagitan ng wika ang matatayog na pangarap, naiisip, dapat baguhin, mga nakalipas na mga pangyayaring naglalarawan ng sanlibutan, at ang mga kasalukuyang pangyayaring hindi lantad sa iba.
      Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kaniyang artistikong gamit
    • Wika ang dahilan kung bakit napag-aaralan ang kultura ng iba’t ibang pangkat kahit nasa malayo man silang lugar. Pasulat man ito o pasalita, wika ang naging daan para makilala natin ang kultura at tradisyon ng iba’t ibang lahi.
      Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi
    • Wikang panlahat ang tagapag-ugnay ng bawat mamamayan para mabuo ang solidong pagkakaunawaan at kapatiran sa bawat bansa. Halimbawa—Filipino ang lingua franca sa buong Pilipinas. Ito ang wikang nag-uugnay sa mamamayan ng bansa. Ang Ingles ay isa sa mga lingua franca ng daigdig na nagbubuklod sa maraming bilang ng mga mamamayan ng daigdig.
      Ang wika ay tagapagbigkis ng lipunan
    • Kahalagahan ng Wika
      1. Kahalagahang Pansarili
      2. Kahalagahang Panlipunan
      3. Kahalagahangh Global/Internasyonal
    • Tungkulin ng Wika
      1. Personal
      2. Imahinatibo
      3. Interaksyonal
      4. Impormatibo/Representasyonal
      5. Instrumental
      6. Regulatori
      7. Heuristik
    • Ito ay tungkulin ng wikang ginagamit sa pakikipagkomunika kung nais o gustong ipahayag ang sariling saloobin ng may pagsaalang-alang sa sariling indibidwalidad. Bahagi nito ang pagbulalas ng damdamin gaya ng pagkagulat, pagkagalit, hinanakit, at tuwa.
      Personal
    • Tungkulin ito ng wikang ginagamit upang hikayatin ang mambabasa o tagapakinig na mapagana ang imahinasyon o kaya’y unawain o bigyang-hugis sa isipan ang mensaheng nais iparating ng tagapagsalita. Bunga nito, nabubuhay ang emosyon o damdamin ng mambabasa habang pinatatakbo lamang sa gunita ang mga pangyayari, senaryo, at sitwasyong inilalarawan.
      Imahinatibo
    • Ito ay ginagamit sa pakikipagkapwa, pagpaplano, pagpapayabong o pagpapanatili ng ugnayan sa iba, gayundin maaari rin namang may tungkuling panatilihin ang ekslusibidad. Ang paggamit ng sosyolek tulad na lamang ng wika ng mga bakla at jargon na wika ng isang partikular na disiplina ay halimbawa ng mga wikang ang tungkulin ay interaksyonal.
      Interaksyonal
    • Ito ay ginagamit sa pagpapaliwanag upang maipaalam ang katotohanan, datos at impormasyong hatid ng mundo. Ito ang ginagampanan ng wika kapag nagkakaroon ng lektura, naghahain ng mga bagong tuklas na datos, at nagbibigay ng mga resulta ng sarbey.
      Impormatibo/Representasyonal
    • Sa uring ito, tungkulin ng wikang maging kasangkapan upang maipahatid ang nais o gusto, pagtutol o kaya ay pagsang-ayon. Ipinakikita sa tungkuling ito ang pagbabago ng tono upang bigyan-diin ang nais ipahiwatig. May pagkakahawig ito sa tungkuling personal bagamat sa uring ito ay hindi isinasaalang-alang na makilala ang tagapagsalita kundi ang kanyang ipinahahayag lamang.
      Instrumental
    • Ito ay ginagamit ng mga taong may awtoridad o kapangyarihan sa pagkontrol ng kanilang nasasakupan. Nakapagpapakilos ang wika tungo sa pagtatamo ng layunin dahil sa kapangyarihang bunga ng awtoridad, impluwensiya, karisma, at pwersa.
      Regulatori
    • Ito ay upang makatuklas at mapatotohanan ang mga hinuha upang makamit ang kaalamang akademik o propesyonal. Ito ang naging tungkulin ng wikang ginamit sa mga pananaliksik at imbensiyon.
      Heuristik
    • Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.
      Carol (1964)
    • Sa isang panahon ng kasaysayan, ang tika ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawaing pinag-aaralan at ginagamit ng komunidad.
      Carol (1964)
    • Ang wika ay kabuoan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon.
      Todd (1987)
    • Ang wika ay arbitraryo at sistematiko.
      Todd (1987)
    • Walang dalawang wikang magkapareho sapagkat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.
      Todd (1987)
    • Hindi lamang binibigkas ang wika kundi ito'y isinusulat din.
      Todd (1987)
    • Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon.
      Edgar Sturtevant
    • Ayon pa kay ______ , ang wika ay parang hininga, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito.
      Bienvenido Lumbera