Fantini (sa pagkalinawan 2004), isang propesor sa wika, may mga salik panlipunang dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika, ito ay ang ugnayan ng nag-uusap, ang paksa, lugar at iba pa. Ang isang taong may ganitong uri ng kakayahang ay inaangkop ang wika sa kanyang kausap, kung ang kanyang kausap ay bata o matanda, propesyonal o hindi pa, nakapagtapos, lokal ba o dayuhan. Inaangkop din niya sa lugar na pinag uusapan. Tulad ng kung nasa ibang bansa o lugar ba siya na hindi masyadong nakakaunawa ng kanyang wika.