LIPUNANG EKONOMIYA

Cards (18)

  • Nanggaling ang salitang EKONOMIYA sa mga Griyegong salita na
    Oikos - bahay
    Nomos - pamamahala
  • Lipunang Ekonomiya - ito ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa pangangailangan ng tao
  • Sakop ng Lipunang Ekonomiya ang:
    Pagyari - production
    Pagbahagi - distribution
    Paggamit - consumption
  • Economics - ay pag-aaral ng pagyari, pag babahagi, at paggamit ng mga bunga ng paggawa at serbisyo ng mga tao
  • Macroeconomics - tumutukoy sa pangkalahatang ekonomiya ng lipunan, kasama nito ang pagbaba o pag taas ng halaga ng salapi o pagtaas ng mga presyong bilihin o serbisyo.
  • Microeconomics - tumutukoy sa pangangailangan ng mga taong gumagamit, ang mga namimili, at nagtitinda ng mga pag-aari at mga bagay-bagay.
  • PANGUNAHING KONSEPTO SA LIPUNANG EKONOMIYA:
    Produksiyon
    • Prinsipyo ng Imbak at Pangangailangan
    Pag-unlad ng Ekonomiya
    Sistema ng Ekonomiya
  • Produksyon -may iba't ibang uri ng produkto o kalakal at ito ay natataya kung gaano ang nagawa sa isang panahon ito man ay bagay o servisyo ng tao.
  • Prinsipyo ng Imbak at Pangangailangan - pagbabago ng mga presyo, depende sa dami ng mamimili at gaano karami ang maaring mabili.
  • Pag-unlad ng ekonomiya- batay sa GDP growth. Kung ang GDP ay tumaas, ibig sabihin nito ay umunlad ang ekonomiya
  • GDP - Gross Domestic PRoduct
  • Sistema ng ekonomiya -ang lipunang ekonomiya ay kumikilos bata sa sistemang sinusunod ng isang bansa.
  • Apat na Pangunahing Sistema:
    • Kapitalismo
    • Sosyalismo
    • Komunismo
    • Ekonomiyang halo
  • Kapitalismo - ang mga indibidwal ang nag mamay-ari ng yaman ng ekonomiya at industriya.
    • Pansariling kabutihan at kompetisyon ang mahalaga sa sistemang ito.
  • ekonomiyang halo (mixed economy)

    • Mas maraming mga bansa ang may mahigit na isang uri ng sistema.
    • Pinaghahalo nila ang sangkap ng mga uring unang nabanggit.
  • SOSYALISMO
    Ang gobyerno ang nagplaplano sa halip na mga nasa kalakalan. Ang gobyerno ang gumagawa ng mga planong pang ekonomiya at ito rin ang nag mamay-ari ng kalakal o ipinakakalat nito sa mamamayan
  • KOMUNISMO
    • Lahat ng tao ay nag mamay-ari sa yaman.
    • Walang gobyerno o antas-ekonomiko at walang pera.
    • Bawat indibidwal ay nagbabahagi sa lipunan
  • Layunin at Gamoanin ng Media:
    • Magbigay ng impormasyon at magturo
    • Pagbibigay ng libangan.