Sa akademikong sulatin, sinasanay ang mga mag-aaral sa iba't ibang pagsulat na nakatutulong upang malinang ang kanilang kakayahan at magkaroon ng malikhaing pag-iisip
Inaasahan na makasusulat o makabuo ng sariling halimbawa ukol sa napakinggang Talumpati
Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa
Makapagpapahalaga sa pagsulat ng isang halimbawang anyo ng akademiko
Makakikilala ng Talumpati sa pamamagitan ng pagtutukoy
Makakapagsulat ng isang halimbawang talumpati batay sa mga napakinggang halimbawa
Mabibigyang-diin ang mga mahalagang impormasyong nakapaloob ayon sa paksang tinalakay
Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa na karaniwang isinakatuparang bigkasin sa harap ng tagapakinig
Ang isang talumpating isinulat sa ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla
Uri ng Talumpating Binibigkas:
Biglaang Talumpati (impromptu): Ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda
Maluwag (extemporaneous): Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda, nagbibigay lang ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipapahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ipahayag
Manuskrito: Ginagamit sa mga kombensiyon, seminar at programam sa pagsasaliksik
Isinaulong Talumpati: Mahusay na pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng tagapakinig
Mga uri ng Talumpati ayon sa layunin:
Talumpating nagbibigay ng impormasyon o kabatiran
Talumpating Panlibang
Talumpating Pampasigla
Talumpating Panghikayat
Talumpating Pagbibigay-galang
Talumpati ng Papuri
Mga Dapat Isaalang-alang sa pagsulat ng Talumpati:
URI NG TAGAPAKINIG: Ang edad o gulang ng mga tagapakinig, ang bilang ng mga nakikinig, kasarian, edukasyon o antas sa lipunan, mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig
TEMA O PAKSANG TATALAKAYIN: Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin, pagbuo ng tesis, pagtukoy sa mga pangunahing kaisipan o punto
HULWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI: Kronolohikal na hulwaran, Tropikal na hulwaran, Hularang problema-solusyon
KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG TALUMPATI:
Introduksyon
Diskusyon o Katawan
Katapusan o Kongklusyon
Haba ng Talumpati
Halimbawa ng Uri ng Kumpas ng Isang Talumpati:
Palad na itinataas habang nakalahad
Nakataob na palad at biglang ibinababa
Palad na bukas at marahang ibaba
Kumpas na pasuntok
Paturong kumpas
Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting ititikom
Ang palad ay bukas, paharap sa nagsasalita
Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad
Kumpas na pahawi o pasaklaw
Marahang pagbaba ng dalawang kamay
Ang Pilipinas ng kahapon ay naging dakila dahil sa pag-aalay ng buhay at yaman ng mga bayani, martir, at sundalo
Ang Pilipinas ngayon ay pinararangalan ng taos-pusong pagmamahal ng mga pinunong di makasari li at may lakas ng loob
Ang Pilipinas ng bukas ay magiging bayan ng kasaganaan, ng kaligayahan, at ng kalayaan
Isang Pilipinas na nakataas ang noo sa Kanlurang Pasipiko, tangan ang sariling kapalaran, hawak sa kanyang kamay ang ilaw ng kalayaan at demokrasya
Talumpati:
Isinaalang-alang sa pagsulat ng Talumpati ang edad o gulang ng tagapakinig
Layunin nitong tanggapin ang bagong kasamahan o kasapi sa organisasyon
Isang paraan o proseso ng pagpapahayag ng mga ideya o kaisipan sa parang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa na karaniwang isinakatuparan sa harap ng tagapakinig
Sa pagsulat ng Talumpati kinakailangang gumamit ng mga simpleng salita o pormal na salita na madaling maiintindihan ng madla
Ano ang Talumpati?
Ang Talumpati ay isang paraan o proseso ng pagpapahayag ng mga ideya o kaisipan sa parang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa na karaniwang isinakatuparan sa harap ng tagapakinig
Sa pagsulat ng Talumpati, bakit kailangang isaalang-alang ang uri ng tagapakinig?
Kinakailangang isaalang-alang ang uri ng tagapakinig sa pagsulat ng Talumpati upang masiguro na ang mensahe ay maiparating ng wasto at epektibo sa kanila
Bilang isang mag-aaral, kung bibigyan ka ng pagkakataon na mamamahala sa iyong baranggay at kailangang gumawa ka ng talumpati bilang pagbibigay inspirasyon o impormasyon sa kanila, ano kaya ang isa sa mga paksa na iyong pipiliin?
Bilang isang mag-aaral na mamamahala sa baranggay, maaaring pumili ng paksa tulad ng kahalagahan ng pagtutulungan at disiplina sa komunidad
Baklit kailangang malaman ang iba't ibang bahagi ng talumpati lalong-lalo na kung ikaw ay susulat nito?
Mahalaga ang pagkaalam sa iba't ibang bahagi ng talumpati upang maging maayos at epektibo ang pagpapahayag ng mensahe sa mga tagapakinig
Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-pa niwang talumpati
Walang kamalian sa gramatika/bantas
Nakabubuo ng talumpating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan