Finals | pages 1-9

Cards (36)

  • Ang basiko o payak na pananaliksik (tinatawag ding puro o pundamental na pananaliksik) ay isinasagawa sa mga laboratoryo o Klinikang pang-eksperimento
  • May dalawang pangunahing uri ng pananaliksik. Ito ay payak na pananaliksik at ang nilapat na pananaliksik.
  • Ang nilapat na pananaliksik ay ang paglalapat o paggamit ng mga kaalaman sa pananaliksik na magagamit para sa pagpapaunlad ng lipunan
  • Ang iba pang uri ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:
    1. Pang-akademya
    2. Pang-agham
    3. Pampamilihan
    4. Pang-edukasyon
    5. Pangkasaysayan
    6. Pangwika
    7. Pang-iba’t ibang disiplina
  • Pang-akademya —iba ito sa pananaliksik na pang-edukasyon sapagkat isinasagawa ito ng mga mag-aaral— hindi sila ang pinag-aaralan ng mananaliksik
  • Pang-agham —tinatawag ding pamamaraang siyentipiko, isang makaagham na metodo. Ginagamit ang pananaliksik upang mapainam ang pagkaunawa sa larangan ng pisika, kimika, biyolohiya, inhinyeriya, at iba pa.
  • Dahil sa pang-agham na pagsasaliksik, maaaring maisakatuparan ang
    pagkakatuklas ng mga bagong gamot na panglunas, ang paglikha ng mga mas
    di-mapanganib na sasakyan, at kung paano makapag-aani ng mas marami.
  • Pampamilihan - Isa itong sangay sa larangan ng sikolohiya dahil dito ay
    pinag-aaralan at sinusuri sa pananaliksik na kung ano ang mga bagay na binibili ng mga tao at kung paano sila naglilibang pagkatapos ng kanilang mga trabaho o gawain.
  • Pang-edukasyon – may kaugnayan sa pagsusuri kung paano natututo ang
    mga tao sa ganitong uri ng pananaliksik, partikular na sa mga paaralan at
    unibersidad.
  • Pangkasaysayan—sinusuri rito ang lahat ng uri ng mga dokumentong katulad ng mga batas, resibo, personal na talaan, liham, magasin, aklat,
    sertipiko ng pagpapatibay, pahayagan, at mga kasangkapang tulad ng alahas,
    aparato, at mga kagamitang pantahanan. Ginagamit ito ng mga arkeologo.
  • Pangwika—tinatawag din itong pananaliksik na lingguwistiko; pinag-aaralan dito kung paano ginagamit ng mga tao ang sinasalitang wika at ang mga tunog sa wika at maging ang gawi sa pamumuhay ng mga mamamayang nasa isang pook
  • Pang-iba’t ibang disiplina —may isinasagawa ding mga pananaliksik kung saan nagkakaugnayan ang iba't ibang larangan ng mga kaalaman
  • Ang riserts o sulating pananaliksik ay isang dokumentadong sanaysay pangakademya na iskolarling ipinepresenta Kung saan pinag-aaralan ang porma at nilalaman nito
  • Ang mabuting pananaliksik ay nagtataglay ng mga katangiang ito:
    1. Sistematik
    2. Kontrolado
    3. Empirikal
    4. Mapanuri
    5. Obhektibo
    6. Kwantitatibo o may istatistikal na metodo
    7. Orihinal
    8. Matiyaga at di-minamadali
    9. May tapang
    10. Eksakto
  • Sistematik — mayroon itong proseso na dapat sundin tungo sa pagtuklas sa kasagutan sa kung anuman ang layunin ng pananaliksik.
  • Kontrolado — dapat ay hindi mabago ang mga variable na sinusuri, lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik, dahil anumang pagbabagong magaganap dito ay makaaapekto sa buong riserts. Sa madaling salita, walang dapat na baguhin.
  • Empirikal — dapat ang mga pamamaraan at baryabol na gagamitin, gayundin ang mga datos na makakalap sa pananaliksik, ay katanggap-tanggap
  • Mapanuri — ang mga datos na nakalap ay dapat suriin nang mabuti upang hindi magkamali sa pag-iinterpret ang riserter. Madalas na ginagamitan ng
    estatistika ang pagsusuri.
  • Obhektibo — lohikal at walang pagkiling. Anuman ang resulta sa riserts ay hindi dapat baguhin o mabahiran ng personal na saloobin ng mananaliksik.
  • Kwantitatibo o may istatistikal na metodo — nakalahad sa numerikal na pamamaraan ang mga datos at ginagamitan ng istatistika upang maging mas
    tumpak ang resulta. Madalas na ginagamitan ng porsiyento, ratio at distribusyon ang paglalahad ng mga numerikal na datos
  • Orihinal — ang mga datos ay galing sa primary sources. Hindi ito galing sa pag-aaral ng ibang mananaliksik.
  • Matiyaga at di-minamadali —kailangang pagtiyagaan ang gagawin sa pananaliksik upang mapanatili ang kawastuan ng mga datos pati na rin ang magiging resulta nito
  • May tapang — dapat ay maging matapang ang isang mananaliksik sapagkat hindi maiiwasan na makaranas siya ng di-magagandang bagay sa kanyang riserts.
  • Eksakto — dapat na maisagawa nang tama upang maging wasto rin ang resulta. Nararapat lamang na ang kongklusyon ay m ay kaakibat na matibay na ebidensya upang sumuporta rito.
  • Ang Pamanahong-Papel
    • Isang uri ng papel –pananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang akademiko.
  • Ang Pamanahong-Papel
    Ito ay nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa isang kurso o asignatura sa loob ng isang panahon o term. Tinatawag din itong term paper
  • multidisiplinaryo o maramihang mga larangan, isinasagawa ang pagsusuri mula sa iba't ibang anggulo, at ginagamitan ng sari-saring pananaw ng mga larangan, ngunit hindi nagkakaroon ng pagsasanib.
  • Sa interdisiplinaryo o sa
    pagitan ng mga larangan, nililikha ang isang metodolohiya o pamamaraan, isang teoriya o diwa, na nagdudulot ng mas pinagsanib at mauunawaang
    resulta.
  • transdisiplinaryo o nagpapalitang mga larangan ay nagsasanib ang mga larangan o disiplina.
  • Mga Bahagi ng Riserts
    1. Kaligiran ng Pag-aaral
    2. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
    3. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
    4. Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
    5. Buod, Kongklusyon at Rekomendasyon
  • Kaligiran ng Pag-aaral (Background of the Study)
    • Panimula (Introduction)
    • Paglalahad ng Suliranin (Statement of the Problem)
    • Kahalagahan ng Pag-aaral (Significance of the Study)
    • Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral (Scope and Delimitation)
    • Depinisyon ng mga Termino (Definition of Terms
  • Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura (Review of Related Studies and Literature
    • Kaugnay na Literatura (Related Literature)
    • Kaugnay na Pag-aaral (Related Studies)
    • Batayang Konseptuwal (Conceptual Framework)
  • Disenyo at Paraan ng Pananaliksik (Research Methodology)
    • Disenyo ng Pananaliksik
    • Instrumentong Pampananaliksik
    • Mga Respondente sa Pag-aaral
    • Pangangalap ng mga Datos
  • Buod, Kongklusyon at Rekomendasyon
    • Lagom
    • Konklusyon
    • Rekomendasyon
  • Kaligiran ng Pag-aaral (Background of the Study)
    • Panimula
    • Paglalahad ng suliranin
    • Kahalagahan ng pag aaral
    • Saklaw at limitasyon ng pag aaral
    • Depinisyon ng mga termino
  • Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura (Review of Related Studies and Literature)
    • Kaugnay na Literatura/ Kaugnay na Pag-aaral
    • Batayang Konseptuwal