Si Mullah Nassreddin ay kilala sa tunay na pangalang Nasreddin Hodja, isang pilosopo noong ika-13 siglo. Pinaniniwalaan na ang kaniyang sinilangangbayan ay matatagpuan ngayon sa bansa ng Turkey. Kilala si Nassreddin dahil sa kaniyang nakatutuwang mga kuwento at anekdota. Siya'y may matalas na pag-iisip, ngunit palagi siyang tampulan ng biruan. Ang "Mullah" ay isang titulo na ibinibigay sa matatalinong Muslim. Halos lahat ng Muslim ay pamilyar sa mga kuwento ni Nassreddin. Kahit ang mga di-Muslim sa Tsina ay alam din ang kaniyang mga anekdota, at sa wikang Tsino ang pangalan niya ay "Afanti."