FILIPINO2

Cards (20)

  • Iskema sa anyong maramihan, ay ang kolektibong kaalaman o karanasang nakaimbak sa ating isipan.
  • Interaktibong Proseso ng Pagbasa ay ang ugnayan ng mambabasa at ng binabasa niyang teksto. Dito, ang mga impormasyong nababasa natin mula sa teksto at ang dating kaalaman at kasanayan sa paghihinuha ay pinag-uugnay natin upang magtamo ng bagong kaalaman.
  • Ang bottom-up ay isang text-based approach.
  • Ang top-down ay isang reader-based approach.
  • Modelong top-down ang mambabasa ang nagdidikta sa kahulugan ng teksto mula sa sariling pag-unawa sa mga nabasang salita at pangungusap.
  • modelong bottom-up, ang teksto ang nagdidikta sa kahulugan ng teksto. Kung gayon, inuunawa ng mambabasa ang teksto gamit ang kaniyang kaalaman sa wika at gramatika—mga salita, pangungusap, larawan, simbolo, at iba pang kaniyang nababasa at nakikita sa teksto.
  • metakognitibong pagbasa ay ang pagpapakahulugan, pagbubuo ng katanungan, pagbibigay hinuha o pagkukuro, at pagbubuo ng kaisipan ukol sa binasa.
  • metakognisyon ay ang kamalayan tungkol sa mga bagay na iyong iniisip. Ibig sabihin, ang mambabasa ay may kontrol sa kung paano niya uunawain ang isang teksto.
  • Tatlong Yugto ng Pagbabasa Ang tatlong yugto sa pagbabasa ay ang Bago Magbasa, Habang Nagbabasa, at Pagkatapos Magbasa. Sa lahat ng yugtong ito ay magagamit natin ang metakognisyon sa pagbasa.
  • bago magbasa, gumagawa tayo ng hinuha o palagay tungkol sa tekstong babasahin.
  • Habang Nagbabasa Sa yugto na habang nagbabasa, gumagamit ng anotasyon at pag-aanalisa upang lubos na maunawaan ng mambabasa ang binasang teksto.
  • pagkatapos magbasa, ang mambabasa ay gumagawa ng ebalwasyon ng teksto batay sa dalawang naunang proseso. Kabilang na rito ang pag-unawa at paggawa ng interpretasyon ng mambabasa sa binasang teksto.
  • Bago Magbasa
    ● Ano ang pamagat?
    ● Ano ang paksa ng tekso?
    ● Ano ang katangian ng teksto?
    ● Sino ang may-akda?
    ● Kailan isinulat ang teksto?
  • Habang Nagbabasa
    ● paggawa ng mga ugnayan
    ● pagbigay ng prediksyon sa maaaring mangyari
    ● paggamit ng context clues
    ● pag-alam sa kahulugan ng mga salitang hindi maunawaan
    ● paulit-ulit na pagbasa hanggang makuha ang mensahe ng teksto
    ● pag-visualize
  • Pagkatapos Magbasa
    ● buod
    ● story map
    ● alternatibong katapusan
  • Iskema Kolektibong kaalaman o karanasang nakaimbak sa ating isipan.
  • modelong top-down Modelo kung saan ang mambabasa ang nagdidikta sa kahulugan ng teksto mula sa sariling pag-unawa sa mga nabasang salita at pangungusap.
  • modelong bottoms-up Modelo kung saan ang teksto ang nagdidikta sa kahulugan ng teksto.
  • to ang tinatawag na pag-unawa sa pahayag. Higit sa lahat, nakikilala at nauunawaan natin ang kahulugan ng mga salita sa binasa nating teksto dahil nauunawaan natin ang wikang ginamit sa pagsulat ng teksto. Ito ang kaalaman sa gramatika at bokabularyo.
  • Ang tekstong deskriptibo ay tekstong naglalarawan. Ito ay naglalahad ng mga katangian ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.