Filipino

Subdecks (1)

Cards (185)

  • Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon
    Ang mga teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng wika ay matatagpuan sa Banal na Aklat, sa Genesis 2 20 naisulat na "At pinangalanan ng lalaki ang lahat ng hayop at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat ganid sa parang."
  • Mga teoryang nagtatangkang ipaliwanag ang pinagmulan ng wika
    • Teoryang Ding-Dong
    • Teoryang Bow-Wow
    • Teoryang Pooh-Pooh
    • Teoryang Ta-Ta
    • Teoryang Yo-He-Ho
  • Mga pangkat ng taong dumating sa Pilipinas
    • Negrito
    • Indones
    • Malay
  • Negritos
    • Maitim, pandak, kulot ang buhok, sarat ang ilong, makapal ang labi
  • Indones
    • Matatangkad, balingkinitan ang katawan, mapuputi, manipis ang labi, malapad ang noo
  • Malay
    • Tuwid at itim ang buhok, mabilog at maitim ang mata, makapal na labi, katamtamang tangos ng inog, katamtamang taas, matipunong pangangatawan
  • Taong Tabon o Tabon Man – 22,000 to 23,000 taon
  • Callao Man – 47,000 taon
  • Austronesian
    Hinango sa salitang Latin na auster na nangangahulugang "south wind" at nesos na ibig sabihin naman ay "isla"
  • Bernakular
    Ang wika o diyalekto na ginagamit sa pagsasalita araw-araw ng karaniwang tao sa isang partikular na lugar
  • Alinsunod sa layuning maitaguyod ang wikang Ingles, ang sumusunod na alituntunin ay dapat sundin

    • Paghahanap ng mga gurong Amerikano lamang
    • Pagsasanay sa mga Pilipinong maaring magturo ng Ingles at iba pang aralin
    • Pagbibigay ng malaking tuon sa asignaturang Ingles sa kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon
  • Paggamit ng bernakular
    • Walumpung porsiyento ng mag-aaral ang nakakaabot ng hanggang ikalimang grado lamang
    • Kung bernakular o sinusong wika ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primarya
    • Nararapat lamang na wikang Filipino ang linangin sapagkat ito ang wikang nakasanayan sa Pilipinas
  • Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin
  • Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo
  • Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging wikang pambansa
  • Ipinalabas noong 1937 ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 kung saan nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang Pambansa
  • Pagbura ng impluwensyang Amerikano - ipinagbawal ang paggamit ng Ingles, ipinagamit ang katutubong wika, partikular ang wikang Tagalog
  • Pagpapatupad ng Ordinansa Militar Blg. 13 - nag uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang Hapones (Nihonngo)
  • Pagkaraan ng ilang buwan ng pananakop bagama't itinuturo ang wikang Nihonggo sa mga paaralan binigyang diin ang paggamit ng Tagalog upang maalis ang paggamit ng Ingles
  • Itinuro sa mga guro ang Nihonggo ng gobyernong militar at sila'y sinuri ng maigi
  • KALIBAPI (Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas) - pinamunuan ni Benigno Aquino, ito ay naglalayong pabutihin ang edukasyon, moral na rehenerasyon, at palakasin ang kabuhayan sa ilalim ng pangangasiwa ng Imperyong Hapones, proyekto nito na ipalaganap ang Wikang Pilipino sa bansa
  • Ang mga Hapones ang nagtaguyod ng pagpapalaganap ng Wikang Pambansa sa Pilipinas, at ito ang naging inspirasyon para buhayin ang Surian ng Wikang Pambansa
  • Si Jose Villa Panganiban ang nagturo ng Tagalog sa mga Hapones. Hindi lamang ito Tagalog kundi iba't ibang pormularyo ng wika
  • Si Panganiban ay gumawa ng "A Shortcut to the National Language" para sa madaling pagkatuto ng kanyang mga mag-aaral. Ibinigay niya ang iba't ibang pormularyo ng wika para mas lalong maintindihan ito nang lubos
  • Sa ilalim ng pamumuno ng mga Hapones, naging masigla ang talakayan sa wika dahil sa pagbabawal ng Hapones sa wikang Ingles. Ito'y nagdulot ng pangangailangan para sa mga bihasa sa Ingles na matuto ng Tagalog at gamitin ito sa pagsulat
  • Pinagtibay na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570
  • Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog, ito ay naging Pilipino sa bisa ng kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose B. Romero, ang dating Kalihim ng Edukasyon
  • Noong 1963, ipinag-utos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino. Ito ay batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg 60 s. 1963 na nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal
  • Nang umupo naman si Ferdinand E. Marcos bilang pangulo ng Pilipinas, inutus niya, sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 s, 1967, na ang lahat ng edipisyo, gusali, at tanggapan ay pangalanan sa Pilipino
  • Nilagdaan din ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968) na nag-uutos na ang mga ulong-liham ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino
  • Noong 1969 naman nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nag-uutos na lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga't maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan naman sa lahat ng transaksiyon at komunikasyon
  • Noong Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni Kalihim Juan L. Manuel ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal
  • Seksyon 6: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika
  • Seksyon 7: Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipíno at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo doon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic
  • Seksyon 8: Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila
  • Seksyon 9: Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili
  • Noong ika-5 Agosto 2013, sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 13-39 ay nagkasundo ang Kaluponan ng KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pabigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba't ibang uri ng paggamit sa iba't ibang paok at sitwasyon at nililinang sa iba't ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa
  • Teoryang Ding Dong
    Ang teoryang ito ay nagsasabing, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan
  • Teoryang Bow-Wow
    Katulad ng Teoryang Ding-Dong, ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop.
  • Teoryang Pooh-Pooh
    Ang teoryang ito ay nagmula raw sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang nakaramdam sila ng masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap, lungkot, at pagkabigla.