Ito ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
pagbabasa Anderson et. al. (1985)
Ito ay ang unang hakbang sa pagtatamo ng kaalaman. Tumutukoy ito sa kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakasulat kung kaya isang napapanahong hakbang ang paghikayat sa mga tao sa makabuluhang pagbasa at pag-aanalisa.
pagbabasa Alejo et. al. (2005)
Ang pagbasa ay isang
makrong kasanayan.
ay tumutukoy sa masinsin at malalim na pagbasa. Ito ay nagsisilbing pagsusuring gramatikal.
Intensibong Pagbasa
Ito ay isinasagawa para makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto.
Ekstensibong Pagbasa
Ito ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay para hanapin ang espesipikong impormasyon na itinakda bago magbasa.
Scanning na Pagbasa
Ito ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay para alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.
Skimming na Pagbasa
Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong para makamit ang literasi sa pagbasa. Ito ay tumutukoy sa tiyak na datos at espesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting o lugar, at mga tauhan sa isang teksto.
Primarya
Dito nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakakapagbigay ng mga hinuha o impresyon. Nagbibigay ng mabilisan pero makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto nang mas malalim.
Mapagsiyasat
Dito ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip para malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o perspektibo ng manunulat.
Analitikal
Tumutukoy ito sa pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba't ibang teksto at akda na kadalasang magkakaugnay. Nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na paksa.
Sintopikal
Antas ng Pagbabasa
Primarya
Mapagsiyasat
Analitikal
Sintopikal
Bago Magbasa, Sinisimulan sa pagsisiyasat ang tekstong babasahin para malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa genre ng teksto.
Habang Nagbabasa, Sabay-sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang iba't ibang kasanayan para lubusang maunawaan ang teksto.
Pagkatapos Magbasa, Sa kasanayang ito maisasagawa ng isang mambabasa ang pagtatasa ng komprehensiyon, pagbubuod, pagbuo ng sintesis, at ebalwasyon para maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala sa teksto.
Pagkilala sa Opinyon o katotohanan. Ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng mga empirikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon. Ang opinyon naman ay mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao.
Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at Damdamin ng Teksto. Ang layunin ay tumutukoy sa gustong iparating at motibo ng manunulat sa teksto. Ang pananaw naman ay ang pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto. Ang damdamin ay ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto.
Tekstong Impormatibo. Ito ay tinatawag ding ekspositori. At ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Sinasagot nito ang mga tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.
Halimbawa ng mga Tekstong Impormatibo
Pahayagan, Listahan (directory), Encyclopedia, Diksyunaryo, Posters, Ulat ng mga kamag-aral o guro, Talambuhay, Mga legal na dokumento, Manwal na Panturo, Mga aklat na nailathala na, Mga Tala (notes), Internet.
Ito ay paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari.
Sanhi at Bunga
Ito ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto, O pangyayari.
Paghahambing
Ipinaliliwanag dito ang kahulugan ng isang salita, termino, o konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang bagay o sa mas abstraktong mga bagay.
Pagbibigay-Depinisyon
Ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba't ibang kategorya o grupo para magkaroon ng sistema ang pagtatalakay.
Paglilista ng Klasipikasyon
Tatlong kakayahan na kailangang hasain:
Pagpapagana ng imbak na kaalaman
Pagbuonghinuha
Pagkakaroon ng mayamang karanasan
Mga Paraan para Makilala agad ang Paksa sa Talata partikular sa Tekstong Impormatibo:
Hanapin muna ang susing salita (key word) na pinalawak sa talata.
Tingnan ang una at huling pangungusap, maaaring dito matagpuan agad ang sentro o pangunahing tema ng talata.
Basahin nang makalawang ulit ang talata at suriin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap.
Alalahanin ang paksang pangungusap ay ang pinakamahalagang bahagi ng talataan.
Mga iba't ibang uri ng Tekstong Impormatibo depende sa estruktura ng paglalahad nito.