ESP Q3

Subdecks (3)

Cards (53)

  • Ang pagkilala na mahal ng Diyos ang tao ay nagmumula sa pananampalataya na may Diyos na nagbigay ng kalikasan bilang pagmamahal para sa Kaniyang nilikha.
  • Ang isang taong may pananampalataya ay kumikilala na ang Diyos ay pag-ibig at ang pag-ibig na ito ay ipinahahayag Niya sa lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay.
  • Ang kakayahan ng Diyos na magmahal ay kahayagan ng Kaniyang kalikasan sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.
  • Ang pagmamahal ng Diyos ay natatangi sapagkat ito ay walang kondisyon, walang katapusan, at walang hanggan
  • Sa pamamagitan ng pagmamahal ng Diyos, nababago ang kamalayan natin, nagkakaroon tayo ng ginhawa at kagalingan sa buhay, nagkakaroon tayo ng kakayahan na magmahal sa kapwa, nakakikilos at nakapagpapasiya tayo ayon sa pagpapahalagang moral upang mabago ang ating buhay.
  • Paghahanap ng kahulugan ng buhay
    Ang buhay ay maituturing na isang paglalakbay. Sa paglalakbay na ito kailangan ng tao ng makakasama upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay.
  • Una, paglalakbay kasama ang kapwa.
    Ikalawa, paglalakbay kasama ang Diyos. Ngunit tandaan, hindi sa lahat ng oras ay magiging banayad ang paglalakbay, maaring maraming beses na madapa, maligaw, mahirapan, o masaktan, ngunit ang mahalaga ay huwag bibitiw o lalayo sa mga kasama. Anumang hirap o balakid ang maranasan sa daan, mahalagang harapin ito na may determinasyon na marating ang pupuntahan.
  • Hindi maaaring paghiwalayin ang paglalakbay kasama ang kapwa at paglalakbay kasama ang Diyos dahil makikita ng tao sa mga ito ang kahulugan ng kaniyang buhay.Ang bawat isa ay may personal na misyon sa buhay. Ikaw, alam mo ba nag dahilan ng iyong pag-iral sa mundo? Sa patuloy na paglalakbay ng tao sa mundo, siguradong matatagpuan na niya ang kaniyang hinahanap.
  • May magandang plano ang Diyos sa tao. Nais ng Diyos na maranasan ng tao ang kahulugan at kabuluhan ng buhay, ang mabuhay ng maligaya at maginhawa.
  • Sa paglalakbay ng tao, mahalagang malinaw sa kaniya ang tamang pupuntahan. Ito ay walang iba kundi ang Diyos- ang pinakamabuti at pinakamahalaga sa lahat.
  • Ang tao ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha dahil hindi lamang katawan ang ibinigay sa kaniya ng Diyos kundi pinagkalooban din siya ng espiritu na nagpapabukod-tangi at nagpapakawangis sa kaniya sa Diyos. Ngunit ang nagpapakatao sa tao ay ang kaniyang espiritu na kinaroroonan ng persona.
  • Ang persona, ayon kay Scheler ay "ang pagka-ako" ng bawat tao.
  • Ang espiritwalidad ng tao ay galing sa kaniyang pagkatao. Ito ay lalong lumalalim kung isinasabuhay niya ang kaniyang pagiging kalarawan ng Diyos at kung paano niya minamahal ang kaniyang kapwa. Kaya ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at ang pagtugon sa tawag na Diyos na may kasamang kapayapaan at kapanatagan ng kalooban.
  • Anumang relihiyon ng tao,espiritwalidad ang pinakarurok na punto kung saan niya nakatagpo ang Diyos.
  • Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang pasiya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at pagkatao.Isang biyaya na maaring malaya niyang tanggapin o tanggihan.
  • "Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam,ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita." (Hebreo11:1) Ibig sabihin, nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos kahit hindi pa niya ito nakikita,at mula rito, nararanasan niya ang kapanatagan, ang tunay na kaginhawaan at kaligayahan.
  • Sa pananampalataya, itinalaga ng tao ang kaniyang paniniwala at pagtitiwala sa Diyos. Inaamin niya ang kaniyang limitasyon at kahinaan dahil naniniwala siyang anumang kulang niya ay pupunan ng Diyos.
  • Ang pananampalataya, tulad ng pagmamahal ay dapat ipakita sa gawa. Ito ang pagsasabuhay ng tao sa kaniyang pinaniniwalaan.
  • "Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay" (Santiago2:20).Ibig sabihin,ang mabuting kilos at gawa ng tao ang siyang matibay na nagpapakita ng kaniyang pananampalataya.
  • Naipahahayag ang pananampalataya ng tao kahit ano pa man ang kaniyang relihiyon- maging Kristiyanismo, Budhismo, Islam o iba pa. Magkakaiba man ang turo o aral ng bawat relihiyon, ang mahalaga ay nagkakaisa sa iisang layuning magkaroon ng malalim na ugnayan ang tao sa Diyos at sa kapwa.