kabanata 2

Cards (15)

  • Uri ng Kaugnay na Literatura
    • Pangkalahatang Sanggunian
    • Pangunahing Sanggunian
    • Pangalawang Sanggunian
  • Pangkalahatang Sanggunian
    Mga sangguniang pangunahing kailangan ng isang mananaliksik, nakatutulong para magbigay ng ideya sa iba't ibang sanggunian: artikulo, monogropo, aklat, at iba pang dokumento na direktang may kaugnayan sa suliranin ng pananaliksik, karaniwang mga INDEX kung saaan nakasulat ang awtor, pamagat, at lugar ng palimbagan ng artikulo o ibang nateryal o abstrak
  • Pangunahing Sanggunian
    Mga lathalang kinasusulatan ng mga ulat ng mga mananaliksik tungkol sa kanilang isinagawang pag-aaral, direktang ibinabahagi ng awtor ang kanilang mga natuklasan sa pag-aaral sa kanilang mga mambabasa
  • Pangalawang Sanggunian
    Mga lathalang kinasusulatan ng mga paglalarawan ng mga may-akda sa resulta ng pananaliksik ng ibang awtor, karaniwang mga teksbuk, encyclopedia, rebuy ng pananaliksik, at taunang aklat o yearbook
  • Kaugnay na Pag-aaral ay nabibilang sa mga pananaliksik na karaniwang hindi nalathalang materyal o unpublished materials katulad ng manuskrito, pamanahong papel, tesis, o disertasyon na naunang naisagawa at may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral
  • Sintesis
    Nagsasaad ng pagkakatulad o pagkakapareho ng kasalukuyang pag-aaral sa mga nauna na, binabanggit din ang pagkakaiba ng kasalukuyang pag-aaral sa mga inilahad na kaugnay na pag-aaral, mahalagang bahagi sapagkat ipinakikita nito ang pagkakaugnay ng kasalukuyang pag-aaral sa mga pag-aaral ng binabalikan, binibigyang-buod at diin nito ang kahalagahan ng kasalukuyang pag-aaral
  • Uri ng Presentasyon ng Datos
    • Tekstuwal
    • Tabular
    • Grapikal
  • Tekstuwal na Presentasyon
    Gumagamit ng mga patalang pahayag upang ilarawan ang mga datos, layunin: maipukos ang atensyon sa ilang mahahalagang datos upang magsilbing supplement ng presentasyong tabular o grapikal, taglay ang katangian ng kaisahan, kohirens, at empasis
  • Tabular na Presentasyon
    Ginagamit ang isang istatistikal na talahanayan, ang mga magkakaugnay na datos ay inaayos nang sistematiko, ang bawat numerical na datos ay itinatala sa ilalim ng isang kolumn at katapat ng isang hanay (row) upang ipakita ang ugnayan ng mga iyon sa isang tiyak, kompak at nauunawaang anyo
  • Uri ng Grapikal na Presentasyon
    • Line Graph
    • Pie Graph
    • Bar Graph
    • Picto Graph
  • Line Graph
    Ginagamit upang ipakita ang pagbabago ng baryabol, epektibo kung nais na ilantad ng trend o pagtaas, pagdami o pagsulong ng isang tiyak na baraybaol
  • Pie Graph
    Ginagamit upang ipakita ang distribusyon, pagkakahati-hati o dibisyon, proporsyon, alokasyon, bahagi o praksyon ng isang kabuuan, ang kabuuang hinati-hati ay maaaring katawanin ng isang simpleng bilog o di kaya'y ng multidimensional na bilog na kahawig ng isang pie
  • Bar Graph
    Ginagamit upang ipakita ang sukat, halaga o dami ng isa o higit pang baryabol sa pamamagitan ng haba ng bar
  • Picto Graph
    Ginagamit itong presentasyon sa pamamagitan ng larawang kumakatwan sa isang baryabol, ngunit madalang gamitin ang ganitong uri ng grapikal sa presentasyon
  • Patnubay na Palaantasan
    Antas, Interval, Deskripsyon