Filipino

Subdecks (1)

Cards (92)

  • Panimula- ay introduksyon ng akda. Pinapakilala nito ang paksa ng akda
  • Huling pangungusap ng panimula- ay dapat magtaglay ng tinatawag na tesis na pahayag o thesis statement
  • Gitnang bahagi- ay katawan ng sulatinn. Bawat talata sa katawan ay isang kabuuan. Bawat talata ay may sariling panimula, gitna, at wakas
  • Dalawang kakayahang hinihingi sa pagsulat ng gitna o pinakakatawan.
    1. Mag-uri-uri
    2. Magsuri
  • Ang mga pangkalahatang pamamaraan sa pagsasaayos ng gitna
    1. Pakronolohikal
    2. Paanggulo
    3. Paespasyal o paagwat
    4. Paghahambing
    5. Palamang o pasahol
    6. Patiyak o pasaklaw
    7. Papayak o pasalimuot
  • Pakronolohikal- pagsasaayos ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa pinakamatagal hanggang sa pinakasalukuyan
  • Paanggulo- ibinabatay naman ito sa personal na masasabi o reaksiyon ng bawat tao tungkol sa mga bagay-bagay o isyu
  • Paespasyal o paagwat- ito ay sinisimulan sa pinakamalapit (mga bagay-bagay na alam na alam na) patungong malayo (mga bagay bagay na hindi masyadong kilala)
  • Paghahambing- sinisimulan muna ang pagkakaiba bago ang pagkakapareho
  • Palamang o pasahol- ang bagay munang lalong mahalaga ang binabanggit bago amg bagay na di gaanong mahalaga
  • Patiyak o pasaklaw- pagtalakay muna ng mga partikular o depinidong detalye bago ang pangkalahatng mga pahayag
  • Papayak o pasalimuot- sinisimulan ito sa mga bagay na komplikado bago tunguhin ang mga bagay na simple
  • Ang katapusan ng sulatin- ay nagtataglay ng kongklusyon
    Maituturing lamang na isang kongklusyon ang isang wakas kung nakapaghain ka ng mga ebidensya at pangangatuwiran sa iyong papel.
  • Katapusan ng sulatin- Ito ang bahaging naglalahad ng buod o katha. Ang haba nito ay dapat ibagay sa haba ng buong katha. Ngunit, kalimitan ito ay maikli lamang. Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga mambabasa.
  • mungkahing paraan sa pagbuo ng wakas ng komposisyon
    1. Tuwirang sinabi
    2. Panlahat na pahayag
    3. Pagbubuod
    4. Pagpapahiwatig ng aksyon
    5. Pagtatanong
    6. Pagsisipi
  • Tuwirang sinabi—ito ay tiyak na pahayag ng isang taong sikat/bantog, dalubhasa, may awtoridad, atbp. at ito ay nakapaloob sa mga panipi.
  • Panlahat na pahayag— maaari itong isang salawikain, kawikaan, popular na kasabihan, atbp. na nagtataglay ng diwa o aral.
  • Pagbubuod— ito ang pinakagamitin na pangwakas kung saan binubuod ang kabuuang diwa ng komposisyon sa katapusan sa halip na sa panimula.
  • Pagpapahiwatig ng aksyon— ito’y isang pangwakas na tuwiran o di-tuwirang nagpapakilos sa mambabasa matapos hikayatin, kumbinsihin o papaniwalain ito sa opinyon o paninindigan ng manunulat.
  • Pagtatanong— sinisimulan ito ng isang pangungusap na nagtatanong.
  • Pagsisipi— kumokopya ito ng isang taludtod o mahigit pa sa isang akda, patula man o tuluyan, na ang sinasabi ay batay sa tinatalakay na paksa.
  • propesyunal na manunulat- ay hindi nagtratrabaho nang hakbang–bawat-hakbang. Makabubuti, kung gayon, na ipalagay na ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib at ispayraling, kaya’t ang mga manunulat ay bumabalik-balik sa mga yugtong ito nang paulit-ulit sa loob ng proseso ng pagsulat ng isang teksto.
  • Revising Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento.
  • Revising- Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura ng mga pangungusap at lohika ng presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ay nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya. Maaari ring may pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya’y kailangan para sa pagpapabuti ng dokumento.
  • Editing- Ito ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling, grammar, gamit at pagbabantas. pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang pinal na dokumento.
  • bantas o “punctuation mark”- ay mga simbolo na ginagamit sa pagsulat, upang ipaliwanag ang kahulugan, o ang ibig sabihin ng isang akda.
  • Tuldok (.)
    • Ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos o pakiusap.
    • Ginagamit pagkatapos ng mga tambilang at titik ng isang balangkas o talaan.
    • Ginagamit din sa mga dinaglat na salita.
  • Tandang pananong (?)
    • Ginagamit bilang panapos sa mga pangungusap na nagtatanong.
    • Ginagamit ito sa loob ng panaklong bilang pagpahayag ng pag-aalinlangan.
  • Kuwit (,)
    • Ginagamit sa pagitan ng petsa
    • Ginagamit sa pagitan ng pangalan ng kalye, bayan/lungsod, at probinsiya/lalawigan.
    • Ginagamit bating panimula at pangwakas ng liham.
    • Ginagamit sa mga salita, parirala, o mga sugnay na magkakasunod-sunod.
    • Ginagamit sa pagitan ng tuwirang sabi at pagkatapos ng ngalang panawag.
    • Ginagamit sa pagitan ng “iyo” at pangalan, tulad din sa pagitan ng pangngalan o panghalip at ng kasunod nito.
  • Tutuldok (:)
    • Ginagamit sa bating panimula ng liham pangangalakal.
    • Ginagamit sa pagsulat ng oras.
    • Ginagamit sa pagtatala ng iniisa-isang bagay.
    • Ginagamit sa pagpapakilala ng tuwirang sipi.
  • Tuldukuwit (;)
    • Ginagamit sa pagitan ng dalawang sugnay na hindi pinag-uugnay ng pangatnig.
  • Panaklong ( )
    • ginagamit bilang pangkulong sa mga pinamimiliang salita.
    • Ginagamit upang kulungin ang bahaging nagpapaliwanag sa isang salita ngunit maaaring kaltasin.
    • Ginagamit upang kulungin ang mga titik o tambilang ng mga bagay na binabanggit nang magkasunud-sunod:
  • Braket [ ]
    • Ginagamit kapag may binago sa isang tuwirang sipi at ipinaloloob ito sa braket o di kaya’y ang kapaliwanagan ng salita.
  • Kudlit (‘)
    • Ginagamit sa pag-ugnay ng dalawang salita.
  • Panipi (“ ”)
    • Ginagamit ito sa diyalogo at pamagat ng aklat, kuwento, pelikula, maging sa mga banyagang salita
    • Ginagamit sa direktang pagkopya ng isang salita, parirala, pangungusap, o talatang di-lalampas sa apat na linya.
  • Tulduk-tuldok (...)
    • Ginagamit sa pagsisipi kung saan ay may tinanggal na mga salita na maaaring sa simula, gitna o hulihan. Ginagamit ito sa pagsasalitang paputul-putol na hindi na nangangailangan ng mahabang pagpapahayag o mga salitang di na ipinagpatuloy.
  • Gatlang (—)
    • Ginagamit ito kapag may dagliang pagbabago sa diwa ng isang pangungusap.
    • ito ay mas mahaba sa gitling o binubuo ng dalawang gitling (--), Ginagamit ng magpakita ng pag-uulit-ulit sa isang usapan o panghalili sa panaklong.
  • Asteriko (*)
    • Ginagamit ito kapag may tinanggal na mga titik, salita, parirala, o pangungusap sa isang sipi. Ginagamit ito sa halip na buuin ang ilang salitang bulgar na di dapat ilimbag.
    • Ginagamit ito bilang pagpapakita ng karagdagang impormasyong nakatalababa.
  • Ginagamit ang titik para sa pagsulat ng bilang at tambilang na 1-9
  • Ginagamit ang figures para sa pagsulat ng bilang at tambilang na 10 pataas.