Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Texto sa Pananaliksik

Subdecks (3)

Cards (79)

  • Obhektibo at siyantipikong sulatin na mahigpit na nakabatay sa katotohanan at makatwirang paglalahad.
    Panimula
  • Tinatalakay kung kailan nagsimula, paanong naganap at saan naganap ang suliranin.
    Kaligiran ng Pag-aaral
  • Aktwal na teorya na hango sa mga naisagawang pag-aaral ng mga dalubhasa.
    Batayang Teoretikal
  • Dayagramatikong representasyon ng batayang konseptwal.
    Paradaym
  • Ito ay nakapokus o sentro ng pag-aaral. Mga katanungang nabuo ng mga mananaliksik.
    Paglalahad ng Suliranin
  • Mga pansamantalang hinuha o hula sa maaring kalabasan ng isinagawang pananaliksik.
    Haypotesis o Hinuha
  • Magiging ambag ng isinagawang pag-aaral.
    Kahalagahan ng Pag-aaral
  • Saklaw ay tumutukoy sa lugar, panahon, at kung sino at ilan ang kalahok sa pag-aaral.
    Sakop at Limitasyon
  • Mahahalagang salita o terminilohiya na ginamit ng mananaliksik.
    Kahulugan ng mga katawagan
  • Kinukuha ang kahulugan sa diksyunaryo at iba pang-aklat.
    Konseptwal na Kahulugan
  • Kahulugan ng salita ayon sa pagkakagamit nito sa pananaliksik.
    Operasyunal na Kahulugan
  • Mga pag-aaral galing sa tesis o disertasyon ng may kinalaman sa isinasagawang pananaliksik.
    Kaugnay na Literatura
  • Mga Bahagi ng Kabanata II
    1. Literaturang Panlokal
    2. Literaturang Pambanyaga
    3. Pag-aaral na Panlokal
    4. Pag-aaral na Pambanyaga
    5. Sintesis ng Pag-aaral
  • Pag-aaral ng mga nakaraang pangyayari na iuugnay sa pangkasalukuyan at panghinaharap na panahon.
    Disenyong Pangkasaysayan
  • Isang pag-aaral na idinisenyo upang ilarawan ang mga kalahok sa isang tumpak na paraan.
    Disenyong Deskriptibo
  • Uri ng Disenyong Deskriptibo
    1. Sarbey
    2. Case study
    3. Feasibility study
    4. Correlational study
  • Isinasailalim ng mananaliksik ang isa o dalawang baryabol sa isang kontroladong kalagayan.
    Disenyong Eksperimental
  • Random na pagpili sa respondente.
    Probability
  • Pagpili batay sa pansariling pagsusuri at pagsisiyasat ng mananaliksik.
    Nonprobability
  • Binibigyang pagkakataon ang lahat ng yunit o bahagi ng populasyon na mapili.
    Payak na Random Sampling
  • Kabuuang bilang ng yunit ng populasyon ay hinahati sa balak na laki ng sample.
    Sistematikong Sampling
  • Paghihiwalay ng mga yunit o bahagi ng populasyon sa mga katangiang mayroon ang populasyon.
    Stratified sampling
  • Ginagamit ito sa lubhang malaki at maraming bahagi ng populasyon.
    Cluster sampling
  • Tumutukoy sa tiyak na respondente na kailangan sa populasyon ng mananaliksik.
    Purposive sampling
  • Pinakamadaling pagkuha ng respondente.
    Convenience sampling
  • Magkatumbas ang bilang ng mga bahagi ng populasyon na kukunin.
    Quota sampling
  • Nakukuha ang impormasyon sa pamamagitan ng pagmamasid.
    Obserbasyon
  • Naghahanda ang mga mananaliksik ng tiyak na tanong para sa taong makapagbibigay sa kanila ng wastong impormasyon.
    Pakikipanayam o interview
  • Magbibigay ng talatanungan ang mga mananaliksik kung saan maaring isulat ang sagot.
    Talatanungan o questionnaire
  • Binubuo ang kabanatang ito ng kinalabasan ng pagsusuri at ang kahulugan ng mga datos na nakuha mula sa mga respondente sa pag-aaral.
    Kabanata IV
  • Katumbas na paglalarawan o paliwanag ng mga bilang na nasa loob ng talahanayan o graph.
    Tekstuwal na presentasyon ng datos
  • Sistematikong ipinakikita ang mga datos, gayundin ang klasipikasyon o pangkat kung saan ito kabilang. 

    Tabular na presentasyon ng datos
  • Naglalahad ng pangkalahatang buod ng pag-aaral, mga konklusyon batay sa resulta ng pag-aaral at mga rekomendasyon ng mananaliksik batay sa resulta at konklusyon sa pag-aaral.
    Kabanata V