Ang pamagat na “Noli Me Tangere’’ ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa wikang Filipino ay ’’huwag mo akong salingin’’ na hango sa Bibliya sa Ebanghelyo ni San Juan.
Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere dahil sa tatlong aklat na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon:
· The Wandering Jew
· Uncle Tom’s Cabin
· Biblia
Nang mabasa ni Rizal ang aklat na The Wandering Jew (Ang Hudyong Lagalag) ay nabuo sa kaniyang puso na sumulat ng isang nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol.
Ito ay tungkol sa isang lalaking kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon ay pinarusahan na maglakad sa buong mundo nang walang tigil.
The Wandering Jew
Ito ay tungkol sa pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga Negro. Tumindi ang pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa pagmamalupit ng Kastila sa mga Pilipino.
Uncle Tom's Cabin
Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat sa Madrid at doo’y natapos niya ang kalahati ng nobela. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at natapos ang sangkapat. Natapos naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa Alemanya noong Pebrero 21, 1887.
Natapos niya ang Noli Me Tangere, ngunit wala siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito. Mabuti na lamang at dumalaw sa kaniya si Maximo Viola na nagpahiram sa kaniya ng salapi na naging daan upang makapagpalimbag ng dalawang libong (2,000) sipi nito sa Imprenta Lette.
Si Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat ng nobela.
Pinili ni Rizal ang mga elemento na ipaloloob niya rito, hindi lamang ang aspektong astetiko ang kaniyang naging konsiderasyon – higit sa lahat ay ang aspekto ng simbolismo.
Umalis si Rizal sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero, 1888. Sa kaniyang pag-alis ay nagpunta siya sa Hong Kong, Hapon, San Francisco, at New York sa Estados Unidos, at LondonsaUnited Kingdom.
Isinulat niya ang Noli Me Tangere upang mabuksan ang mga mata ng Pilipino sa kanser ng lipunan na nangyayari sa bansa. Ito ay ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.
Antas ng Katayuan sa Lipunan ng Sinaunang Pilipino
Maharlika
Timawa
Aliping Saguiguilid
Pinakamataas na pangkat
Maharlika
Kasama ang datu at kaniyang pamilya.
Maharlika
May mga espesyal na karapatan.
Maharlika
Mga ordinaryong mamamayan
Timawa
Ipinanganak na malaya
Timawa
Nakatira sa tahanan ng kanilang amo
Aliping Saguiguilid
Walang mga ari-arian
Aliping Saguiguilid
Pag-aari ng kanyang amo
Aliping Saguiguilid
Mga Uri ng Tao sa Lipunang Pilipino Noong Panahon ng Espanyol
Principalia
Ilustrado
Peninsulares
Insulares
Mestiso
Indio
Mayayamang Pilipino
Principalia
Mga nakapag-aral na Pilipino
Ilustrado
Mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya
Peninsulares
Mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas
Insulares
Anak ng mga Pilipino na nahaluan ng dugong Espanyol o Tsino.
Mestiso
Katutubong Pilipino
Indio
Pinakamababang uri sa lipunan
Indio
Tatlong Pangunahing Uri ng Lipunang Pilipino noong Panahon ng Espanyol
Principalia
2. Ilustrado
3. Masa
Mga dating Maharlika
Principalia
Mga taong may malawak na lupain o haciendero
Principalia
Mga pinunong bayan
Principalia
Mga kabilang sa angkan ng mga datu at maharlika
Principalia
Ang mga Principalia ay may mga karapatang tinatamasa tulad ng hindi pagbabayad ng buwis, hindi paglahok sa sapilitang paggawa o Polo y Servicios, at may karapatang lumalahok o sumali sa halalan.
Mga Pilipinong nakapag-aral at naging propesyonal
Ilustrado
Mga negosyante at may-ari ng mga lupain subalit hindi kasing yaman ng mga principalia
Ilustrado
Ang Ilustrado ang panggitnang uri sa lipunang Pilipino noong panahon ng Espanyol.
Nabibilang sa Masa ang nakakaraming Pilipino noong panahon ng Espanyol.