Pagbasa

Subdecks (2)

Cards (97)

  • Piksyon
    Ang pangyayaring inilalahad ay nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat
  • Di-piksyon
    Ang pangyayaring inilalahad ng manunulat ay hinango sa totoong pangyayari sa daigdig
  • Pananaw o Punto de-vista
    Ito ay ang ginagamit ng may-akda sa paningin o pananaw sa kaniyang pagsasalaysay
  • Obhetibo
    Ang ginagawang pagpapahayag ng manunulat ay batay sa katotohanan o paglalatag ng mga ebidensya
  • Subhetibo
    Ang pagpapahayag ng isang manunulat ay nakabatay sa kaniyang imahinasyon o kaya ay opinyon lamang
  • Ethos
    Tumutukoy ito sa karakter, imahen, o reputasyon ng tagapagsalita / manunulat. Ang elementong ito ang nagpapasya kung kapani-paniwala o dapat bang pagkatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o ng mambabasa ang manunulat
  • Logos
    Tumutukoy ito sa opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng tagapagsalita / manunulat. Panghihikayat ito gamit ang lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng nilalaman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig o mambabasa na ito ay totoo
  • Pathos
    Tumutukoy naman ito sa emosyon ng tagapakinig / mambabasa. Elemento ito ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng tagapakinig o mambabasa
  • Ang tekstong naratibo ay nagsasalaysay ng mga mahahalagang pangyayari
  • Layunin ng tekstong persweysib na hikayatin at papaniwalain ang mga mambabasa
  • Nagbibigay ang tekstong prosidyural ng magkakasunod-sunod na pamamaraan upang maisagawa ng matagumpay ang isang bagay
  • Nakabubuo ng malinaw na imahen sa isipan ng mambabasa ang tekstong deskriptibo
  • Naglalahad ng pangangatwiran tungkol sa napiling panig ang tekstong impormatibo
  • Tekstong Naratibo
    Nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon)
  • Tekstong Naratibo
    • Batay sa obserbasyon o nakita ng may akda
    • Maaari ding nanggaling mula sa sarili niyang karanasan
  • Halimbawa ng tekstong nagkukuwento na nabibilang sa akdang piksyon
    • Nobela
    • Maikling kwento
    • Tulang nagsasalaysay
  • Halimbawa ng tekstong nagkukuwento na hindi piksyon
    • Talambuhay
    • Balita
    • Maikling sanaysay
  • Tekstong Naratibo
    • Nagtataglay ng pagsasalaysay gamit ang wikang puno ng imahinasyon
    • Nagpapahayag ng emosyon sa mga mambabasa
    • Nagpapakita ng iba't ibang imahen, metapora at mga simbolo upang maging malikhaing katha
  • Pananaw o Punto de-vista sa Tekstong Naratibo
    • Unang Panauhan
    • Ikalawang Panauhan
    • Ikatlong Panauhan
  • Direkta o tuwirang pagpapahayag

    Ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kaniyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi (" ")
  • Di-direkta o di-tuwirang pagpapahayag
    Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan. Hindi na ito ginagamitan ng panipi
  • Tekstong Deskriptibo
    Nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian ng isang tao, lugar, bagay, o pangyayari. Naglalayon itong bumuo ng malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa upang mapalutang ang pagkakakilanlan nito
  • Tekstong Deskriptibo
    • Sumasagot sa tanong na "Ano"
    • Batay sa pandama - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig
    • Batay sa nararamdaman - bugso ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan
    • Batay sa obserbasyon - obserbasyon ng mga nagyayari
  • Paglalarawan sa Tekstong Deskriptibo
    • Gamit ang pang-uri at pang-abay
    • Upang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa ang isang tauhan, tagpuan, bagay, galaw o kilos
  • Ang tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto, partikular sa tekstong naratibo
  • Paraan ng paglalarawan
    • Detalyadong paglalarawan
    • Malikhaing paglalarawan
  • nararamdaman
    bugso ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan; at batay sa obserbasyon - obserbasyon ng mga nagyayari
  • Kahit hindi ka pintor ay makakabuo ka ng isang larawan gamit ang mga salitang magmamarka sa damdamin at isipan ng mambabasa
  • Paglalarawan
    • Upang mailarawan at mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa ang isang tauhan, tagpuan, bagay, galaw o kilos, karaniwang gumagamit ang may-akda ng pang-uri at pang-abay
  • Mula sa epektibong paglalarawan ay halos makikita, maaamoy, maririnig, malalasahan, mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na nailalarawan kahit pa sa isipan lamang niya nabubuo ang mga imahe
  • Iba pang paglalarawan na ginagamit ng manunulat
    • Pangngalan
    • Pandiwa
    • Tayutay (pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao)
  • Dalawang paraan ng paglalarawan
    • Obhetibo o Karaniwan
    • Subhetibo o Masining
  • Obhetibo o Karaniwan
    Pagbubuo ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa tulong ng pinagbatayang katotohanan. Walang kinalaman dito ang sariling kuro-kuro at damdamin ng naglalarawan
  • Subhetibo o Masining
    Nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda. Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansarili ng naglalarawan
  • Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay makapagbigay ng impormasyon
  • Tekstong Impormatibo
    • Naglalahad ng malinaw na paliwanag sa paksang tinatalakaay, sinasagot ang mga tanong na ano, kailan, saan, sino at paano
  • Mga pantulong sa pagsulat ng tekstong impormatibo
    • Talaan ng nilalaman
    • Index
    • Glosaryo
    • Larawan
    • Ilustrasyon
    • Kapsyon
    • Grap
    • Talahanayan
  • Ang mga sumusulat ng tekstong impormatibo ay kinakailangang may sapat na kaalaman sa paksa at may mga sangguniang pinagbabatayan
  • Mga halimbawa ng tekstong impormatibo
    • Diksyunaryo
    • Encyclopedia
    • Almanac
    • Pananaliksik
    • Siyentipikong ulat
    • Balita sa pahayagan
  • Ang tekstong prosidyural ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang ng isang proseso sa paggawa ng isang bagay