Pagsasalin (Virgilio Enriquez)

Cards (21)

  • SIKOLOHIYA
    Ito ang sangay ng agham na ipinaliliwanag ang takbo ng pag-iisip ng tao at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang beheyvyor.
  • development ng terminolohiya
    ay ginagarantiya ng aktibong paggamit sa sinasalita at sinusulat na wika.
  • Newmark (1988)

    Ayon sa kanya "ang pagsasaling- wika ay pagbibigay kahulugan ng isang text sa ibang wika sa paraang ninanais ng may-akda"
  • "PAGSASALIN - Ang pagpapaunlad ng mga salita o konsepto sa isa't isa upang maging mas malinaw, maayos, at matutukoy."
  • Saling-angkat/Direct Borrowing
    panghihiram ng mga ideya o salita mula sa wika ng ibang kulturang banyaga at ang paggamit sa mga ideya at salitang ito ayon sa orihinal nitong kahulugan at ispeling.
  • Saling-angkat/Direct Borrowing
    • persepsyon mula sa Latin perception (Fugoso 1973)
    • amnesya mula sa Ingles na amnesia
    • sikolohiya mula sa Kastila na psicologia
    • mahal mula sa Bahasa Malaysia na mahal
    • salin mula sa Javanese na salin
  • Saling-Paimbabaw/Surface Assimilation
    naiiba ang ispeling at pagbigkas ngunit nananatili ang orihinal nitong kahulugan
  • Saling-Paimbabaw/Surface Assimilation
    • reimporsment mula sa reinforcement
    • suggestment mula sa suggestion
    • its depends mula sa it depends
    • bolpen mula sa ballpen
    • tsaa mula sa cha
  • Saling -Panggramatika/Grammatical Translation

    pag-iiba sa ispeling, pagbigkas, “stressing” sa mga pantig, at pag-iiba ng posisiyon kapag ang katawagang pansikolohiya ay dalawa o higit pa.
  • Saling-Panggramatika/Grammatical Translation
    • inter-aksyong sosyal ---- social interaction
    • kumperensyang internasyunal ----international conference
    • reaksyong abnormal---- abnormal reaction
    • socio-political movement----kilusang sosyo-pulitikal
  • Saling-Hiram/Loan Translation

    direktang pagsasalin ng isang salitang banyaga sa sariling wika
  • Saling-Hiram/Loan Translation
    • paghuhugas-isip para sa brainwashing
    • alon ng tunog para sa sound waves
    • alon ng utak para sa brain waves
    • susing-panalita para sa keynote speaker
  • Saling –Likha/Word Invention

    paglikha ng mga bagong salita
  • Saling –Likha/Word Invention
    • punlay (punla ng buhay) para sa “sperm”
    • banyuhay (bagong anyo ng buhay) “metamorphosis”
    • sari-gawa (sariling gawa) “masturbation”
    • balarila (bala ng dila) “grammar”
  • Saling-Daglat/Accronyms/Abbreviation

    pagpapaikli ng mga salita at paggamit ng akronim
  • Saling-Tapat/Parallel Translation

    pagiging tapat sa orihinal na ideya o kahulugan; kung ano ang aktwal na salitang panawag sa tunguhang lenggwahe para sa tinutukoy na ideya, iyon ang gagamitin”
  • Saling-Tapat/Parallel Translation
    • “social interaction” (tumutukoy sa relasyon ng tao na nakapaloob sa isang relasyon, maaari nating gamiting panumbas ang “pakikisalamuha” at hindi lamang basta “pakikipagkapwa”)
    • “aso” para sa “dog”
    • “panaderya” para sa “bakery”
  • Saling-Taal/Indigenous-Concept Oriented Translation)

    manghihiram ng mga banyagang konsepto na isinasaisip ang katumbas nito sa wikang Filipino o sa katutubong konsepto
  • Saling-Taal/Indigenous-Concept Oriented Translation)
    Mga antas ng interaksyon o levels of interaction Pakikitungo (transaction/civility with) Pakikisalamuha (inter-action with) Pakikilahok ( joining/participating with) Pakikibagay (in-conformity with/in-accord with) Pakikipagpalagayan/Pakikipagpalagayang-loob (being-in rapport/understanding/acceptance with) Pakikisangkot (getting involved) Pakikiisa (being one-with)
    “pamatid-uhaw” para sa “refreshments” “pamutat” para sa “appetizer” “sumpong” para sa “temper” o “tantrum mania”
  • Saling-Sanib/ Amalgamated Translation

    bihira nating ibahin ang anyo ng mga salitang galing sa iba’t ibang katutubong wika ng Pilipinas o di kaya’y wikang banyaga na napasok na sa bokabularyong Filipino
  • Saling-Sanib/ Amalgamated Translation

    “mahay” at “pagsinabtanay” ng Cebuano ** Nagmamahay ang isang Cebuano kapag binigo siya ng kapwa niya Cebuano. Iniisip ng isang taga-Surigao ang “pagsinabtanay” kapag hindi rin tumupad sa isang usapan ang isang kapwa-Surigao. “gahum” (Cebuano) para sa hegemony “hinupang” (Hiligaynon) para sa adolescence “bising” (Palawan squirrel) “basad” (Tagbanuwa) “underworld “basi” (Tinggian) “rice wine” for Japanese “sake”