Upang maisulong ang pag-unlad ng bansa, kinakailangang masiguro ang katatagan ng ekonomiya. Ang pamahalaan ay gumagawa ng mga patakaran upang masiguro ang layuning ito - mabigyan ng maayos ng pamumuhay ang mga mamamayan.
DALAWANG PATAKARANG PANG-EKONOMIYA (PAMAHALAAN)
Patakarang Piskal
Patakarang pananalapi
Patakarang Piskal
Isang patakaran na may kaugnayan sa pagbubuwis at pagbabadyet ng pamahalaan sa pondo nito. Tumutukoy ito sa sadyang paggamit ng pondo upang makamit ang tunguhin ng pamahalaan. Layunin nito, maisaayos ang antas ng GDP o antas ng implasyon ng bansa.
DALAWANG PANGUNAHING KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL
Ang pagbubuwis
Ang pagbabadyet
Nakabatay sa dami ng ng nakolektang buwis ang halaga ng pambansang badyet. Kung mababa ang nakolektang buwis ng pamahalaan- kinakailangang gumawa ng desisyon ang pamahalaan- kung mangungutang ba o hindi ang pamahalaan.
Mahalaga ang patakarang piskal sa pagsukat ng paglago ng ekonomiya ng bansa. Upang masiguro na hindi masyadong mabilis o masyadong mabagal ang pag-ulad ng ekonomiya.
DALAWANG URI NG PATAKARANG PISKAL AT KANILANG LAYUNIN AT PAMAMARAAN
Expansionary Fiscal Policy
Contractionary Fiscal Policy
Expansionary Fiscal Policy
Polisiyang ipinapatupad ng pamahalaan kung ang bansa ay nasa RESESYON. Tumutukoy sa panahon kung kailan ang ekonomiya ng isang bansa ay hindi lumalago at tuluyang humihina. Upang maiwasan, kinakailangang damihan ang pagkonsumo at paggastos ng mga mamamayan.
Expansionary Fiscal Policy
1. Babawasan ang buwis na ipinapataw sa mga produktong kinunkonsumo ng mga mamamayan
2. Kinakailangan gumastos ang pamahalaan upang mapalago ang aggregate demand sa mga produkto
3. Pagpapaptayo ng mga impraestraktura at pagsasagawa ng iba't-ibang programang susuporta sa paggastos ng mga mamamayan tulad ng subsidiya
Contractionary Fiscal Policy
Isang patakaran ng pagpapaliit ng aggregate demand. Ginagamit ang polisyang ito tuwing mataas ang aggregate demand sa mga produkto at serbisyo dahil sa sobrang paggastos ng mga mamamayan. Upang mabawasan, ang paggastos, kinakailangang taasan ang buwis ng mga mamamayan.
Contractionary Fiscal Policy
1. Taasan ang buwis ng mga mamamayan
2. Magkaroon ng balanse sa paggastos ng pamahalaan upang magbigay ng suporta upang makapagbawas ng gastos ang publiko
MGA PONDO NG PAMAHALAAN
Buwis
Pangungutang
Seigniorage
Remittance ng Government-Owned and Controlled Corporations
Buwis
Ang pamahalaan ay nagtatakda ng koleksiyon mula sa mga mamamayan. Ang buwis ay nanggagaling sa anumang ekonomikong gawain ng mga mamamayan sa bansa (paghahanapbuhay, pagbili ng mga produkto, at pagbebenta). Pinakamalaking pinanggagalingan ng pambansang kita ng pamahalaan.
Pangungutang
Ang pangungutang ng Pilipinas sa ibang bansa ay isang mahalagang gawaing piskal ng pamahalaan. Kung mas malaki ang inaasahang paggastos ng pamahalaan kumpara sa badyet na mayroon ito, kinakailangang mangutang sa ibang bansa o sa mga panlabas na organisasyon upang matugunan ang pangangailangan ng bansa.
Seigniorage
Ito ang halaga ng kita ng pamahalaan mula sa pagpapalabas ng salapi, lalo na ng mga barya. Ang kita ay nagmumula sa pagkakaiba ng halaga sa paggawa ng salapi at halagang nakaimprenta sa salapi.
Remittance ng Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs)
Ito ay mahalagang pinagkukunan ng kita ng pamahalaan. Ang mga kompanyang ito ay pagmamay-ari ng pamahalaan at may obligasyong magbigay ng kita sa pamahalaan taon-taon.
Maaaring magpautang ang mga mamamayan sa pamahalaan kapalit ng seguridad ng kita
Maaaring magtagal ng lima hanggang sampung taon ang utang, kapalit nito ay mataas na interes
DOMESTIC DEBT O INTERNAL DEBT
Utang ng pamahalaan sa mga mamamayan
SEIGNIORAGE
Halaga ng kita ng pamahalaan mula sa pagpappalabas ng salapi, lalo na ng mga barya. Ang kita ay nagmumula sa pagkakaiba ng halaga sa paggawa ng salapi at halagang nakaimprenta sa salapi
RA NO. 7653 – THE NEW CENTRAL BANK ACT, ang BSP lamang ang may Karapatan at awtoridad na gumawa ng salapi, kaya sa BSP din nagmumula ang kitang seignorage ng pamahalaan
REMITTANCE NG GOVERNMENT –OWNED AND CONTROLLED CORPORATIONS (GOCCs)
Ito ay mahalagang pinagkukunan ng kita ng pamahalaan. Ang mga kompanyang ito ay pagmamay-ari ng pamahalaan at may obligasyong magbigay ng kita sa pamahalaan taon-taon
PAGCOR (PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION o KORPORASYON SA LIBANGAN AT PALARO NG PILIPINAS)
Korporasyon ng pamahalaan na may malaking remittance. Ito ay regulatory corporation ng pamahalaan na gumagabay at nangangasiwa sa mga kasino at iba pang katulad ng palaruan sa buong bansa
PAGBUBUWIS
Ginagamit ng pamahalaan ang buwis na nakokolekta bilang pondo sa mga programa at proyekto na magpapaunlad sa pamumuhay ng mga mamamayan sa loob ng bansa
BIR (BUREAU OF INTERNAL REVENUE o KAWANIHAN NG RENTAS INTERNAS)
Ito ang kumokolekta ng buwis sa Pilipinas
BOC (BUREAU OF CUSTOMS o KAWANIHAN NG ADWANA)
Ahensiya na kumokolekta ng buwis
MGA LOKAL NA PAMAHALAAN (PAMAHALAANG PANLALAWIGAN at PANGLUNGSOD)
Kumokolekta ng buwis
DALAWANG PINAKAMAHALAGANG BUWIS NA KINOKOLEKTA NG PAMAHALAAN
VAT (VALUE ADDED TAX)
INCOME TAX
VAT (VALUE ADDED TAX)
Isang uri ng buwis na idinadagdag sa mga binibiling produkto at serbisyo ng mga mamimili
RA NO. 9337 (2005) (REFORMED VAT LAW OF 2005) – isinama ang serbisyo ng mga abogado, doctor, at iba pang propesyonal na nagbibigay g serbisyo sa publiko sa pagbababayad ng VAT. Pinalawak ng batas na ito ang sakop na mga produkto at serbisyong pinapatawan ng buwis
Ayon sa batas na ito, ang VAT rate sa Pilipinas ay 12 porsiyento. Idadagdag ang 12 porsiyento ng VAT sa orihinal na halaga ng mga produkto. Ang buwis na ito ay naipapasa sa mga mamimili sa pamamagitan ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo
PROPORTIONAL TAXATION PRINCIPLE
Nagsasaad na ang lahat ng produkto at serbisyo ay papatawan ng 12 porsiyentong buwis anuman ang presyo ng produkto at serbisyo, at gaano man kalaki ang kita ng mamimili
RA NO. 9994 (EXPANDED SENIOR CITIZENS ACT OF 2010)- ang mga rehistradong senior citizen na hindi na magbayad ng VAT
RA NO. 10754 (EXPANDED MAGNA CARTA FOR PWDs) - may exemption ang PERSON WITH DISABILITIES (PWDs) sa pagbabayad ng VAT, na nilagdaan ni Pangulong Aquino III noong 2016
INCOME TAX
Ito ay ang buwis na ipinapataw sa lahat ng kumikita sa bansa- manggagawa man o korporasyon. Ang lahat ng uri ng kita ay maaaring patawan ng buwis na ito, ngunit nakadepende sa kita ng isang manggagawa ang laki ng buwis na babayaran
PROGRESSION TAXATION PRINCIPLE
Isang paraan ng pagbubuwis kung saan habang lumalaki mas mataas ang buwis na binabayaran ng mga tao na may mataas na kita, habang mas mababa naman ang buwis na binabayaran ng mga taong may mas mababang kita
Mga epekto ng patakarang piskal at buwis
Ang maayos at tamang pagpapatupad ng patakarang piskal ng pamahalaan ay nakatutulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa
Kung maayos ang pangongolekta ng buwis ng iba't-ibang ahensiya, tulad ng BIR, BOC, at mga lokal na pamahalaan, makapagbibigay sila ng maayos na ulat tungkol sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa
Maayos na mapaplanong ng pamahalaan ang mga proyekto at programa na nais nitong ipatupad
Ang pagbabago ng patakarang piskal ay nakakaapekto naman sa mga mamamayan dulot ng pagbabago sa buwis na sinisingil ng pamahalaan
Kinakailangang maipaalam sa mga mamamayan ang layunin kung bakit magtataas o magbababa ng buwis, upang masigurado na tama ang ibabayad na buwis
Karapatan ng mga mamamayan na malaman kung saan napupunta ang buwis na nakokolekta ng pamahalaan
GAA (GENERAL APPROPRIATIONS ACT)
Maaaring malaman ang alokasyon ng badyet ng bansa. Inilalathala sa website ng DEPARTMENT OF BUDGET AND MANANGEMENT (DBM) (KAGAWARAN NG BADYET AT PAMAHALAAN)
Ang paggastos ng pamahalaan sa mga pampublikong serbisyo (edukasyon, kalusugan, pabahay) at impraestraktura (gusali, tulay, kalsada)
May direktang epekto sa kabuhayan ng mga mamamayan
Pag-unlad ng ekonomiya – nagtutulungan ang pamahalaan at mga mamamayan