Malawakang adhikain na makapagbigay ng libre at de-kalidad na edukasyon para sa lahat
World Education Forum sa Dakar, Senegal
2000
Pagpupulong sa Seoul, South Korea
2015
Ang Pilipinas ay kabilang sa 164 na bansang tumugon sa misyong ito
Ang 1987 Konstitusyon ang nagsisilbing legal na batayan upang matiyak na ang bawat Pilipino ay mabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral
Ang sektor ng edukasyon ang nakatatanggap ng pinakamalaking alokasyon sa taunang badget ng pamahalaan bilang hakbang upang matugunan ang suliranin sa kahirapan
Ang budget para sa edukasyon ay umaabot ng Php 924.7 billion sa taong 2024
Republic Act 6655 o Free Public Secondary Education Act of 1988
Nagbibigay ng libreng edukasyon sa pampublikong paaralang sekundarya sa buong bansa
Republic Act 9155 o Governance of Basic Education Act of 2001
Nagbibigay ng karapatan sa bawat Pilipino ng libre at de-kalidad na edukasyon sa elementarya, sekundarya, at mga tumigil sa pag-aaral gamit ang Alternative Learning System
Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017
Nagbibigay ng libreng edukasyon sa lahat ng Kabataang Pilipino na nagnanais mag-aral sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad sa buong bansa
Mga Programa na nagsusulong ng Pagkapantay-pantay sa Edukasyon
Government Assistance for Students and Teachers in Private Education (GASTPE)
SHS Voucher Program
Alternative Learning System (ALS)
Philippine Educational Placement Test (PEPT)
Ayon sa Functional Literacy, Education and Mass Media Survey na isinagawa noong 2003, aabot sa 9.6 milyong Pilipino ang hindi nakakabasa at nakasusulat
Noong 2007, kinakitaan ng malaking pagtaas ng drop-out rate ang mga mag-aaral habang papataas ang baitang
Noong 2008, 60% ng kabataan ay walang access sa early child care dahil na rin sa kakulangan ng institusyon para dito
Noong 2013, makikita sa datos ng Philippine Statistics Authority ang bilang ng kabataan na hindi nag-aaral sa bawat rehiyon ng bansa