Ang pagsusuri o metodolohiya dito ay dayakroniko (historikal) at sinkroniko (deskriptibo)
Malaki ang naging impluwensya ng Rebolusyong Pranses (1789-1799) at Rebolusyong Industriya (1760-1840) sa pagkabuo ng larangan sa Agham Panlipunan
Mga kilalang dalubhasa sa Agham Panlipunan
Diderot
Rousseau
Francis Bacon
Rene Descartes
John Locke
David Hume
Isaac Newton
Benhjamin Franklin
Thomas Jefferson
Karl Marx
Max Weber
Emilie Durkheim
Agham Panlipunan
Pag-aaral ng kilos, pag-iisip at gawi ng tao sa lipunan at gumagamit ng emperikal na obserbasyon, kuwalitatibo at kuwantitatibong metodo
Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan
Sosyolohiya
Sikolohiya
Lingguwistika
Antropolohiya
Kasaysayan
Heograpiya
Agham Pampolitika
Ekonomiks
Area Studies
Arkeolohiya
Relihiyon
Bionote
Maikling pagsulat na nagbibigay impormasyon ukol sa isang indibidwal
Pagsulat sa Agham Panlipunan
Simple, impersoal, direkta, tiyak ang tinutukoy, argumentatibo, nanghihikayat at naglalahad, di-piksyon ang anyo
Mga Anyo ng Sulatin sa Agham Panlipunan
Report
Sanaysay
Papel ng pananaliksik
Abstrak
Artikulo
Rebyu ng libro o artikulo
Niyograpiya
Balita
Editorial
Talumpati
Adbertisment
Proposal sa pananaliksik
Komersiyal sa telebisyon
Testimonyal
Pagsasalin
Ang pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likas na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa ay sa estilo
Layunin ng Pagsasalin
Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika
Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba't ibang katutubong kalinangan mula sa iba't ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa
Mapagyaman ang kamalayan sa iba't ibang kultura mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga salin
Uri ng Pagsasalin
Pagsasaling Pampanitikan
Pagsasaling siyentipiko-teknikal
Nagsimula ang kasaysayan ng pagsasalin sa bansa noong dumating ang mga Español at ipayakap ang Kristiyanismo sa mga Pilipino
Naging napakalaking suliranin para sa mga Español ng wikang umiiral sa bansa sapagkat lubhang magkalayo ang pamilya ng mga wika sa bansa at sa España
Nagkaroon ng sariling imprentahan ang mga lugar na ito upang higit na maging mabilis ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo at pagsulat ng mga aklat at babasahin tungkol sa pag-aaral ng wika at gramatika
Naging hudyat ng pagsisimula ng kasaysayan ng imperyalismong Amerikano sa bansa noong pumirma ang Estados Unidos at Espanya sa Kasunduan sa Paris noong ika-10 ng Disyembre 1898
Nabigyan ng halaga ang edukasyon sa bansa noong panahon ng mga Amerikano
Ang panahong ito ang itinuring na Gintong Panahon ng Panitikan dahil sa paggamit ng Filipino bilang pambansang wika
Naging hudyat ng pagsisimula ng kasaysayan ng imperyalismong Amerikano sa bansa noong pumirma ang Estados Unidos at Espanya sa Kasunduan sa Paris noong ika-10 ng Disyembre 1898 na simula naman ng pagwawakas ng kasaysayan ng pananakop ng España
Layunin ng pagsakop ng Estados Unidos sa Pilipinas
Ekspansyong ekonomiko
Pagtatayo ng depensang militar at pandagat sa Asya-pasipiko
Pagpapalaganap ng protestantismo
Kapwa nabigyan ng pagkakataong makapag-aral ang mahihirap at mayayaman kung saan mga sundalong Amerikano ang nagsilbing mga guro na higit na kilala sa tawag na Thomasites
Ang Greater East Co-Prosperity Sphere na may slogang Asyano para sa mga Asyano ang propagandang inilahad ng mga Hapon sa mga Pilipino
Ang panahong ito ang itinuring na Gintong Panahon ng Panitikan dahil sa paggamit ng wikang Tagalog o Pilipino (Filipino ngayon) sa pagsulat at pilit na pag-aalis sa sistema ng mga Pilipino ng wikang Ingles
Noong pa mang dekada 60's at dekada 80's ay may nabuo ng diksyunaryo ang mga siyentipiko
Ang UP lamang ang may librong pang-angham sa Filipino dahil sa panghihikayat na ibinigay ng Sentro ng Wikang Filipino dito at dahil na rin sa masigasig na pagtataguyod ng mga propesor sa naturang unibersidad sa pagsusulong ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito
Intelektwalisasyon
Pagpaksa ng mga ideya sa pinakamataas na lebel sa akademya
Proseso ng pagtatamo ng intelektwalisasyon ng wika sa akademya
1. Linggwistiko
2. Ekstra-linggwistiko
Ang pagbuo ng isang patakarang pangwika ay tunay ring makabuluhan at malaking tulong sa intelektwalisasyon ng wika
Ang pagsasalin ng iba't ibang akda mula sa iba't ibang wika ay isang paraan ng intelektwalisasyon ng wika
Ilan pang mga batikang propesor mula sa malalaking pamantasan at unibersidad sa Maynila, maliban kay Dr. Sevilla III, ang naitalang gumamit na ng wikang Filipino sa kanilang pagtuturo ng siyentipiko at teknikal na kurso
Siyensiya o science
Sistematikong pag-aaral gamit ang sistematikong pamamaraan upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka
Mga disiplina sa larangan ng agham
Biyolohiya
Kemistri
Pisika
Earth Science/Heolohiya
Astronomiya
Matematika
Teknolohiya
Praktikal na aplikasyon ng mga impormasyon at teoryang pansiyensiya
Mga disiplina sa larangan ng teknolohiya
Information Technology (IT)
Inhinyeriya
Pagsulat sa agham, teknolohiya, inhinyeriya, at matematika
Kadalasang nakasulat sa paraang paglalahad, paglalarawan at pangangatwiran
Naglalaman ng mga paktuwal at produkto ng mga eksperimento
Metodong IMRaD
1. Introduksyon
2. Metodo
3. Resulta
4. Analisis
5. Diskusyon
Ilang kumbensyon sa pagsulat
Gumagamit ng atin, kami, tayo
Hindi pasibo kundi aktibo
Nasa pangkasalukuyan
Walang personal na pananalita
Ang pagsasaling siyentipiko at teknikal ay isang sining at agham na nangangailangan ng malawak at malalim na kaalaman sa larangan ng lingguwistika at gramtika
Mayroon itong dalawang uri - ang pagsasaling teknikal/siyentipiko at pagsasaling pampanitikan
Malaki ang naitutulong ng pagsasaling teknikal sa pagpapalaganap ng impormasyon sa iba't ibang sangay at institusyon sa bansa sapagkat ang pangunahing layon nito ay ang magkaroon ng mas malinaw at mabilis na komunikasyon gamit ang Filipino sa larangan ng agham at teknolohiya
Espesyalisado ang pagsasaling ito sapagkat isang tiyak na disiplina ang pinagtutuunan nito