Quiz

Cards (47)

  • Teorya sa Pagsasalin
    Ang prinsipyong gumagabay sa isang tagasalin na kanyang sinusunod bilang pamantayan sa kanyang pagsasalin
  • Praktika sa Pagsasalin
    Ang mismong paglunsad sa gawain ng pagsasalin. Sa madaling sabi, ito ang aktuwal na pagsasalin ng teksto
  • Formal Equivalence Theory
    • Sinusunod ang mismong form o anyo pati ang kultural na nilalaman ng simulaang lengguwahe upang maintindihan ng mambabasa ang kultural na kamalayang nakapaloob sa orihinal na teksto
  • Dynamic Equivalence Theory
    • Sinusunod ang anyo at kultural na konteksto ng tunguhang lengguwahe o target language kung kaya't masasabing ito ay nakatuon sa danas ng target na mambabasa
  • Meaning-based Translation Theory
    • Mahalaga ang pagtutok sa kahulugan ng simulaang lengguwahe patungo sa layuning maisalin ang kahulugang ito sa tunguhang lengguwahe; teorya itong nanghahawakan maisalin sa pinakamalapit na diwa ang diwa ng orihinal
  • Skopos Theory
    • Pokus kung ano ang purpose o layunin mo o ng nagpasalin ng teksto. Dapat matamo ng salin kung ano ang purpose kung ano ang dahilan kung bakit ito ipinasalin
  • Salita-sa-salita
    May one to one correspondence ang bawat salita subalit dapat tandaan na tentatibo pa lamang ang unang salin dahil kailangan pa itong kinisin
  • Literal
    Literal ang pagkakasalin ng mga konsepto kung kaya't "nakakapatid" kapag binigkas o binasa
  • Adaptasyon
    Pinakamalayang metodo ng pagsasalin dahil karaniwang nalalayo na sa orihinal na kahulugan. Nagagamit ito sa pagsasalin ng dula o kanta
  • Malaya
    May pagsisikap pa rin na "ilapit" ang nabuong salin sa kahulugan ng orihinal na teksto
  • Idyomatiko
    Pinakikinabangan ang idyoma ng tunguhang lengguwahe upang mailapit sa kultura ng mga mambabasa
  • Matapat
    Matapat na sinusundan ang estruktura ng SL o simulaang lengguwahe. Kung paano ang pagkakahanay ng mga salita o parirala sa orihinal, ganoon din ang ginagawang paghahanay sa salin
  • Komunikatibo
    Sinisikap ng tagasalin na isalin ang orihinal sa uri ng wikang katanggap-tanggap at madaling maintindihan ng target readers
  • Transference o Adapsyon
    Ang ibang katumbas nito ay adoption, transcription, o loan words (salitang hiram) na ang ibig sabihin ay ang paglilipat o panghihiram ng mga kultural na salita mula SL patungol sa TL nang walang pagbabago sa ispeling.
  • Transference o Adapsyon
    • I brought you some cupcakes. Ipinagdala kita ng cupcakes.
  • One-To-One Translation
    O literal na salin na may isa-sa-isang pagtutumbasan ng salita sa salita, parirala sa parirala, sugnay sa sugnay, o pangungusap sa pangungusap. Ipinalalagay na kapag humahaba ang yunit ay mas hindi angkop ang pamamaraang ito.
  • One-To-One Translation
    • John gave me an apple. Binigyan ako ni Juan ng mansanas.
  • Through Translation
    Katumbas ng salitang-hiram o loan translation na ginagamit sa pagsasalin ng mga karaniwang collocations (i.e. dalawa o higit pang salita na 'masaya' o natural na nagsasama) pangalan ng organisasyon, o kaya'y institusyonal na salita
  • Through Translation
    • Supreme Court Korte Suprema
  • Naturalization
    May pagkakahawig sa transference ngunit dito, inaadap muna ang normal na pagbigkas at pagkatapos ang normal na morpolohiya sa TL. Sa madaling salita, inaayon sa ortograpiya ng TL.
  • Naturalization
    • I brought you some cupcakes. Ipinagdala kita ng kapkeyks.
  • Lexical Synonymy
    Pagsasalin na ibinibigay ang malapit na katumbas o angkop na kasingkahulugan ng SL sa TL. Ginagamit din ang teknik na ito kapag hindi maaaring magkaroon ng literal na salin ang SL sa TL.
  • Lexical Synonymy
    • I turned on the lights. Binuksan ko ang ikaw.
  • Modulation
    Pagsasalin na may pag-iiba ng punto de bista o pananaw sa pagbibigay-kahulugan dahilan sa iba't ibang konteskto
  • Modulation
    • reinforcement (edukasyon) hikayatin (militar) dagdag-puwersa
  • Transposition
    Tinatawag ding shift na ang ibig sabihin ay pagkakaroon ng pagbabago sa gramatika ng SL kapag isinalin na sa TL
  • Transposition
    • The men are dancers. Mga mananayaw ang lalaki.
  • Cultural Equivalent
    Ito ang malapit o halos wastong salin (approximate translation), na kung saan ang isang kultural na salita sa SL ay isinalin sa TL na may katumbas na kultural na salita.
  • Lexical synonymy
    Teknik na nagkakahawig ang mga salita
  • Modulation
    Mahalagang alamin muna ng tagasalin kung nasaang larang ba nagmumula ang salita upang maunawaan niya kung paano itong matutumbasan nang tumpak
  • Sa ST, nauuna ang sabjek
    Sa TT nauuna na ang panaguri
  • Sa pangalawang halimbawa
    Nagkaroon ng pagbabago sa pagkakasunod ng tambalang salita
  • Cultural Equivalent
    Malapit o halos wastong salin (approximate translation), na kung saan ang isang kultural na salita sa SL ay isinasalin sa katimbang ding salita sa TL
  • Cultural Equivalent

    • coffee break
    • merienda
  • Descriptive Equivalent
    Tinatawag din itong amplification, na ang ibig sabihin ay pagbibigay ng katumbas na kahulugan sa pamamagitan ng depinisyong naglalarawan, gawa ng paggamit ng noun-phrase o adjectival clause
  • Descriptive Equivalent
    • I experienced Onsen in Japan.
    • Nakaranas na akong pumunta sa Onsen, isang pampublikong paliguan, sa Japan.
  • Functional Equivalent
    Pagsasalin na ibinibigay ang higit na gamitin at tinatanggap na katumbas o kahulugan. Tinatawag din itong pagdede-kulturalisa ng wika (deculturalizing the language)
  • Functional Equivalent
    • The girl is playing.
    • Naglalaro ang bata.
  • Recognized Translation
    Pagsasalin sa opisyal at tinatanggap ng marami na salin ng anomang insitusyonal na termino
  • Recognized Translation
    • Bureau of Internal Revenue
    • Kagawaran ng Rentas Internas