Pagsusulat ng Tentatibong Balangkas

Cards (40)

  • Pagbabalangkas - sistema ng isang maayos sa paghahati-hati ng mga kaisipan ayon sa tataluntuning lohikal na pagkasunod-sunod bago ganapin ang paunlad na pagsulat
  • Pagbabalangkas - patnubay sa gagamitin ukol magiging nilalaman ng isang pananaliksik
  • Pagbabalangkas - nakakatulong sa paglimita sa paksang isusulat, sa mga dapat at hindi dapat tandaan
  • Tentatibong Pagbabalangkas - Karaniwan itong binubuo ng tatlong-pahinang papel na naglalaman ng mga plano at tunguhin ukol sa pananaliksik ng isang tiyak na paksa.
  • Tentatibong Pagbabalangkas - pinakapundasyon ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasang porma ng isang katha.
  • Bahagi ng Tentatibong Balangkas:
    1. Rasyunal
    2. Pangkalahatang Layunin
    3. Mga Tiyak na Layunin
    4. Mga Suliranin sa Pag-aaral
    5. Mga Haypotesis
    6. Uri ng Haypotesis
    7. Katangian ng mahusay na haypotesis
    8. Saklaw at delemitasyon
    9. Kahalagahan ng Pag-aaral
    10. Katuturan at Terminong Ginamit
    11. Tentatibong Talasanggunian
  • Rasyunal - siyentipiko at malinaw na paglalahad ng batayang saligan kung bakit kailangang pag-aralan ang nasabing paksa.
  • Rasyunal - Binibigyang linaw nito ang tanong na: Ano ang saysay ng pag-aaral at pananaliksik?
  • Pangkalahatang Layunin - ang malawak na pambungad na paglalatag ng nais na tunguhin ng pag-aaral kaugnay ng rasyunal na pananaliksik.
  • Pangkalahatang Layunin - Nagbibigay kasagutan ito sa tanong na: Ano ang mayroon sa pananaliksik na ito?
  • Mga tiyak na Layunin - dito iniisa-isa ang mga tiyak at iba-ibang aspekto ng dahilan sa pag-aaral ng paksa ng pananaliksik.
  • Mga tiyak na layunin - Maaaring may tatlo o higit pang layunin sa isang pananaliksik.
  • Mga tiyak na layunin - Sinasagot nito ang tanong na: Ano-ano ang mga gustong matuklasan ng pananaliksik na ito?
  • Mga Suliranin sa Pag-aaral - nilalaman ng bahaging ito ang mga batayang suliranin, isyu, mga pangyayari, haka-haka at kasalukuyang kalagayang paksa na siyang nagbibigay-saysay upang ito ay bigyan ng pansin at paglaanan ng pananaliksik.
  • Mga suliranin sa pag-aaral - Sinasagot nito ang tanong na: Ano-ano ang mga isyu at suliraning lulutasin ng pannanaliksik na ito?
  • Mga Haypotesis - ito ang pinakalohikal o pinakamakatwirang mga palagay ukol sa isyu na inilalagay sa unang bahagi ng pananaliksik nang sa huli ay mapatunayan, mapatibay, masusugan o mapasubalian.
  • Mga Haypotesis - Sinasagot nito ang tanong na: Ano- ano ang makatwirang pagpapalagay ng mananaliksik ukol sa kanyang paksa?
  • Uri ng Haypotesis
    • Deklaratibo
    • Prediktibo
    • Patanong
    • Null
  • Haypotesis na Deklaratibo - nakatuon sa paglalahad ng positibong ugnayan ng dalawang salik sa pananaliksik. Ang unang salik o bahagi bilang siyang sanhi at ang pangalawa bilang siyang bunga.
  • Haypotesis na Deklaratibo - Kilala din sa tawag na direksyunal na haypotesis.
  • Haypotesis na Prediktibo - Ito ay may kaugnayan sa pagbibigay ng isang kondisyunal na sitwasyon sa paksa.
  • Haypotesis na Prediktibo - Matutukoy at masusuri matapos maisakatuparan ang panukala o rekomendasyon ng pananaliksik.
  • Haypotesis na patanong - maaari ding magsilbing haypotesis ang mga lohikal na tanong na inilalahad sa isang pananaliksik.
  • Haypotesis na patanong - Masusuri an gang kahalagahan at ang mga sagot sa patanong na haypotesis na ito sa pagtatapos ng pananaliksik.
  • Haypotesis na Null - walang direktang ugnayang umiiral sa mga salik na naitala kaugnay ng problemang pinapaksa ng pananaliksik.
  • Haypotesis na Null - Ginagamit to sa pananaliksik na kwantitatibo o gumagamit ng isang tiyak na estadistikal pagsusuri sa pananaliksik.
  • Katangian ng Mahusay na Haypotesis - Ito'y dapat na makatwiran.
  • Katangian ng Mahusay na Haypotesis - Dapat nitong ipahayag ang relasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga baryabol.
  • Katangian ng Mahusay na Haypotesis - Ito'y pwedeng subukin at suriin.
  • Katangian ng Mahusay na Haypotesis - Ito'y dapat na batay sa datihang mga resulta.
  • Saklaw at delimitasyon - tinitiyak ng bahaging ito ng pananaliksik ang magiging tunguhin ng pag-aaral at ang pangunahing pokus ng paksa.
  • Saklaw at delemitasyon - Malinaw na inilalahad dito kung sino-sino at ano-ano ang kabahagi ng pananaliksik, mula at hanggang kailan ito gagawin maging ang lugar kung saan ito isasagawa at kun ano-ano pa ang mga bagay na tatalakayin at hindi na tatalakayin ng pananaliksik.
  • Saklaw at delemitasyon - Sinasagot nito ang mga tanong na: mula saan, hanggang kalian at sino-sino ang kabahagi ang pananaliksik na ito?
  • Kahalagahan ng Pag-aaral - mga tiyak na kahalagahanng pananaliksik sa iba't ibang mambabasa ng pag- aaral.
  • Kahalagahan ng Pag-aaral - Maaaring ito ay mahalaga sa: mag-aaral, magulang, guro, paaralan, kababaihan, kapwa mananaliksik, iba pang sektor ng lipunan - pribado o pampubliko.
  • Kahalagahan ng Pag-aaral - Sinasagot nito ang tanong na; ano ang saysay ng pananaliksik nito sa kasalukuyan at hinaharap?
  • Katuturan ng mga Terminong Ginamit - kalipunan ng mga terminong ginamit sa pananaliksik.
  • Katuturan ng mga Terminong Ginamit - Binibigyang-kahulugan ang termino batay sa kung paano ito ginamit sa pananaliksik. Nakaayos paalpabeto ang mga termino.
  • Tentatibong Talasanggunian - pansamantalang listahan ng mga sangguniang ginamit sa inisyal na pag-aaral ng paksa ng pananaliksik.
  • Tentatibong Talasanggunian - talasanggunian ay maaaring mga mateyal na teksbuk, diksyunaryo, ensayklopedia, pananaliksik at tesis, pahayagan, magasin, journal at mga artikulo at iba pang sulatin na nagmula sa internet.