AP Q3 L1 P2

Cards (7)

  • Huling bahagi ng dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90: LADLAD- isang antolohiya na panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community na inedit nina Danton Remoto Jr. at J. Neil Garcia noong 1993
    LESBIAN COLLECTIVE: samahan na kauna-unahang sumali sa martsa ng International Women’s Day noong 1992. Ito ang kauna unahang demonstrasyon na nilauhkan ng isang organisadong sektro ng LGBT
  • DEKADA 90:
    Pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas. Itinatag ang Progay Philippines noong 1993, ang Metropolitan Community Church noong 1992, at ang UP Babaylan (pinakamatandang organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP) noong 1992.
    LAGABLAB- Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network  (1999)
  • GENDER ROLES SA IBA’T IBANG LIPUNAN SA MUNDO
    Kanlurang Asya at Africa:
    Mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo na sa miyembro ng LGBT. Nito lamang na ika-2o siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang mga babae na makaboto. Bukod sa hindi pagboto, ipinagbabawal din sa mga babae ang magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot  sa kamag-anak na lalaki. Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napipigilan sapagkat may mga bansa na hindi pinapayagan ang mga babae na maglakbay  ng mag-isa .
  • FEMALE GENITAL MUTILATION (FGM)
    -isang proseso ng pagbabago sa ari ng kaabaihan (bata o matanda) ng walang anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mananatiling walang bahid dungis ang mga babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala at prosesomg ito na nagdudulot ng impeksyon, pagdurugo, hirap umihi, at maging kamatayan. May 125 milyong kababaihan ang biktima nito ayon sa World Health Organization (WHO)
    *
     
  • Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang rape sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang mababago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain.
  • PANGKULTURANG PANGKAT SA PAPUA NEW GUINEA
    -ARAPESH (nangangahulugang tao
    Walang pangalan ang mga tao dito. Ang mga babae at lalaki ay kapwa mapag-aruga sa kanilang anak, matulungin, payapa, at kooperatibo sa pamilya
    -MUNDUGUMOR (Biwat)
    Ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat
  • Tchambuli (Chambri)
    babae: Dominante kaysa sa mga lalaki. Sila ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya
    lalaki: Mahilig sa kwento at abaka sa pag-aayos ng kanilang sarili