AP

Subdecks (1)

Cards (300)

  • Dalawang bahagi ng ekonomiya ng isang bansa
    • Pormal na sektor
    • Impormal na sektor
  • Ang dalawang bahagi ng ekonomiya ay mahalaga upang masigurado ang pag-unlad ng bansa
  • Mas napapahalagahan ng mga tao ang ambag ng pormal na sektor dulot ng mas maayos na pagsukat sa naiaambag nito sa ekonomiya
  • Hindi maisasantabi ang ambag ng impormal na sektor dahil sa malaking bahagi ng mga mamamayan ang umaasa rito
  • Tatlong bahagi ng pormal na sektor ng ekonomiya
    • Agrikultura - primaryong sektor
    • Industriya - pangalawang sektor
    • Paglilingkod - tersiyaryong sektor
  • Ang bawat sektor ng pormal na ekonomiya ay mayroong mahalagang gampanin tungo sa kaunlaran ng bansa
  • Pag-empleo ng lakas paggawa sa mga sektor ng ekonomiya
  • Sektor ng Agrikultura
    Unang sektor ng pormal na ekonomiya
  • Pilipinas - isang pansakahan na bansa, malaki ang ambag ng sektor upang matugunan ang mga kinakailangang pagkain ng mga mamamayan
  • Primaryong sektor
    Dito nagmumula ang mga hilaw na materyales na maaaring gamitin ng iba pang sektor sa pagganap ng kanilang tungkulin
  • Ayon sa obserbasyon ng UNDP, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mayroong mega biodiversity
  • Limang bahagi ng sektor ng Agrikultura
    • Pagsasaka
    • Gulayan at prutasan
    • Paghahayupan at pagmamanukan
    • Pangingisda
    • Paggugubat
  • Pagsasaka
    Pagtatanim ng palay at pag-aani ng bigas, prutas, at gulay
  • Bigas - ang pangunahing pagkain o stable food ng mga Pilipino
  • Ang pagsasaka ng bigas - ang mayroong pinakamalaking bahagdan ng produksyon sa sektor ng agrikultura. Ngunit pinakanasasalanta ng mga bayo at iba pang kalamidad sa bansa
  • 2011-2015 - mayroong mataas na produksiyon ng palay ang bansa dulot ng pagbabago ng teknolohiya at paraan ng pagsasaka
  • 2011-2014 - malaki ang itinaas ng produksiyon ng palay
  • 2015 - kaunting pagbaba
  • 2016 (Enero - Hunyo) - nagkaroon ng pagbaba sa produksiyon ng palay dulot ng mahabang El Niño
  • Paghahayupan
    Mas kilala bilang "livestock", binubuo ng mga industriya ng pag-aalaga ng mga hayop tulad ng kalabaw, baboy, baka, kambing, at mga produktong gatas
  • Pagmamanukan
    "Poultry industry", tawag sa pag-aalaga ng mga manok. Kabilang ang pag-aalaga ng manok, pato, itik, at iba pa. Inaalagaan upang katayin o ibenta sa mga pamilihan. Kabilang rin ang pag-aalaga ng mga itlog
  • 2014 - 4.74 porsiyento ng produksyon
  • 2015 - umabot sa 254 milyong piso ang kabuuang produksiyon ng sektor
  • 2014 - sa livestock, 3.83 porsyento, 132 milyong piso
  • 2015 - sa pagmamanukan, 5.74 porsiyento, 121 milyong piso
  • Ang pagiging arkipelago ng Pilipinas ay nakapag-ambag nang malaki sa industriya ng pangingisda sa bansa
  • Ang Pilipinas ay itnuturing na isa sa mga bansang mayroong malaking industriya ng pangingisda sa buong mundo
  • Ang sektor ng pangigisda ay bumubuo sa 18.2 porsiyento ng kabuuang produksiyon ng agrikultura noong 2014. Gayundin, mayroon itong empleyeo 16,14288 na tao sa buong bansa, at nakakapagbigay ng 1.8 porsiyento
  • Tatlong uri ng pangingisda sa Pilipinas
    • Komersiyal na pangingisda
    • Munisipal na pangingisda
    • Aquaculture
  • Paggugubat
    Kabilang ang pagkuha ng mga troso at pagproseso ng mga ito sa iba'-ibang uri ng kahoy na mapapakinabangan ng mga tao
  • Mahalagang yaman ng Pilipinas ang kagubatan
  • Tatlong uri ng kagubatan sa Pilipinas
    • Closed forest areas
    • Open forest areas
    • Mangrove
  • Agrikultura
    Isang agham at gawain ng paglilinang ng pagkain gamit ang likas na paraan
  • Naging batayan ng pamumuhay ng mga Pilipino ang sektor ng agrikultura mula noong unang panahon upang matugunan ang kanilang pangangailangan
  • Tagapagtaguyod ng kasarinlan
    Ang layunin ng sektor ng agrikultura ay magkaroon ng sapat na produksyon upang matugunan ang pambansang pangangailangan ng mga mamamayan
  • Ang kasarinlan ay ang kasapatan ng produksiyon dulot ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa larangan ng agrikultura, maayos na pamumuhunan ng pamahalaan sa imprastruktura at irigasyon, tamang pagtugon sa pagbabago ng klima o climate change at sapat na kaalaman ng mga mangagawa sa sektor ng agrikultura ukol sa makabagong pamamaraan sa larangan ng agrikultura
  • Mahalaga na makamit ang kasarinlan upang hindi magkaroon ng kakulangan sa pagkain dulot ng mahinang produksiyon
  • Ang Pilipinas ay umaangkat ng palay sa ibang karatig na bansa tulad ng Vietnam at Thailand dulot ng suliranin sa kasarinlan sa produksiyon ng palay
  • Ang mga mangangawa sa sektor ng agrikultura ay maituturing na kabilang sa self-rated poverty incidence o pagsukat ng kahirapan
  • Ang mga magsasaka, mangingisda at iba pang manggagawa ay hindi mismo nakikinabang sa produkto na kanilang nagagawa