Globalisasyon

Subdecks (1)

Cards (150)

  • Globalisasyon
    Mula sa salitang ugat na global. *Meydan Larousse - undertaken entirely *French - homogeneity
  • American Defense Institute •Ang globalisasyon ay ang mabilis at patuloy na inter boarder na paggalaw ng produkto at capital, teknolohiya ideya, impormasyon, kultura at nasyon •Maraming disiplina ang naaapektuhan ng globalisasyon. •Madalas itong magamit sa usapin ng ekonomiya, politika, at capital ngunit hindi ito dito lamang umiikot bagkus sa ibang dimensyon din gaya ng teknolohiya, kultura, impormasyon (Dulupcu & Demirel, 2005).
    ••
  • Saklaw ng konsepto ng globalisasyon
    • Kasalukuyang integrasyon ng ekonomiya, politika at lipunan ng ibat-ibang bansav na nagbibigay ng kalayaan sa mga tao, pagdating sa usapan ng komunikasyon, paglalakbay, investment at pagpapalawak ng market
  • Mahahalagang konseptong kaakibat ng globalisasyon
    • Transference
    • Transformation
    • Transcendence
  • Transference
    Pagpapalitan o exchange ng mga bagay sa pagitan ng dalawang pre-constitutes units, na maaaring politikal, ekonomikal, at kultura •hindi napapalitan ang basic identity •Influence -> kalakalan sa pagitan ng mga bansa
  • Transformation
    Ang proseso ng globalisasyon ay nakaaapekto sa buong sistema, sa parehong antas na naaapektuhan nito ang mga yunit na bumubuo rito •kolonisasyon - pagbabago ng basic identity
  • Transcendence
    Ang globalisasyon ay isang prosesong pansarili at hindi maaaring intindihin lamang sa pamamagitan ng iisang dimension o sanhi •nakapagbabago sa conditions of existence kung saan ito matatagpuan •Nawawala lahat ng barrier (United Nations - peace) •As a whole
  • Kasaysayan ng Globalisasyon
    • 1870-1914 - nagsimula ang ekonomikal na perspektibo sa globalisasyon kung saan may malayang paggalaw sa kalakal, kapital at tao.
    • 1930-1950 - orihinal na paggamit ng termino at nagbabagong gamit ng konsepto ng globalisasyon sa iba't ibang aspeto
    • Cold War - ang mundo ay naging isa, sa pamamagitan ng pag-iisa ng ilang kultura o paglaganap ng kapitalismo
  • Apat na Panahon ng Globalisasyon
    • Early History - kalakalan sa pagitan ng sibilisasyon ng Sumeria at Indus Valley; Ang kaharian at imperyo ng India, Egypt, Greece, at Rome ay malayang nakikipagkalakan; Silk Road - ruta ng Asya at Europa; Silk - telang sutla
    • Medieval - Ang Jew at Muslim ay malayang umiikot sa buong mundo upang makipagkalakalan; Age of Discovery/Exploration, nakilala si Christopher Columbus at Vasco de Gama; Nakita ang Manila bilang mayamang kaharian ng mga Muslim
    • Pre-modern Period - Industrial Revolution (1973-1830)
    • Modern Era
  • Maling Pananaw ukol sa Konsepto ng Globalisasyon
    • Nagmula noong 1980
    • Isa lamang uri ng economic imperialism o Westernization
    • Naglalayon ang globalisasyon ng homogenization
    • Taliwas sa karapatang pantao
    • Makasasama sa mga lokal na pagkakakilanlan
  • Mabubuting Epekto ng Globalisasyon
    • Nakakapagbabawas sa mga gastos sa transportasyon at komunikasyon
    • Tatlong aspeto ng mabuting epekto: 1. Kalakalan sa mga produkto at serbisyo; 2.Paggalaw ng kapital; 3. Paggalaw ng pera
    • Nagkakaroon ng tinatawag na free trade o malayang kalakalan
    • Nakakatulong sa mahihirap na bansa
    • Pagtaas ng kompetisyon sa internasyonal na pamilihan
    • Paggalaw ng mga manggagawa or labor
    • Nagkakaroon ng mas mataas na investment ang isang bansa
  • Mga Suliraning Kinakaharap ng Globalisasyon
    • Posibilidad ng hindi pantay na distribusyon ng kita o gains ng globalisasyon sa iba't ibang bansa
    • Kalayaan ng ilang multinational na kumpanya na gamitin ang tax havens sa ibang bansa upang maiwasan ang pagbabayad ng malalaking buwis
    • Pag-iisip ng ilang nasyonal na lider na ang kanilang national sovereignty ay maaaring maapektuhan
  • Aspeto ng Pandaigdigang Ekonomiya- dulot ng pagbabago ng mga tao at prosesong teknolohikal
    • Produkto, serbisyo, at puhunan
    • Import at export
    • Kalakalan ng mga produkto at serbisyo
    • Pamilihan ng pananalapi at puhunan
    • Teknolohiya at talastasan
    • Produksyon o paggawa
  • Kontra-Internasyonalisasyon
    • International Organizations ang nangangasiwa
    • Estado – lumiit ang impluwensiya
    • Tagapagsulong ng pandaigdigang ekonomiya
  • Transnational Corporation (TNC)

    • Don't have centralized management system
    • 2 or more country
  • Multinational Corporation (MNC)

    • Do have centralized management system
    • 2 or more country
  • International Monetary System (Regime)

    • Sentro ng international economy
    • Buwis, currency, set of rules
  • Gintong Pamantayan
    • All money may katumbas na ginto
    • Mayroong gold reserved lahat ng bansa
  • Bretton Wood System
    • International Banks for Reconstruction and Development (IBRD) – pagbangon matapos ang digmaan
    • International Monetary Fund (IMF) – pagsulong sa larangan ng pananalapi
  • Pagsasanib ng Pananalapi sa Europe
    Morgenthau plan – mapabagsak ang Germany
  • Ang pandaigdigang ekonomiya bilang isang proseso ay dulot ng pagbabago ng mga tao at ng prosesong teknolohikal na nagbubunga ng mataas na bilang ng pag-uugnayan o pagsasama-sama ng ekonomiya sa buong mundo sa pamamagitan ng pagkilos o paggalaw ng mga produkto, serbisyo at puhunan papunta sa iba't iabang hangganan ng mundo
  • Globalisasyon kontra Internasyonalisasyon
    • Szentes (2003) Ang globalisasyon ay ang proseso kung saan ang pandaigdigang kalakalan ay nagiging bahagi ng isang organikong (pangkabuang) sistema sa pamamagitan ng paghahatid ng pandaigdigang prosesong pang-ekonomiya at pangekonomiyang pakikipagugnayan sa mas maraming bansa na nagpapalalim ng kanilang pagtutulungan
    • Ohmae (1995) Sa pagsisimula ng pandaigdigang integrasyon ng ekonomiya, lumiit na ang papel ng estado/bansa bilang pangunahin organisadong instrument ng kalakalan.
  • Tagapagsulong ng Pandaigdigang Ekonomiya
    Malalaking pandaigdigang korporasyon, tinatawag na mga transnational corporation (TNCs), international corporation (ICs) o multinational corporations (MCs)
  • Gills at Thompson (2001) Ang globalisasyon ay nariyan na simula pa sa pagsulpot ng tao at magsimula ang Homosapiens na maglakbay galing sa kontinente ng Africa at nanirahan ang pa sa iba pang bahagi ng mundo. Ito ay dahil sa ugnayan sa pagitan ng America at Afro-Eurasia.
  • Frank at Gills (1993) Ang pandaigdigang sistemang nabanggit ay nagsimula, 5,000 taon na ang nakalipas halimbawa ay ang luma at di na ginagamit na rutang kalakalan ng Silk Road (ugnayan ng Europe, Africa, at Asia)
  • Boyer at Drache (1996) Naniniwala pa rin sila na ang mga indibidwal na bansa ay nananatiling ligtas na kanlungan ng bawat isa sa masamang epekto ng malayang pandaigdigang kalakalan.
  • Iminungkahi ni Gills at Thompson (2001) na ang globalisasyon ay nariyan na simula pa sa pagsulpot ng tao at magsimula ang Homosapiens na maglakbay galing sa kontinente ng Africa at nanirahan ang pa sa iba pang bahagi ng mundo
  • Dagdag hadlang pa rito ang kababagong tatag na monopolyo sa kalakalan na pinagsimulan ng pinakaunang korporasyon multinasyonal, ang British at Dutch East India Companies ng England at The Netherland na magkasunod na naitatag noong 1600 at 1602
  • Ayon pa sa Tala ni Maddison (2001) tumaas ang bilang ng mga pangangalakal na sasakyang dagat mula sa pangunahing lungsod sa Europe papuntang Asya sa pagitan ng 1500 at 1800 (770 noong 1,600; 3,161 noong 1700; 6661 noong 1800)
  • Naitala ang pinakaunang mahalagang tagumpay noong ika-19 na siglo. Sa pagitan ng 1820 at 1870, tumaas sa 4.2% ang kabuuang antas ng paglago ng pandaigdigang kalakalan, 3.4% sa pagitan ng mga taong 1870 at 1913. Ang kabuuang kalakalan ay 16%-17% katumbas ng pandaigdigang kita
  • Iniuugnay ang kaunlarang ito sa pagsulong naman sa larangan ng transportasyon
  • Para kina Dollar at Kraay (2002) tanging ang mga bansang hindi sumusuporta dito ang nabigong mapaliit ang insidente ng kahirapan sa kanilang mga nasasakupan sa nakalipas na ilang dekada
  • Para naman sa World Bank, tunay ng nababawasan nito ang kahirapan, ngunit hindi lahat ng bansa ay nabibiyayaan nito
  • Naniniwala naman si Rostow (1960) na ang underdevelopment o ang patuloy na kawalan ng pangekonomiyang paglago at pag-unlad, kasama na ang kahirapan at malnutrisyon ay hindi ang panimulang yugto ng pangkasaysayan at ebolusyonaryong proseso
  • International Monetary system (IMS)

    Salvatore (2007) Mga panuntunan, buwis na ibinabayad sa mga inaangkat na produkto, mga instrumento, pasilidad at mga organisasyong ginagamit sa mga bayaring internasyonal
  • GINTONG PAMANTAYAN
    Makalipas ang halos 50 taon, noong 1867, nagpasimula ang mga bansa sa Europe at ang United States ng paglipat sa ginto bilang tumbasan ng pera sa ginanap na International Monetary Conference sa Paris
  • Bumagsak ang klasikong tumbasang ginto sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914. Naging bunga ito ng pagbitaw ng mga bansa sa sistema ng palitan ng ginto sa pera para mapangalagaan na rin ang kanilang mga reserbang ginto sa kanya kanyang bansa
  • Ibinatay sa balangkas ng United Nations Monetary and Financial Conference na ginanap sa bretton Woods, New Hampshire sa United States noong 1944, 44 na bansa ang nagkaisa na ipatupad ang bagong sistema ng pagtatakda na tinawag na gold-exchange standard
  • BRETTON WOODS SYSTEM (UNMFC, 1944)
    Ang mga delegado ay nagkasundo rin na magtatag ng dalawang pandaigdigang institusyon: International Banks for Reconstruction and Development (IBRD) at ang International Monetary Fund (IMF)
  • Makalipas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ninais ng United States na ipatupad ang Morgenthau Plan