Lahat ng salik na bumubuo sa pormalna pag-aaral sa isang bansa o lugar, kasama ang mga alituntunin, kurikulum, pondo, programa, mga guro, at mga silid-aralan
Kasaysayan ng sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas
1. Panahon bago ang pananakop
2. Panahon ng Espanyol
3. Panahon ng Amerikano
4. Panahon ng Hapones
5. Kasalukuyang K to 12 curriculum
Panahon bago ang pananakop
May di-pormal na sistema ng edukasyon, mas binigyan ng pansin ang mga pisikal na pagsasanay at paggawa sa bahay
Panahon ng Espanyol
Misyonaryo at prayle ang nagsilbing mga guro, binigyang pansin ang pag-aaral ng relihiyon at pagpapatibay ng pananampalataya, limitado ang pagtuturo ng wikang Espanyol
Panahon ng Espanyol
Ipinatupad ang pagtatayo ng mga paaralan para sa lalaki at babae, may hindi pantay na pagtingin sa mga indio kumpara sa mga peninsulares at insulares, nabigyan ng pagkakataong mag-aral sa Europa ang mayayamang Pilipino
Panahon ng Amerikano
Nagtatag ang pamunuang Amerikano ng libreng pampublikong paaralan, itinuro ang kaalaman at gampaning pansibiko, Ingles ang naging pangunahing wika ng pagtuturo, dumating ang Thomasites na nagsilbing mga guro, isinunod ang pagtatayo ng Pamantasang Normal
Panahon ng Hapones
Ipinatupad ang paggamit ng Tagalog at Nihonggo bilang mga wika ng pagtuturo, binigyang diin ang pagkatutong bokasyunal o teknikal at pag-aaral ng kasaysayan
Kasalukuyang K to 12 curriculum
Nagkaroon ng maraming pagbabago sa sistemang pang-edukasyon ng bansa hanggang sa kasalukuyang batas ukol sa K to 12