ap

Subdecks (1)

Cards (64)

  • Sinaunang edukasyon ng mga Pilipino
    • Walang pormal na edukasyon
    • Ang pamilya ang pangunahing instrumento ng pagsasalin ng kaalaman
    • Nagtuturo ang ama ng mga kaalamang pangkabuhayan
    • Nagtuturo ang ina ng mga gawaing pantahanan
    • Ang mga gawain at seremonya ng pamayanan ay nagtuturo sa mga kabataan ng mga kaugalian, tradisyon, at batas
    • Naibahagi ng pamayanan sa mga kabataan ang kanilang kasaysayan, tradisyon, kultura at kaasalan
    • Naikikintal sa kabataan ang kabayanihan ng mga natatanging kasapi ng kanilang pamayanan
  • Bihasa ang mga sinaunang Pilipino sa pagsulat at pagbabasa sa katutubong alpabeto na tinatawag na baybayin
  • Edukasyon sa ilalim ng mga Espanyol
    • Relihiyon ang basehan ng edukasyon
    • Nakahiwalay ang mga babae at lalaki sa mga paaralan
    • Nagkaroon ng pormal na edukasyon sa Pilipinas
    • Itinatag ang mga unang paaralan at mga paaralang parokyal na pinatatakbo ng mga paring Katoliko
    • Nagkaroon ng mga paaralan para sa Primarya, Sekundarya at Kolehiyo
  • Mga guro noong panahon ng mga Espanyol
    • Mga prayle
    • Mga Agustino
    • Mga Pransiskano
    • Mga Heswita
    • Mga Dominikano
  • AGUSTINO
    • Sila ang mga naging unang guro noong sinakop ang Pilipinas ng mga Espanyol
    • Itinuro nila ang Kristiyanismo, pagbabasa, pagsusulat, at pagbibilang
  • Maliban sa kolehiyo, nagkaroon din ng mga seminaryo para sa mga katutubong nais maging pari
  • Nagkaroon din ng Edukasyong Bokasyonal upang sanayin sa paglinang ng mga kakayahan patungkol sa mga praktikal na gawain at trabaho tulad ng agrikultura, gawaing pantahanan, kalakalan at iba pang kasanayan
  • Ginamit din ang wikang Kastila sa pagtuturo
  • Edukasyon noong panahon ng mga Amerikano
    • Tatlong pangunahing layunin ng edukasyon: Pagpapalaganap ng demokrasya, Pagtuturo ng wikang Ingles, Pagpapakalat ng kulturang Amerikano
    • Ipinakilala ang sistema ng pampublikong paaralan
    • Ang mga matatalinong mag-aaral ay ipinadadala sa Estados Unidos upang makapag-aral ng libre (mga Pensyonado)

  • Thomasites - Ang tawag sa mga guro noong panahon ng Amerikano, ang mga naging unang guro na ipinadala ng Estados Unidos sa Pilipinas
  • Mga paaralang naipatayo noong panahon ng mga Amerikano
    • Philippine Normal School (1901)
    • Siliman University (1901)
    • Centro Escolar University (1917)
    • University of the Philippines (1908)
    • University of Manila (1914)
    • Philippine Women's University (1919)
    • Far Eastern University (1919)
  • Edukasyon noong panahon ng mga Hapon
    • Palaganapin ang kulturang Pilipino
    • Wikang Nippongo ang ginamit na wika sa pagtuturo
    • Nagsimula ang "Corporal punishment" sa mga bata
    • Itinaguyod ang mga kursong bokasyonal at pang-elementarya
    • Binigyang diin at itinaguyod ang pagpapahalaga sa paggawa
    • Pagtuturo sa implementasyon ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
    • Pinahalagahan ang pagpapaunlad sa agrikultura, pangingisda, medisina, at inhenyera
    • Ang sentro ng mga layunin ng edukasyon ay ang paghubog sa moral na karakter ng bawat tao, pagpapahalaga sa sariling pagsisikap, at pakikiisa sa Hapon
    • Hindi na nag-aral ng salitang Ingles ang mga Pilipino dahil ito ay mahigpit nang ipinagbawal ng mga Hapon
    • Ipinatanggal ng mga Hapon ang pagtuturo ng Ingles
  • University of the Philippines (1908), University of Manila (1914), Philippine Women's University (1919), Far Eastern University (1919)
  • Sistema ng edukasyon noong panahon ng mga Hapon
    • Pinahalagahan din ang pagpapaunlad sa agrikultura, pangingisda, medisina, at inhenyera
    • Ang sentro ng mga layunin ng edukasyon ay ang paghubog sa moral na karakter ng bawat tao, pagpapahalaga sa sariling pagsisikap, at pakikiisa sa Hapon
    • Hindi na nag-aral ng salitang ingles ang mga Pilipino dahil ito ay mahigpit nang ipinagbawal ng mga Hapon
    • Ipinatanggal ng mga hapon ang mga pahina sa libro na nagpapahiwatig ng mga kulturang kanluranin upang ito ay hindi na mapagaralan o mabasa ng mga pilipino
  • Guro sa panahon ng Hapon
    • Mga kapwa Pilipino rin ang nagtuturo sa mga paaralan noong panahon ng mga Hapon, sila ay sapilitang pinagtuturo ng wikang niponggo dahil iyon ang nais ng mga hapon
    • Nanatili ang pagtuturo ng wikang pilipino sa panahon ng mga hapon
  • Edukasyon sa Kasalukuyang Panahon
    • Ipinakilala ang "K-12 Program" bilang bagong Curriculum sa pag-aaral
    • Nagkaroon ng mas maraming scholarship program upang makapag-aral ang lahat
    • Ginamit ang wikang Ingles at Filipino sa pagtuturo
    • Mas dumami ang mga kursong pagpipilian sa kolehiyo
  • Pangangasiwa ng Edukasyon sa bansa
    • Ang Kagawaran ng Edukasyon na namamahala sa edukasyon ng elementarya at sekondarya
    • Commission on higher Education na nangangasiwa naman sa edukasyon sa kolehiyo
    • Technical Education Skills Development Authority na namamahala sa pagbibigay ng mga kursong bokasyonal
  • Ang patakaran ng ating pamahalaan na makapagbigay ng mga serbisyong makatutugon sa mga pangangailangan sa edukasyon ng mga mamamayan ay nakasaad sa 1987 Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas, Artikulo XIVEdukasyon
  • Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay ang ahensya ng sangay ng ehekutibo ng pamahalaan na siyang nangangalaga at namamahala sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas
  • Ang Commission on Higher Education (CHED) ang ahensyang ito ang namamahala sa sistema ng edukasyon sa mga kolehiyo at unibersidad
  • Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang nangangasiwa ng mga polisiya sa edukasyong bokasyonal
  • Philippine Education for All 2015 Plan

    • Nilikha upang mapabuti ang sistema ng ating edukasyon
    • Layunin nitong matulungan ang lahat ng mga Pilipinong maging Functionally Literate at magkaroon ng mga kakayahan at kasanayan
    • Kinikilala ng programang ito ang karapatan ng bawat bata at matanda na magkaroon ng sapat na edukasyon upang matugunan ang Basic Learning Needs (BLN's) kabilang na ang kabuuang paglinang ng kaniyang personalidad
  • Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon sa Bansa
    • Ang dating 10 taong Basic Education (anim na taon sa elementarya at apat na taon sa sekundarya) na ipinatupad mula 1945 hanggang 2011 ay pinalitan
    • Noong 2012, ipinatupad at pinamahalaan ng DepEd ang Kinder to Grade 12 Program o K to 12 Program sa bansa
    • Naging 13 taon na ang basic education bago pumasok sa kolehiyo ang mag-aaral
    • Isang taon sa kindergarten at inaasahang sa lebel na ito ang bata ay marunong ng magbasa at magsulat, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school, at dalawang taon sa senior high school