Habang lumalakas ang mga imperyalistang kanluranin sa Asya, unti-unting nababawasan naman ang imperyo ng Espanya. Nawala sa kanya ang mga kolonya sa Gitna at Timog Amerika kabilang ang Paraguay (1811), Argentina (1816), Chile (1817), Columbia at Ecuador (1819), Costa Rica, Honduras, Guatemala, El Salvador, at Nicaragua (1821), Venezuela (1822), Peru (1824), at Bolivia at Uruguay (1825).