Isinulat ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong 1838.
Relihiyon at paglalaban ng mga Moro at Kristiyano ang temang ginamit niya rito.
Gumamit din siya ng simbolismong kakikitaan ng pailalim na diwa ng
nasyonalismo.
Ang kaharian ng Albanya ay kasasalaminan ng mga naganap na kakiluan, kalupitan, at kawalang katarungan sa Pilipinas sa ilalim
ng pamamahala ng mga Espanyol.
Masasalamin din sa akda ang tinutukoy ni Lope K. Santos ang apat na himagsik na naghari sa puso at isipan ni Balagtas.
Ang apat na himagsik:
1.Ang himagsik laban sa malupit na
pamahalaan
2.Ang himagsik laban sa hidwaang:
pananampalataya
3.Ang himagsik laban sa mga maling
kaugalian
4.Ang himagsik laban sa mababang uri ng
panitikan
Itinuturing na isang obra maestra ng panitikang Pilipino ang Florante at Laura.
Isinulat ang akdang ito sa wikang Tagalog.
Ang awit ay inialay ni Balagtas kay "Selya" o Maria Asuncion Rivera.
Isinulat ito sa loob ng selda kung saan siya nakakulong dahil sa pakana ni Nanong Kapule.
Ang malabis na sakit, kabiguan, kaapihan, himagsik, at kawalang katarungang naranasan ni Balagtas sa lipunang kanyang ginagalawan ang siyang nagtulak sa kanya upang likhain ang
Florante at Laura.
Naglalaman ng mahahalagang aral sa buhay ng mga madla
2. Ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa maging sa may magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim at Kristiyano.
3. Paglalarawan sa panahong ang mga kababaihan ay mailalarawang mahinhin (hindi makabasag pinggan, at mahina).
Ang akda ay gumabay hindi lamang sa mga pangkaraniwang tao kundi gayundin sa mga bayaning nagmulat sa diwang makabayan ng
mga Pilipino.
Ang orihinal na pamagat ng Florante at Laura ay "Pinagdaanang Buhay ni Florante at Laura, sa Kahariang Albania Kinuha sa Madlang Cuadro Historico o Pinunturang Nagsasabi sa mga Nangyari nang Unang Panahon sa Imperio ng Grecia at Tinula nang Isang Matuwain sa Bersong Tagalog".
Francisco Baltazar kilala siya bilang si Balagtas
Tubong Bulacan ang Prinsipe ng Makatang Tagalog
Isinilang siya noong Ika-2 ng Abril, 1788 sa Panginay, Bigaa (Balagtas,
Bulacan)
Si Juan Balagtas ang kanyang ama at si Juana dela Cruz ang kanyang ina.
20 taong gulang ng nanilbihang bilang utusan ni Donya Trinidad sa Tondo, Maynila.
Nag-aral siya sa kolehiyo de San Jose at dito nakatapos ng Gramatika
Castellana, Gramatika Latina, Geografia at Fisica, at Doktrina Christiana.
Pinalad din siyang makapag-aral sa San Juan de Letran, na nakapagtapos siya ng Humanidades, Teolohiya, at Pilosopiya at dito niya naging guro si Padre Mariano Pilapil, isang bantog na guro na sumulat ng Pasyon.
Naging kilala ang pangalang Kiko sa larangan ng pagbigkas ng tula,
at nabansagang isang makata, dahilan ng makulay niyang
pagbibinata.
Umibig siya sa isang dilag na nangangangalang Magdalena Ana Ramos.
Mula sa tondo lumipat si Balagtas sa Pandacan at nakilala niya si "Selya" o Maria Asuncion Rivera sa tunay na buhay.
Naging mahigpit na katunggali niya sa pag-ibig ng dlaaga sa katauhan ni "Nanong" Mariano Kapule.
Pinaniwalaang dahil sa kabiguang ito ay naisulat niya sa loob ng bilangguan ang obrang "Florante at Laura".
Pagkatapos ng kanyang pagkabilanggo ay tinapos niya ang obra sa Udyong, Bataan at dito niya nakilala si Juana Tiambeng, ang babaeng iniharap niya sa dambana (altar)
Taong 1842, sa edad na 54 ay ikinasal sila ni Juana at nagkaroon sila ng
labing-isa (11) anak.
Muling nakilala ang husay ni Balagtas at naging kawani siya ng hukuman at hindi naglaon ay naging Tenyente Mayor at
Juez de Sementera.
Muli siyang nakulong sa Bataan dahil sa paratang na pinutulan niya ng buhok ang isang babaeng utusan ni Alferez Lucas.
Sa kanyang paglaya, ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pagsusulat
hanggang sa bawian siya ng buhay noong ika-20 ng Pebrero, taong 1862, sa gulang na 74.