Matapat – saling mahigpit na sumusunod sa mga sangkap ng orihinal. Malinaw dito na ang tagasalin ay tagapagpahayag lamang ng totoong may-akda; hindi siya maituturing na may akda upang gumawa ng bagong nilalaman. Pinananatili nito ang kahulugan ng simulaang teksto, ang estruktura o pagkakasunod-sunod ng mga salita sa orihinal, maging ang estilo ng awtor. Dahil tinatangka nitong maging salamin ng orihinal, may posibilidad itong hindi maging natural dahil may mga pahayag na maaaring sa tunguhang lengguwahe (TL) a.