Iba’t ibang katangian ng Akademikong Pagsulat

Cards (14)

  • KOMPLEKS
    • Ang pasulat na wika ay mas ——— kaysa pasalitang wika dahil ginagamitan ito ng mahahabang salita, mas mayaman na leksikon at bokabularyo.
  • TUMPAK
    • Ang mga datos ay inilalahad nang ——— o walang labis at walang kulang.
  • OBHETIBO
    • Ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin at hindi lamang nakabatay sa sariling opinyon ng manunulat.
  • EKSPLISIT
    • Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw at magkakaugnay-ugnay ang iba’t ibang bahagi ng teksto gamit ang iba’t ibang signaling words.
  • WASTO
    • Gumagamit nang wastong bokabularyo o mga salita.
  • RESPONSABLE 
    • Ang manunulat responsable sa paglalahad ng mga ebidensiya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Kinikalala niya ang mga hanguan ng impromasyong na kanyang ginamit.
  • MALINAW NA LAYUNIN
    • Sa pagtalakay ng manunulat sa isang paksa, kailangang matugunan ang mga tanong/layunin kaugnay dito.
  • MALINAW NA PANANAW
    • Ang manunulat ay naglalahad ng sariling punto de bista batay sa mga ideya at saliksik ng iba
  • MAY POKUS
    • Ang bawat pangungusap at talata ay kailangang sumusuporta o magkakaugnay sa tesis na pahayag
  • LOHIKAL NA ORGANISASYON
    • Ang akademikong papel ay may introduksyon, katawan, at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata.
  • MATIBAY NA SUPORTA
    • Ang katawan ng talataan ay kailangang sapat at ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan, opinyon ng mga eksperto at siniping pahayag o quotations.
  • MALINAW NA PAGPAPALIWANAG
    • Kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.
  • EPEKTIBONG PANANALIKSIK
    • Kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal, at akademikong hanguan ng mga impormasyon.
  • ISKOLARLING ESTILO SA PAGSULAT
    • Sa pagsulat ng akademikong papel, sinisikap dito ang kalinawan at kaiklian.