KOMPAN1

Subdecks (1)

Cards (70)

  • Wika
    Napakahalagang instrumento ng komunikasyon. Mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan
  • Lingua
    Salitang Latin na may kahulugang "dila" at "wika"
  • Langue
    Salitang Pranses na nangangahulugang dila at wika
  • Language
    Salitang Ingles na batay sa salitang Pranses na langue
  • Mga pagpapakahulugan sa wika
    • Tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin
    • Masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura
    • Sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatika na ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba't ibang uri ng gawain
  • Wika
    Sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagba-bake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rin ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan
  • Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba't ibang pangkat ng mga pilipinong gumagamit ng iba't ibang wika at diyalekto
  • Kinailangan magkaroon tayo ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Pilipino
  • Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging wikang pambansa
  • Pagpili sa wikang pagbabasehan ng wikang pambansa
    1. Mainitang tinalakay at pinagtalunan sa kumbensyong konstitusyunal ng 1934
    2. Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas
    3. Pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino
  • Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
  • Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon
  • Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic
  • Mother Tongue o unang wika

    Wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, o ng simbolong L1
  • Pangalawang wika
    Wika na natututuhan ng bata habang lumalaki dahil sa exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid
  • Unang wika
    Wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao
  • Pangalawang wika
    Wika na natututuhan ng bata sa paglaki dahil sa exposure sa paligid
  • Ikatlong wika
    Wika na natututuhan ng bata dahil sa lumalawak na mundo at pakikisalamuha sa iba't ibang tao
  • Monolingguwalismo
    Paggamit ng iisang wika sa isang bansa
  • Bilingguwalismo
    Paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika
  • Balanced bilingual
    Taong nakagagamit ng dalawang wika nang halos hindi na matutukoy kung alin ang unang at pangalawang wika
  • Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal na may mahigit 180 wika at wikain
  • MTB-MLE
    Mother Tongue Based-Multilingual Education
  • Simula 2012-2013, ipinatupad ang MTB-MLE sa mga paaralan
  • Ang DepEd ay nagtalaga ng 8 pangunahing wika at 4 iba pang wikain na gagamitin bilang wikang panturo at ituturo rin bilang hiwalay na asignatura
  • Pagkalipas ng isang taon, naging 19 na wika ang ginagamit sa MTB-MLE
  • Maliban sa mga unang wika, ang Filipino (L2) at Ingles (L3) ay itinuturo din bilang hiwalay na asignaturang pangwika
  • Sa mas matataas na antas, ang Filipino at Ingles ang mananatiling mga pangunahing wikang panturo
  • Ang MTB-MLE ay isang magandang modelo ng pagtuturo para sa isang bansang tulad ng Pilipinas na may heograpiyang pinaghiwa-hiwalay ng mga pulo at mga kabundukan at may umiiral na napakaraming pangkat at mga wikain