Pagfil_M2

Subdecks (2)

Cards (77)

  • Mga pamamaraan ng guro sa pagtuturo ng pagbasa
    1. Low-level questions
    2. High-level Questions
    1. Low-level questions
    • Ang mga mag-aaral ay inaasahang mabalikan ang mga detalyeng nabasa sa teksto
    • Nakapagbibigay-katuturan sa mga salitang o ideyang matutunghayan sa teksto
    • Makapagbigay ng limitado o spesipikong kasagutan sa mga tanong
    • Makapagbigay ng “single correct answer” na mismong makikita sa teksto.
    1. High- level questions
    • Yaong nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na magbigay ng kasagutan na lagpas sa kakayahang magbigay ng detalyeng nabasa lamang sa teksto.
  • High- level questions
    • Nagkakaroon ng aplikasyon sa mga konseptong natutunan niya at kaalinsabay nito ang pagsusuri, paghuhusga o pagbibigay halaga sa nabasa. 
    1. High- level questions
    • Ang mga mag-aaral ay hinihikayat na isalin at bigyang kahulugan ang impormasyong kanilang nabasa sa teksto.
    • Ang mahusay na pagtuturo ay ang pagbibigay ng wastong tanong hindi ng pagbibigay ng tamang sagot.
  • Ang masining na pagtatanong ay:
    1. Pagbibigay ng reaksyon sa nilalaman, kahulugan at istilo ng teksto
    2. Sinasabi ang personal at emosyonal na pahiwatig tungkol sa teksto
    3. Inaakay ang bumabasa upang muling mag isip, palawakin at payabungin ang kaalaman
    4. Mga pahiwatig sa pagtuturo
    5. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kasanayan
  • Ang masining na pagtatanong ay:
    1. Nagbibigay impormasyon tungkol sa kasanayan
    2. Nagbibigay impormasyon tungkol sa direksyon kung ano at paano gagawin 
    3. Sentro ng proseso ng pagkatuto
    4. Mahusay na instrumento sa pagtuturo ngunit hindi sukdulang nagagamit
    5. Nanghihikayat na mag-sisp, nanghahamon upang makapagbigay ng sariling ideya (DepEd K to 12).
  • Structured Question
    • Mga tanong na ang sagot ay nangangailangan ng isa pang tanong
    • Palaging may kasunod pang tanong o follow-up question - sabi nga: a question that lead to another question.
    • Ang mga tanong dito ay nakapokus sa nilalaman- ano ang pakahulugan dito.
  • Structured Question
    • Nakakatulong ang istilo ng pagtatanong sa mag-aaral na mabalikan ang nabasa noong nakaraang araw.
    • Nagtatanong ang guro upang malaman kung sino ang nakaunawa ng kanyang binasa at kung sino ang hindi nakaunawa
  • Structured Question
    • Nakakahikayat sa mga mag-aaral na sumagot sa mga madaling katanungan para malaman ng guro kung saan siya magbibigay ng remediation.
    • Dito papasok ang mga katanungan na LOTS or Lower Order Thinking Skills.
    • Halimbawa: Ano ang talagang nangyari sa kwento? Ano ang pagkakaalam mo sa tauhan sa kwento?
  • Istilo ng Pagtatanong
    • Sa bawat tanong, kailangang may paliwanag o follow up na Bakit at Paano na tanong.
  • Tatanungin ng guro ang mga katanungan kung saan magbibigay sa kanya ng pahiwatig na naunawaan talaga ng mga mag-aaral ang aralin. 
  • Questioning techniques
    • Ginagamit ng guro upang maipaunawa ng maayos ang binasa at sa huli ay matamo ang kritikal na pag-unawa.
  • Questioning Techniques:
    1. Redirection
    2. Prompting
    3. Probing
    4. Wait time
  • Probing
    A teacher's technique used when a student's answer is not sufficient to lead the student to reflective and critical thinking
  • Wait time
    • Ang kahalagahan na mabigyan ang mga mag-aaral ng sapat na oras upang makapag-isip at tumugon.
  • Redirection
    • Ay sinisikap ng guro na mapataas ang antas ng motibasyon at partisipasyon ng mga mag-aaral at iniiwasan na manggaling ang lahat ng kasagutan sa guro.
  • Prompting
    • Sa pagpapatuloy ng pag-unawa ay nagbibigay naman ang guro ng mga “hints” o “clues” upang magabayan ang mga mag-aaral na makapagbigay ng angkop na tugon sa ibinigay na tanong.
    • Probing
    • Ginagamit ng guro ang technique na ito kung hindi sapat ang sagot ng mag-aaral upang mas makapagbigay-daan sa tinatawag na “reflective” at “critical” thinking.
  • Pamantayang Nilalaman CG
    Baitang 6
    sigla sa pagtuklas at pagdama sa pagbigkas at pagsulat
  • Pamantayang Pangnilalaman CG
    Baitang 3
    kasanayan sa pag-unawa at pag iisip sa mga narinig at nabasang teksto
  • Pamantayan sa Bawat Bilang o Grade Level Standards
    • Ay magiging gabay ninyo upang maisakatuparan ang nararapat na matamo ng inyong mga mag-aaral.
  • Tatlong yugto ng Pagbasa
    1. Bago bumasa
    2. Habang nagbabasa
    3. Pagkatapos bumasa
  •  previewing o surveying.
    pagsusuri sa “panlabas na katangian ng teksto”
  • Cognitive process
    • nagaganap ang pag-uugnay natin ng mga naimbak na kaalaman sa pagbubuo natin ng hinuha sa nilalaman ng teksto.
  • Pinakamalaking bahagi ng prosesong ng kognisyon ay nagaganap sa yugto habang nagbabasa : Lahat ng mga kasanayan ay inaasahang nagagamit sa pag-unawa ng teksto.
  • yugto habang nagbabasa ka
    • Pamamaraan na nagaganap sa yugtong ito: pagtantya sa bilis ng pagbasa, biswalisasyon ng binasa, pagbuo ng koneksyon, paghihinuha, pagsubaybay sa komprehensyon, muling pagbasa, at pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto.
  • Paglilipat ng impormasyon
    • Dapat nating mabatid sa yugto na ito na may nagaganap na ganito
    • Ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng “elaborasyon, organisasyon, at pagbuo ng mga biswal na imahe”.
    • Kumulativ ang antas ng pagbasa sapagkat tumataas ang grado nito kapag sunod-sunod o patuloy na nadaragdagan ang salansan binabasang materyal.
  • Ang mga Kaantasan ng Pagbasa
    1. Batayan
    2. Inspeksyunal
    3. Mapanuri o Analitikal
    4. Sintopikal
  • Batayang antas
    • Tinatawag ding panimulang pagbasa
    • Pinapaunlad dito ang rudimentaryong kakayahan, ibig sabihin, dinedevelop ito mula sa kamangmangan
    • Elementaryang pagbasa rin ito dahil sinisimulang ipinatututo sa paaralang elementarya
    • Wika ang pokus sa antas na ito ng pagbasa
    • Unang konsetrasyon ang pagkilala sa aktwal na mga salita, at ang pagpapamalay sa kahulugan ng mga ito
  • Batayang Antas
    • Literal din kung turingan ito kaya mababaw pa ang pagsukat sa pag-intindi na umiikot lamang sa mga katanungang Sino? Ano? Kailan? Saan?
    • Malalamang umabot na sa literal na antas ng pag-unawa ang pagbasa kung nakapagbubuod na, nakakikilala na ng mga pangunahing kaisipan, at nagagawan na ang mga ito ng balangkas
  • Inspekyunal na antas
    • Panahon ang pinakamahalaga sa antas na ito
    • Itinatakda sa limitadong oras ang pagbasa
    • Kinukuha lamang dito ang mga superfisyal na kaalaman
    • Pre-reading o sistematikong iskiming din kung tawagin ito na naglalayong tayahin kung dapat o di-dapat basahing mabuti.
  • Mapanuri o Analitikal na antas
    • Aktibo namana ang antas na ito sapagkat hangad ditong intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa pamamagitan ng malinaw na interpreta sa mga metapora.
    • Interpretatibo ito sapagkat matalinong hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan sa pagitan ng teksto o linya.
    • Minamahalaga rito ang malalim na nakapaloob na kaisipan at ang taglay nitong mga katotohanan.
    • Hindi rin maihihiwalay ang pagpapahalaga sa kahusayan ng mga paraan ng pagkakasulat nito ang antas na ito.
  • Sintopikal na antas
    • Pinakamataas na antas ng pagbasa
    • Kumplikado at sistematikong pagbasa ito
    • Komparatibo rin dahil dapat marami nang nabasang libro ang bumabasa para makapag hambing siya
    •  pag-unawang integratibo sapagkat nagaganap sa antas na ito ang pag-uugnay ng bumabasa sa mga kaisipang nakukuha
  • Esratehiya sa Aktibong Pagbasa
    • Predicting
    • Visualizing
    • Connecting
    • questioning
    • Clarifying
    • Evaluating
  • Esratehiya sa Aktibong Pagbasa
    1. Predicting - Pagtuturing, Panghuhula
    2. Visualizing - Pagbibigay Imahinasyon, Pagpapakita ng Larawan
    3. Connecting - Pag-uugnay, Pakikipag-ugnayan
    4. Questioning - Pagtatanong, Paghahanap ng Kasagutan
    5. Clarifying - Paglilinaw, Pagpapaliwanag
    6. Evaluating - Pagtatasa, Pagpapahalaga
  • Going Beyond the Text
    • Ay ang inbolbment ng isang aktibong mambabasa ay hindi natatapos sa huling linya ng isang teksto.
    • Iminumungkahi nito ang pagpapasya kung ano pa ang nais malaman ng mambabasa.
    • Maaari ring makipag talakayan ng mga ideya sa iba, magsaliksik o magsulat kaugnay ng binasa.
  • Persepsyon
    • Ay pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo.