Rafael Palma: 'Dapat ipagmalaki ng mga Pilipino ang pagkakaroon mula sa kanilang mga pambansang bayani ng isang may katangi-tanging katangian na maaring pantayan nguni’t hindi mahihigitan ng kahit sino. Datapwat, kung kadalasan man na ang mga bayani sa kanluraning mga ay mga mandirigmama at mga heneral na naglilingkod sa kanyang layunin sa pamamagitan ng kanyang espada, nagbuhos ng dugo at luha, ang bayani ng mga Pilipino ay naglingkod sa kanyang layunin sa pamamagitan ng kanyang panulat, nagpapatunay na ang panulat ay kasing lakas ng tabak sa pagliligtas sa mga tao mula sa pagkaaliping pulitikal. Totoo sa kalagayan natin, ang tabak ni Bonifacio ay sadyang kinakailangan upang buwagin ang kapangyarihan ng dayuhang lakas, ngunit ang rebolusyong inihanda ni Bonifacio ay epekto lamang, ang bunga ng espiritwal na pagliligtas na ginawa ng pluma ni Rizal. Dahil dito, ang ginawa ni Rizal sa ganang amin ay higit na mataas kaysa kay Bonifacio di lamang dahil sa ayos na pagkakasunod ng mga ito kundi dahil sa kahalagahan nito, sapagka’t bagaman nakapagbigay agad ng kagyat na bunga nag ginawa ni Bonifacio, ang kay Rizal ay nagkaroon ng higit na matibay at pamalagiang epekto.'