fil 2

Subdecks (2)

Cards (78)

  • Filipino
    Wikang pambansa ng Pilipinas, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan
  • Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba't ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino
  • Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
  • Paglilinang ng wikang Filipino
    1. Ito ay nasa proseso ng paglilinang
    2. Payabungin at pagyamanin salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika
  • Wikang Filipino
    Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo
  • Ang wikang Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba't ibang barayti ng wika para sa iba't ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag
  • Ang wikang Filipino ay hindi Pilipino na batay sa Tagalog
  • Tagalog
    Isang wikang natural at may mga katutubo itong tagapagsalita, isang partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistikong grupo sa bansa
  • Pilipino
    Wikang pambansa noong 1959, bunga ng kalituhan naidulot ng pagbatay ng wikang pambansa sa wikang Tagalog na isang pagkakamali
  • Ang Pilipino ay Tagalog din sa estraktura at nilalaman, kaya ito ay itinututuring na isang mono-based national language
  • Ang pangalang Filipino ng ating wikang pambansa ay hindi nagmula sa Ingles na Filipino na tinatawag sa ating mga mamamayan ng Pilipinas
  • Ang pagpapalit mula sa P tungo sa F ay dahil sa modernisasyong pinagdaraanan ng ating wikang pambansa, tulad ng pagdaragdag ng walong titik sa alpabeto at ang paglinang dito salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika
  • Wikang Filipino
    Pambansang Lingua Franca, nagsisilbing pangalawang wika ng higit na nakararami sa buong bansa na ating ginagamit sa pakikipagtalastasan lalo na sa siyudad, kahit pa mayroon tayong kani-kaniyang sariling katutubong wika
  • Ang ating Wikang Filipino ay napakaraming pinagdaan bago ito nagging ganap na Wikang Pambansa
  • Talata: 'Ang wika ay ginagamit upang tayo ay magkaunawaan, hindi ito instrumento para ako'y iyong saktan'
  • Humanidades
    Ang pangunahaing layunin ng Humanidades ay "hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao". Ang kaisipan, kalagayan at kultura ng tao ang binibigyang-tuon sa pag-aaral ng larangang ito.
  • J. Irwin Miller: '"Ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito"'
  • Newton Lee: '"sana'y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang Humanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng lipunan sa kalahatan, at di lamang para magkaroon ng karera sa hinaharap"'
  • Mga disiplina sa larangan ng Humanidades
    • Panitikan: Wika at Teatro
    • Pilosopiya: Relihiyon
    • Sining: Biswal (Pelikula, Teatro at Sayaw), Applied (Graphics), Industriya (Fasion at Interior), Malayang sining (calligraphy, studio arts, art history, print making at mied media)
  • Ang larangan ng Humanidades ay umusbong bilang reaksiyon sa iskolastisismo sa panahon ng mga Griyego at Romano kung saan inihahanda ang tao na maging doktor, abogado at sa mga kursong praktikal, propesyonal at siyentipiko.
  • Analitikal na lapit
    Ginagamit sa pag-oorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa't isa
  • Kritikal na lapit
    Ginagamit kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon at sa pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya
  • Ispekulatibong lapit

    Kadalasang ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat
  • Mga halimbawa ng pamamaraan at estratehiyang ginagamit sa mga lapit
    • Deskripsiyon o paglalarawan
    • Paglilista
    • Kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng pangyayari
    • Sanhi at bunga
    • Pagkokompara
    • Epekto
  • Mga anyo ng pagsulat sa larangan ng Humanidades
    • Impormasyonal
    • Imahinatibo
    • Pangungumbinse
  • Impormasyonal
    Maaaring isagawa batay sa: paktwal na mga impormasyon bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote, artikulo sa kasaysayan at iba pa; paglalarawan - nagbibigay ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya ng kritisismo, tula, kuwento, nobela at iba pa; proseso - binubuo ng paliwanag kaugnay ng teknik, pamamaraan at iba pa
  • Impormasyonal
    Maaaring isagawa batay sa: paktwal na mga impormasyon bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote, artikulo sa kasaysayan at iba pa; paglalarawan - nagbibigay ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya ng kritisismo, tula, kuwento, nobela at iba pa; proseso - binubuo ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa at ang naging resulta na kadalasan ay ginagawa sa sining at musika
  • Imahinatibo
    Binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula, maikling kwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri rito
  • Pangungumbinse
    Pangganyak upang mapaniwala o di-mapaniwala ang bumabasa, nakikinig at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya't ang mahalagang opinyon ay kaakibat ng ebidensya at katuwiran o argumento
  • Ang Agham Panlipunan ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao - kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan
  • Agham Panlipunan
    • Tulad ng Humanidades, tao at kultura ang sakop nito subalit, itinuturing itong isang uri ng siyensiya o agham
    • Gumagamit ng lapit siyentipiko - sarbey, obserbasyon, pananaliksik sa larangan, at mga datos na sekondarya
    • Ang pagsusuri o metodolohiya dito ay dayakroniko (historikal) at sinkroniko (deskriptibo)
  • Mga kilalang personalidad sa Agham Panlipunan
    • Diderot
    • Rousseau
    • Francis Bacon
    • Rene Descartes
    • John Locke
    • David Hume
    • Isaac Newton
    • Benhjamin Franklin
    • Thomas Jefferson
    • Karl Marx
    • Max Weber
    • Emilie Durkheim
  • Pagsulat sa Agham Panlipunan
    • Simple, impersonal, direkta, tiyak ang tinutukoy, argumentatibo, nanghihikayat at naglalahad
    • Di-piksyon ang anyo ng mga sulatin sa larangang ito na madalas ay mahaba dahil sa presentasyon ng mga ebidensya ngunit sapat upang mapangatuwiranan ang katuwiran o tesis
  • Mga anyo ng sulatin sa Agham Panlipunan
    • Report
    • Sanaysay
    • Papel ng pananaliksik
    • Abstrak
    • Artikulo
    • Rebyu ng libro o artikulo
    • Niyograpiya
    • Balita
    • Editorial
    • Talumpati
    • Adbertisment
    • Proposal sa pananaliksik
    • Komersiyal sa telebisyon
    • Testimonyal
  • Proseso ng pagsulat sa Agham Panlipunan
    1. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin
    2. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa
    3. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap
    4. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos
    5. Pagkalap ng datos bilang ebidensya at suporta sa tesis
    6. Analisis ng ebidensya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantatibo, kuwalitatibo, argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko
    7. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna at wakas), angkop, sapat at wastong paraan ng pagsulat
    8. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng ibang may-akda
  • Mga sangay ng Agham Panlipunan
    • Sosyolohiya
    • Agham-Pampolitika
    • Arkeolohiya
    • Antropolohiya
    • Ekonomiks
    • Heograpiya
    • Kartograpiya
    • Linggwistika
    • Istatistika
  • Ang Humanidades ay ang mga araling nauukol sa tao o mga araling pantao, samantala ang Agham Panlipunan ay isang pangkat ng mga displinang akademiko na pinag-aaralan ang mga aspekto ng tao sa mundo
  • VIRGILIO ALMARIO: 'MAY TINDI AT SIGASIG ANG PAGHAHANAP DAHIL KAILANGANG GAWIN ITO SA LAHAT NG SULOK'
  • Humanidades
    Ang pangunahaing layunin ng Humanidades ay "hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao". Ang kaisipan, kalagayan at kultura ng tao ang binibigyang-tuon sa pag-aaral ng larangang ito.
  • J. Irwin Miller: '"Ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito"'