Ang paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin
Sa makabagong kahulugan ng pagsasalin, kung pinagtutuunang pansin man ang porma ay pangalawa lamang sa mensahe ng tekstong isinasalin
Pagsasaling-wika
Isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika
Pagsasaling-wika
Paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas sa diwa at estilo na nasa wikang isinasalin
Nagagawa ang pagsasalin sa pamamagitan ng pagtutumbas sa kaisipang nasa likod ng mga pahayag na berbal
Hindi kailanman mapapantayan ng salin ang orihinal
Metaphrase
Literal na paglilipat ng isang awtor ang salita sa salita at linya sa linya tungo sa ibang wika
Paraphrase
Pagsasalin sa kahulugan ng sinabi ng awtor ngunit sa paraang nababago at nadadagdagan ang kanyang wika
Imitasyon
Ganap na kalayaang lumihis sa salita at kahulugan ng awtor kaya nagdudulot lamang ng pangkalahatang pahiwatig mula sa orihinal
Imposibleng maisalin nang ganap sa ibang wika ang diwang sinulat ng awtor sa isang wika sapagkat naisin man at hindi ng tagasalin ay tiyak na may mawawala, mababago, o madaragdag sa orihinal na diwa ng kanyang isinasalin
Tagapagsalin
Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag
Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin
Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot
Mga Katangian ng Isang Mahusay na Salin
Katulad na katulad ng orihinal ang diwa, ang estilo at paraan ng pagsulat at taglay ang "luwag" at "dulas" ng pananalitang tulad ng sa orihinal
Matagumpay na matamo ang layuning maipahatid ito sa kinauukulang target
Kumakatawan ito sa orihinal nang hindi nilalapastangan ang wikang kinasalinan
Meaning based na nangangahulugang dapat itong magpahayag ng wastong kahulugan o diwa ng orihinal sa tunay na porma ng pokus ng wika
May sensibilidad, naipahahayag ang nilalaman at paraan ng orihinal, may natural at madulas na ekspresyon at tumutugon sa pagtanggap na tulad ng orihinal
Imitasyon
Pagsisikap matularan ang isang huwaran at kung sakali'y higit na mapalit sa haka ni Plato hinggil sa paglikha mula sa pagpangitain ng isang ideal. May napakalakas na layuning maging matapat ang imitasyon sa orihinal
Reproduksyon
Muling pagbuo ng layuning higit na tumutupad sa inaakalang interes o pangangailangan ng lipunan at panahon ng tagasalin. Nagbibigay ito ng pleksibilidad sa proseso ng pagsasalin. Maari itong mangahulugan ng pagsasapanahon. Sa gayon, maari itong umabot sa paglalapat ng wikang higit na naintindihan ng mambabasa ng salin. Maari itong mangahulugan ng paglilipat ng orihinal tungo sa isang anyong ipinalalagay na mas ninanais basahin ng madla
Proseso ng Pagsasaling-Wika
1. Pagtutumbas
2. Panghihiram
3. Pagsasaling Pa-Idyomatiko
4. Adapsyon
Ang gawaing pagsasalin ay ang paglilipat ng ideya, kaisipan at mga salita mula sa isang wika patungo sa isa pang wika na hindi nawawala ang kahulugan ng orihinal
Katulad ng kultura at kasaysayan, ang pagsasalin at pagdadalumat ay magkapatid
Hindi maisasalin ang isang pahayag kung hindi ito susuriing mabuti
Ang pagsasalin ay kailangan ng pagsusuri upang maging wasto ang salin
Bukod sa pagsasalin ng isang pahayag mula sa isang wika tungo sa isa pang wika, maaari ding masuri ang isang akda sa pamamagitan ng pagsasalin ng kaisipan
PAGTUTUMBAS
Sa prosesong ito ay inihahanap ng katapat na salita/pahayag sa isinasaling wika.
PANGHIHIRAM
Ang panghihiram ay isa sa mga simulating karaniwang sinusunod sa pagsasalingwika. Likas ito sa mga Pilipino mula pa nang pumasok sa katutubong wika ang espanyol. Maraming mga salita o katawagang banyaga ang malayang nakapasok sa katutubong wika dahil sa mga katawagan o salitang yaon ay wala sa angking bolabularyo nito
PAGSASALING PA-IDYOMATIKO
Kabilang ditto ang mga ekspresyong nagkaroon ng partikular na kahulugan dahil sa paniniwala, saloobin at kaugalian ng isang lahi. Gayundin ang mga ekspresyong nagkaroon ng pagbabago sa kahulugan dahil sap ag-iiba ng pang-angkop o preposition na ginagamit (gaya ng sa Ingles)
ADAPSYON
Ito ay ang pagtanggap ng mga salitang isasalin nang tuwiran at walang pagbabago sa baybay, kundi man bilang kakabit ng mga katutubong panlapi. Gagamitin ito sa mga pagkakataong kailangang-kailangan at hindi maiiwasan.