KOMPAN2

Cards (41)

  • Barayti ng Wika
    Mga uri ng wika na nagkakaiba dahil sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika
  • Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika
  • Pagkakaroon ng barayti ng wika
    1. Mula sa pag-uugnayang tao sa tao mula sa ibang lugar
    2. May malilinang na wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito
  • Speaker: 'Tore ng Babel mula sa Genesis 11: 1-9'
  • Pinarusahan ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba't ibang wika dahil sa kanilang pagmamataas at pagmamataas
  • Dahil hindi na sila magkaintindihan, natigil ang pagtatayo ng tore na tinawag na Babel, at dito naganap ang pagkakaiba-iba ng wika ng mga tao
  • Divergence
    Ang dahilan kung bakit nagkaroon ng iba't ibang uri o barayti ng wika
  • Dayalek
    Barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan
  • Dayalek ng wikang Tagalog
    • Tagalog sa Morong
    • Tagalog sa Maynila
    • Tagalog sa Bisaya
  • Idyolek
    Pansariling paraan ng pagsasalita ng bawat tao kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao
  • Sosyolek
    Barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika
  • Mga halimbawa ng sosyolek
    • Wika ng nakapag-aral at hindi nakapag-aral
    • Wika ng matatanda at kabataan
    • Wika ng may kaya at mahirap
    • Wika ng babae at lalaki
    • Wika ng bakla
    • Wika ng preso
    • Wika ng tindera sa palengke
  • Ang sosyolek ay palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan
  • Wika ng mga beki o gay lingo
    Isang halimbawa ng sosyolek na binabago ang tunog o kahulugan ng salita para magkaroon ng sikretong lengguwahe
  • Mga halimbawa ng gay lingo
    • churchill
    • Indiana Jones
    • bigalou
    • Givenchy
    • Juli Andrews
  • Ang wika ng mga beki o gay lingo ay nagagamit na rin sa mainstream, patunay na ang wika ay buhay at mabilis yumabong
  • Ang wika ng mga beki o gay lingo ay nagkaroon ng malaking impluwensiya dahil hindi na lang sa mga beauty parlor naririnig ang mga ito kundi sa iba't ibang lugar at pagkakataon
  • Halimbawa ng paggamit ng gay lingo
    • Charot
    • Imbey ang fez
    • Trulalu
    • Spluk
    • Chaka ever
    • Bonggacious ang tarayan
  • Coñotic o Conyospeak
    Isang baryant ng Taglish na may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino
  • Nagamit ang gay lingo sa palitan ng patutsadahan ng mga tagapagsalita ng kampo ng Pangulong Aquino at ni VP Binay na nag-ugat sa "True State of the Nation Address" o TSONA ng pangalawang pangulo
  • Tinawag ni Lacierda na 'charot' o isang biro ang TSONA ni VP Binay
  • Sumagot naman si Joey Salgado, tagapagsalita ng Office of the Vice President ng "imbey ang fez ni Secretarush dahil trulalu ang spluk ni VP Pero ang SONA ng pangulo, chaka ever sa madlang pipol dahil hindi trulalu"
  • Maraming magkakaibang komento ang inani ng patutsadahang ito
  • May mga hindi sumasang-ayon at agad pinuna ang sagutan ng dalawang kampo at ang wikang ginamit
  • May mga naaliw rin tulad ni dating Commissioner Ruffy Biazon na nag-post sa kanyang twitter account ng ganito, "bonggacious ang tarayan, naloka aqui"
  • Coño
    Sosyolek ng mga "sosyal" o "pasosyal" na mga kabataan
  • Coñotic o conyospeak
    Baryant ng Taglish na may mas malala ang paghahalong Tagalog at Ingles
  • Coñotic o conyospeak
    • "Let's make kain na"
    • "Wait lang. I'm calling Anna pa"
    • "Come on na. We'll gonna make pila pa. It's so haba na naman for sure"
    • "I know, right? Sige, go ahead na"
  • Jejemon o jejespeak
    Sosyolek ng mga kabataang jologs na nakabatay sa mga wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik
  • Noong una'y nagsimula lang ang jejemon o jejespeak sa kagustuhang mapaikli ang salitang itinatype sa cell phone upang mapagkasya ang ipadadalang SMS o text message na may limitadong 160 titik, letra, at simbolo lang
  • Kalaunan sa halip na mapaikli ay napahahaba pa ng mga jejemon ang salita o mensaheng ginagamitan ng mga titik, letra, at mga simbolo
  • Madalas na nagagamit ang mga titik H at Z sa mga salita ng jejemon
  • Jargon
    Mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat na makapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain
  • Jargon ng mga abogado

    • exhibit
    • appeal
    • complaint
  • Pidgin
    Umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na "nobody's native language" o katutubong wikang di pag-aari ninuman
  • Nangyayari ang pidgin kapag may dalawang (2) taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya't hindi magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa't isa
  • Kalaunan, ang wikang ito na nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin
  • Creole
    Ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar
  • Register
    Barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap
  • Pormal na wika
    Nagagamit ng nagsasalita kung ang kausap niya ay isang taong may mas mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong kakilala