2 topics

Cards (30)

  • Global Policy Forum (GPF)
    · Maraming lipunan sa buong mundo ang nakikiisa sa internasyonal na integrasyon sa usaping komunikasyon, transportasyon at teknolohiya.
    · Dagdag pa rito, ang globalisasyon ay nakakalikha ng malalaking pamilihan at kapital ngunit ito rin ay nakakapagdulot ng kaguluhan.
  • Koneksyon ng Media sa Globalisasyon
    · Ayon sa GPF, nagkaroon ng tinatawag na global culture dahil sa patuloy nap ag-unlad ng teknolohiya. Sa pamamagitan ng Internet,fax machines, satellites, at cable TV, naging possible ang globalisasyon ng kultura.
    · Sa kasaysayan, Malaki ang naimbag ng pag-unlad ng teknolohiya noong ika-18 at ika-19 na siglo sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ngayong ika-21 na siglo.
  • Koneksyon ng Media sa Globalisasyon
    · Ang medium (singular form ng media) ay ang bagay na ginagamit ng mga tao upang makipagusap, nang hindi direkta (sa madaling salita, hindi personal o harapang komunikasyon).
    · Ang salitang media ay sumasaklaw sa tinatawag ding communications media, na saklaw ang “television, cinema, video, radio, photography, advertising, newspapers at magazines, recorded music, computer games” at ang internet.
  • Koneksyon ng Media sa Globalisasyon
    · Sa konsepto ng media, isa sa mga pinakapopular ang tinatawag na mass media na may malaking audience na.
    · Ayon sa M Libraries (site ng University of Minnesota Libraries), ang media ay isang produkto ng kultural, kaya ito ay may makabuluhang epekto sa kultura ng recipient.
  • Koneksyon ng Media sa Globalisasyon
    · Tinatawag na penomenolohikal na kapaligiran ng industriya ng media ang globalisasyon. Bukod pa rito, ang media globalization ay dulot ng maraming pagbabago sa kultura, ekonomiya, komunikasyon, institusyon at iba pa.
    · Ngunit ang konsepto ng media globalization o koneksyon ng media at globalisasyon ay naging paksa ng ilang pag-aaral at binabalot din ito ng ilang mga teorya.
  • Tatlong Teorya na Bumabalot sa Koneksyon ng Media at Globalisasyon
    1. Developmentalism
    2. Cultural Imperialism
    3. Information Society
  • Developmentalism
    Pang-ekonomikong teorya na nagsasabing ang industriyalisasyon ang pangunahing paraan tungo sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa
  • Cultural Imperialism
    · Ito ang proseso kung saan ang kultura ng isang bansa ay ipinakikila sa ibang bansa.
    · Kadalasan, nagaganap ang prosesong ito sa panahon ng kolonisasyon, kung saan pumapangibabaw ang kultura ng isang bansang mas malakas sa usaping ekonomiko o sandatahan.
  • Information Society
    · ay isang termino para sa isang lipunan kung saan ang paglikha, distribusyon, at manipulasyon ng impormasyon ay ang pinakamakabuluhang ekonomiko at kultural na gawain.
  • Herbert Marshall McLuhan at ang Konsepto ng Global Village
    · Ang konsepto ng media at globalisasyon ay unang napag-isa ni Herbert Marshall McLuhan sa pamamagitang ng konsepto ng global village.
    · Isang Canadian communication theorist at educator, na sikat sa kanyang mga ideya ukol sa gampanin at epekto ng media sa iba’t ibang disiplina tulad ng sosyolohiya, sining, relihiyon, agham, at iba pa.
  • Herbert Marshall McLuhan at ang Konsepto ng Global Village
    · Ilan sa kanyang mga sikat na libro ay The Gutenberg Galaxy: The Making of Typographic Man (ang kanyang unang libro ukol sa komunikasyon at lipunan 1962), The Medium is the Message: An Inventory Effects (1967), at Understanding Media: The Extension of Man.
    · Isa sa pinakamahalagang teorya sa usapin ng globalisasyon at media ay ang teoryang inilahad ni McLuhan noong 1960. Saklaw nito na ang pagbabago sa media ng komunikasyo at parehong makaaapekto sa paraan ng pakikipag-usao at pakikitungo sa ibang tao.
  • Katangian ng media globalization
    • Pangingibabaw ng industriya ng global media ng ilang transnasyonal na media conglomerates
    • Paggamit ng mga conglomerate na ito ng makabagong ICT
    • Dumaraming deregulated na environment kung saan nagsasagawa ng operasyon ang mga organisasyong iyo
    • Epektong homogeneziation at standardization ng ilang media na produkto na nililikha ng mga industriya ng media
    • Hindi pantay na paggalaw ng information at communication products sa globo at ang nagkakaibang antas ng access ng mga mamamayan dito
    • Koneksyon nito sa pagpapalaganap ng konsumerismo at kapitalismo
  • Economic power
    Tumutukoy sa mga materyales at kapital ng mga ekonomikong institusyon
  • Political power
    Tumutukoy sa awtoridad ng mga politikal na institusyon tulad ng mga nation-state
  • Coercive power
    Sinasalamin ang pisikal at armed force ng mga coercive na institusyon tulad ng mga sundalo at pulis
  • Symbolic power
    Tumutukoy sa paraan ng impormasyon at mga institusyong kultural tulad ng mga paaralan at unibersidad
  • Mga Hamong Kinaharap ng Media Globalization
    · May kapangyarihan ang media na maaaring gamiting instrumento ng ilan para sa pansariling interes. Isa sa sulirinaning ito ay ang katotohanang iilang mga organisasyon lamang ang namumuno sa media industry.
    · Apektado rin ang freedom of speech.
    · Isa rin sa sulirinaning kinakaharap ng media globalization ay ang konsepto ng cultural imperialism at westernization.
  • Brandt Line
    · Isang paglalarawan upang ipakita kung paano ang heograpiya ng mundo ay nahahati sa pagitan ng mga mayaman at mahirap na bansa.
    · German Chancellor Willy Brandt noong dekada 1980.
  • Global North
    · binubuo ng mga bansang mayaman, technologically- advanced may matatag na antas ng politika, at may posibilidad na magkaroon ng zero population growth.
    · patuloy na namumuno sa pandaigdigang kalakalan at politika.
    · Ang mga bansang mayaman ay kilala sa tawag na More Economically Developed Countries o MEDCs.
  • Global South
    · tumutukoy sa mga bansang ang ekonomiya ay agraryo. Ang ekonomiya at politika ng mga bansang ito ay nakabatay sa Global North.
    · kinabibilangan ng mga bansang mahirap na matatagpuan sa tropikal na mga rehiyon at sa Southern Hemisphere gaya sa Africa at Latin America kabilang din ang India at China sa pag-uuring ito.
    · tinatawag na Less Economičally Developed Countries o LEDCs.
  • Neoliberalismo/Modernismo
    Oryentasyong pampulitika na nagmula sa 1960, pinagsasama ang mga liberal na pananaw sa pulitika na may diin sa paglago ng ekonomiya
  • Ang kahirapan ng Global South ay dulot ng mahirap na lokasyong heograpikal, tropikal na klima, mahinang pangangasiwa ng pamahalaan, mababang antas ng teknolohiya, at di-maayos na imprastraktura sa transportasyon at komunikasyon
  • Brandt Report
    · Independent Commission.
    · Willy Brandt (dating German Chancellor) noong 1980.
    · suriin ang mga isyu sa internasyonal na pag-unlad.
    · ito ay nagbibigay ng pag-unawa sa malaking pagkakaiba sa pagpapaunlad ng ekonomiya para sa North at South hemispheres ng mundo.
  • Human Development Index
    · Isang paraan upang matukoy ang mga Northern na bansa mula sa mga Southern na bansa.
    · Ito ay isang sukatan ng pamantayan ng pamumuhay sa loob ng isang bansa.
    · Ang tatlong salik na nakakaapekto sa HDI ay longevity, GDP, at literacy rate.
  • Human Development Index
    · Noong 2018, ang Pilipinas ay ika-13 sa HDI na may iskor na 0.699 at nasa kategoryang Medium Human Development.
    · Ang ibig sabihin ng record na 1.000-0.800 ay very high, 0.700-0.799 ay high, ang 0.555-0.699 ay medium at 0.350- 0.554 ang low.
    · Ang United Nations ay nakabuo ng isang programa na nakatuon sa pagpapaliit ng gap sa kabuhayan sa pagitan ng mga MEDC (More Economically Developed Country) at LEDC (for Less Economically Developed Country).
  • Millennium Development Goals
    · Pagpapabuti ng edukasyon at pangangalagang pangkalusugan, pagtataguyod ng pagkakapantay ng kasarian, at pagtiyak sa pagpapanatili ng kapaligiran.
    · Ang lahat ng 193 na estado na kasapi ng UN ay sumang-ayon na makamit ang mga ito sa taong 2015.
  • Sustainable Development Goals
    · Ang pumalit sa MDGs noong 2015.
    · Ito ay binubuo naman ng 17 mithiin na matatamo sa 2030.
  • Herbert Marshall McLuhan at ang Konsepto ng Global Village
    · Sa kanyang librong “The Medium is the Message”, inilahad niya na ang proseso ng elektronikong teknolohiya ay makapagpapabago sa interdependence ng mga miyembro ng lipunan
    · Ang pag-usbong ng electromagnetic na teknolohiya ay maituturing na isang simultaneous field kung saan ang bawat indibidwal ay nakikitungo sa ilalim ng kondisyon ng isang global village.
  • Herbert Marshall McLuhan at ang Konsepto ng Global Village
    · Ang konsepto ng The Medium is the Message ay may mahalaga ring maibibigay na kaalaman.
    · Ang pag-usbong ng electromagnetic na teknolohiya ay maituturing na isang simultaneous field kung saan ang bawat indibidwal ay nakikitungo sa ilalim ng kondisyon ng isang global village.
    · Ang konsepto ng The Medium is the Message ay may mahalaga ring maibibigay na kaalaman.
  • Iba’t ibang Anyo ng Kapangyarihan
    1. Economic power
    2. Political power
    3. Coercive power
    4. Symbolic power