TEORETIKAL NA SALIGAN NG PAG-AARAL - Para sa mabisang pagkatuto ng wika, kailangang handugan ang mag-aaral ng mga awtentikong kagamitan sa pagkatuto na abot ng kanilang pangunawa, mga kagamitan sa pagkatuto na tinagurian ni Krashen (1982) na comprehensive input. Samakatuwid, tungkulin ng isang guro ng wika na paglaanan ang mga mag-aaral ng sapat na dami ng comprehensive input na magsisilbing mga modelo sa paggamit ng wika tungo sa pagpapalawak at pagpapadalisay ng kaalaman nila sa balarila.