Buod - ay ang pinaiksing bersyon ng isang teksto. Pinipili lamang ang mga mahahalagang ideya at datos.
Argumento - ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig
Proposisyon - pagpapahayag ng argumento tungkol sa isang paksa o ang pinagtatalunan
Balangkas - ay isang maayos at sunod-sunod na banghay o buod na naglalahad ng mahahalagang paksa, kaisipan, pangyayari o detalye mula sa hinihinging impormasyon
Pamaksang Balangkas (topic outline) - binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o pahayag
Pangungusap na Balangkas (sentence outline) -ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya at maynor na ideya
Patalatang Balangkas (paragraph outline) - ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin
Dibisyon - gumagamit ng bilang na Romano
Seksyon - Gumagamit ng mga titik
Sub-dibisyon - pinanandaanan ng bilang arabiko
Pang-ugnay - ay nagpapakita ng kaugnayan ng dalwang yunit sa pangungusap
Pangatnig - ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na ginagamit sa pangungusap
Pamukod - ginagamit sa pagbubukod o pantangi gaya ng o, ni, maging, at man
Anong mga salita ang ginagamit ng Pamukod?
O, ni, maging, man
"Maghahanda ba tayo para sa kaarawan mo o kakain nalang tayo sa labas?" Anong klaseng pangatnig ito?
Pamukod
Panuhali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng kung, kapag, pag, sakali, sana
Anong mga salita ang ginagamit ng Panuhali?
Kung, kapag, pag, sakali, sana
"Kung uulan, hindi tutuloy ang ating palatuntunan." Anong uri ng pangatnig ito?
Panuhali
Paninsay - kapag sinalungatang unangbahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng ngunit, datapwat, subalit, bagama, kahit, samantala