SAWIKAAN

Cards (24)

  • Sawikaan
    Bagong Likha [Modernong Filipino, pangalawa lamang sa mga korpus ng salitang-ugat (una ang pilit, sumunod itong wika) na nilapian ng sa+ at +an na nagpapahayag ng "sa pamamagitan ng"]: pagbabanyuhay ng salita sa pamamagitan ng wika
  • Simula ng Sawikaan
    2004
  • Ang Sawikaan ay hindi nagsimula bilang isang kumperensiyang pangwika kundi bilang isang timpalak pangwika
  • Perfecto T. Martin, isang aktibong kasapi ng FIT (Filipino Institute of Translation), ang may ideya nito bilang makabago at kakaibang pagdiriwang ng Buwan ng Wika
  • Iminungkahi ni Martin sa FIT na gawin din ang WOTY (word of the year) ng ADS (American Dialect Society) sa Pilipinas, na tatawaging "SALITA NG TAON" (SNT)
  • Ang orihinal na ideya ni P.T. Martin ay ang Sawikaan bilang isang makabago at kakaibang paraan ng pagdiriwang ng BWP na kakawala sa tradisyunal na sayawan, kantahan, balagtasan, sabayang pagbigkas, talumpati at iba pa
  • Ang Sawikaan ay isang masinsinang talakayan para piliin ang pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso ng sambayanan sa nakalipas na taon
  • Ang Sawikaan ay isang pagtatangka ng FIT na likumin ang mga salitang naging laganap o sikat ang gamit sa isang espisipikong taon at pag-usapan ang gamit at pinagmulan nito
  • Ang Sawikaan ay isang malikhain at mabisang estratehiya upang itampok ang katangian ng Filipino bilang wikang pambansa
  • Mga Salita ng Taon
    Mga salitang naging laman ng diskurso ng lipunang Filipino sa nakalipas na dalawang taon dahil sa mga kontrobersiya at mahahalagang usapin sa politika, teknolohiya, trapiko, kultura, sosyolohiya, kulturang popular, at iba pa
  • Mga Katangian ng mga Salitang Napipili sa Sawikaan
    • Bagong imbento
    • Bagong hiram mula katutubo o banyagang wika
    • Luma ngunit may bagong kahulugan
    • Patay na salitang muling binuhay
  • Pamantayan sa Pagpili ng Salita ng Taon (FIT)
    • Kabuluhan ng salita sa buhay ng mga Filipino at/o pagsalamin nito ng katotohanan o bagong pangyayari sa lipunan
    • Lawak at lalim ng saliksik sa salita, gayundin ang retorika o ganda ng paliwanag, at paraan ng pagkukumbinsi sa mga tagapakining
    • Paraan ng presentasyon
  • Ang Ambagan ay proyekto ng FIT na ginaganap tuwing ikalawang taon mula noong 2009
  • Ang Ambagan ay kumikilala at tumatalima sa probisyong pangwika sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng Filipinas na nagsasabing "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika."
  • Ang Ambagan ay nagpapanukala ng isang estratehiya sa pagpapayaman ng wikang Filipino—ang paghalaw mula sa kaban ng bokabularyo ng iba't ibang wika sa Filipinas upang ilahok sa korpus ng wikang pambansa
  • Ang Ambagan ay gumaganap din ng malaking papel sa pagsulong ng pagdadalumat sa Pilipinas
  • Pamantayan sa Pagpili ng Lahok sa Ambagan
    • Pagpapása ng abstrak na hindi lalabis sa 300 salita
    • Kailangang maghanay ang mananaliksik ng mga salitang may natatanging kahulugan sa kultura at kasaysayan ng pinagmumulang etnolingguwistikong pangkat
    • Kailangang maipaliwanag ang metodong gagamitin sa pangangalap, pagpapakahulugan, at pagbibigay ng halimbawang gamit sa pangungusap o karaniwang pag-uusap
    • Kailangan ding mapangatwiranan kung bakit mahalagang maging bahagi ng korpus ng Pambansang Wika ang mga salitang ito
  • Bukod sa Ambagan ng Fit, namamayani rin ang proyektong "Mga Susing Salita" na pinangungunahan ng Sentro ng Wikang Filipino ng UP-Diliman (UP-SWF)
  • Ang pangunahing layunin ng palihan ng Mga Susing Salita ay paunlarin ang mga inisyal na mga ideyang nakapaloob sa piniling salita at alamin ang potensyal na ambag nito sa larangan ng pag-aaral at pananaliksik tungo sa produksyon ng kaalaman
  • Virgilo S. Almario
    • Pambansang Alagad ng Sining na pinangalanan itong “Sawikaan: Salita ng Taon – na naging opisyal na pangalan ng timpalak.
  • 86 na salita ang nagtampok ng salita sa pitong Sawikaan (2004-2014) at 60 na presenter
  • FIT - Filipino Institute of Translation
    ADS - American Dialect Society
    BWP - Buwan ng Wikang Pambansa
    SNT - Saita ng Taon
    WOTY - Word of the Year
    KWF - Komisyon sa Wikang Filipino
    UP-SWF - Sentro ng Wikang Filipino ng UPD
  • AGOSTO
    Buwan na ginaganap ang SNT
  • 2004 - Canvass
    2005 - Huweteng
    2006 - Lobat
    2007 - Miskol
    2010 - jejemon
    2012 - wang-wang
    2014 - Selfie
    2016 - Fotobam
    2018 - Tokhang
    2020 - Lockdown