Ang tekstong deskriptibo ay tekstong naglalarawan. Ito ay naglalahad ng mga katangian ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.
Paglalarawan ng Katangian Sa paglalarawan ay tinutukoy ang mga katangian o hitsura ng tao, bagay, lugar, o pangyayari
Kung tao ang inilalarawan, inilalahad ang kulay, taas, pag-uugali, o mga nakagawiang kilos.
Kung bagay, tinutukoy ang kulay, laki, lasa, amoy, o dami nito.
Kung lugar, iniisa-isa ang laki, disenyo, ganda, o mga bagay na makikita rito.
Kung pangyayari, isinasalaysay ang mga tauhan, lunan, oras, o pagkakasunod-sunod ng mga nangyari.
Paano natin nailahad ang mga katangian ng larawan?
Paningin, Panlasa, Pandinig, Pang-amoy, at Padamdam.
Tekstong Deskriptibo Lahat ito ay gumagamit ng limang pangunahing pandama.
Ang deskripsyong teknikal ay naglalarawan ng detalyadong pamamaraan.
Ang deskripsyong impresyonistiko ay naglalarawan ayon sa personal na pananaw o saloobin.
Mayroon ding dalawang anyo ng paglalarawan na ginagamit sa tekstong deskriptibo: ang karaniwan at makasining.
May dalawang uri ng paglalarawan na magagamit sa pagsulat ng tekstong deskriptibo: teknikal at impresyonistiko.
Sa karaniwang paglalarawan, ang isang tao, bagay, lugar, o pangyayari ay inilalarawan ayon sa nakikita ng mga mata.
Sa masining na paglalarawan naman ay ginagamit ang damdamin at pananaw ng taong naglalarawan.
Samantala, sa masining na paglalarawan ay maaaring gumamit ng mga di-karaniwan at matatalinghagang salita para kilitiin ang imahinasyon ng mga mambabasa.
Ang travel guide ay naglalahad ng ganda at mga natatanging katangian ng iba’t-ibang lugar para hikayatin ang mga turista na puntahan o bisitahin ito. Ginagamit sa pagsulat nito ang ating paningin.
Ang restaurant guide ay naglalahad ng lasa at presentasyon ng mga pagkain, kasama na ang kabuoang hitsura at ambiance ng isang kainan o restaurant.
Ang album review naman ay naglalarawan ng mga kanta sa isang album at disenyo ng pabalat o lalagyan nito.
perfume product review Dito ay inilalahad ang halimuyak ng isang produktong pabango, kasama na ang disenyo at ganda ng lagayan nito.
Nakasusulat naman ng isang movie o theater review gamit ang kombinasyon ng ating pandamdam at paningin.
movie o theater review: Hindi nahahawakan ang mga eksenang napanonood sa sinehan, ang emosyong inihahatid nito sa mga manonood sa tulong ng biswal na mga larawan ang nagiging batayan ng ganda at husay ng isang palabas o pelikula.