PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN (Gender Identity) : kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex nya nang siya’y ipinanganak. Kabilang dito ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamut, at iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.