Ang pagbabasa ay isang kognitibong kasanayan sa pagbibigay-kahulugan o interpresyon sa tekstong nakalimbag o wikang binibigkas. ito ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag (barnales 2002)
Ang pagbabasa ay isa sa pangunahing kailangan sa pagkatuto o literacy. Halos 80% ng mga bagay sa ating paligid ay binabasa o kailangan basahin (Nillamin 1999)
kapag sinabing kognitibo ginagamitan ito ng pag-iisip upang maka-kuha at maka-unawa ng bagong impormasyon.
Ang kasanayan sa isang kakayahan na kailangang paunlarin. mahahasa kasanayan kung ito ay ginagawa ng wasto at paulit ulit.
Dalawang kognitibong elemento: Pag unawa sa wika at pag unawa sa nilalaman
Ang pag unawa sa wika o language ay nangunguhulugang nabibigyan nating ng kahulugan sa mga salita dahil ito isang wika na alam at nauunawaan natin.
Ang pag-unawa sa nilalaman o decoding ay nangangahulugang nabibigyan natin ng kahulugan ang salita dahil may nauna tayong kaalaman tungkol dito nahihinuha natin ang kahulugan at kabuluhan ng isang salit batay sa impormasyong kaugnay nito.
Mayroong iba't ibang paraan para isagawa ang decoding ilan sa mga ito ang paggamit ng sightwords, visualization, paggamit ng graphic organizer, guided reading, at summarizing.
Sight words salitang madalas na mabasa sa mga akda. wala itong katumbas na larawan o hindi agad natutukoy ang baybay kapag binigkas.
Biswalisasyon paggamit ng imahinasyon sa tulong ng mga nabubuong ilustrasyon o larawan sa ating isipan.
Grapikong pantulong biswal na representasyon ng mga konseptong pagtutuunan ng pansin sa pagbabasa.
process flowchart para sa banghay o pagkakasunod sunod ng mga pangyayari.
List chart para sa paglilista ng iba pang elemento katangian o konsepto na inilahad sa isang teksto.
Ginabayang pagbabasa o guided reading ay ginagawa sa pamamagitan ng paglilista ng mga tanong tungkol sa isang teksto.
Summarizing pag bubuod, ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mahahalagang detalye o pangyayari para mabuo ang kwentong pina ikli.
Layunin tumutukoy sa mithiin o nais na mangyari ng isang manunulat o may akda sa kaniyang mga mambabasa.
Damdamin tumutukoy sa ito sa mga emosyon o saloobing nalilikha ng mambabasa.
Tono tumutukoy ito sa emosyon o saloobin ng may-akda sa paksa.