PAGBASA

Subdecks (1)

Cards (155)

  • konsepto
    isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksyon ang patutunguhan ng binabalak na papel pananaliksik
  • 1.1 konseptong papel

    isang maikling buod na nagpapahayag sa mambabasa kung:

    1. ano ang proyekto,
    2. ang kahalagahan ng pag-aaral, at
    3. kung sa papaanong paraan ito isasagawa
  • 1.2 konseptong papel

    ay tumutulong sa mananaliksik na agad na magkaroon ng pangkalahatang ideya kaugnay ng isasagawang pananaliksik - na maaaring maging isang malaking suliranin sa sandaling nasimulan na ang mismong pananaliksik
  • balangkas o framework

    Kaakibat ng konseptong papel ang balangkas o framework

    - na nagsisilbing istruktura ng daloy ng laman ng pananaliksik upang mabigyang Iinaw at kabuluhan ang paksa
  • 1. Mga Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel
    1. Isang malinaw na paglalarawan ng paksa ng pananaliksik

    2. kabilang ang buod o lagom ng mga impormasyong natutungkol sa paksa.
  • 2. Mga Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel

    1. Isang pangungusap na pahayag ng tanong na nais na bigyang tugon ng papel pananaliksik.

    2. Madalas na ito ay isang bagay na hindi pa nalalaman ng marami.

    3. Nararapat na ilahad ng konseptong papel kung sa papaanong paraan masasagot ang tanong, - na maaaring mailahad sa higit sa isang pangungusap.
  • 3. Mga Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel

    1. Isang pagpapaliwanag kung bakit mahalagang mabigyan ng kasagutan ang tanong

    1.2 kung anong kabutihan ang magiging kahihinatnan ng sagot at

    1.3 kung bakit may kabuluhan ang naturang pananaliksik.
  • 4. Mga Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel
    Isang malinaw na pagsasalarawan ng pamamaraan o metodolohiya ng pananaliksik, upang mabigyan ng sagot ang tanong.
  • 4.1 Mga Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel
    a. Isang paglalarawan ng datos o ebidensya na ninanais na gamitin ng mananaliksik sa gawain;

    b. Isang paglalarawan kung sa paanong pamamaraan susuriin ng mananaliksik ang datos

    c. Isang pagpapaliwanag kung paano ang mga datos at ang pamamaraan ng pananaliksik ay magiging daan sa pagbigay kasagutan sa tanong;

    d. Isang pagbubuod ng mga isyung etikal na maaaring lumitaw sa panahong isinasagawa ang pananaliksik
  • 5. Mga Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel

    Isang paglalahad ng limitasyon ng pag-aaral, partikular ang mga katanungang hindi masasagot ng pananaliksik;
  • 6. Mga Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel
    Ang mga papel pananaliksik na mas mahahaba ay nangangailangan na rin ng paunang tala ng mga sanggunian, tulad ng:

    - tesis masteral,
    - disertasyon,
    - pamanahunang papel at
    - mga propesyunal na pananaliksik
  • Apat (4) na bahagi ang konseptong papel

    1. RASYONALE
    2. LAYUNIN
    3. METODOLOHIYA
    4. Inaasahang Bunga (Output)
  • 1. RASYONALE
    1. Ito ang unang bahagi ng papel. Nakatala rito ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa.

    2. LAYUNIN:
    - na tulungan ang mga mananaliksik na paunlarin ang kanilang interes at upang ipakita na ang gagawing panukala ay karapat-dapat na isakatuparan

    3. Tiyaking mababanggit ang mga naunang pag-aaral na may kaugnayan sa paksa o proyektong napili. Isang paraan ito upang patunayan na maisasagawa ang proyekto

    4. banggitin kung sino at paano makikinabang ang mga mambabasa sa pananaliksik
  • 2. LAYUNIN
    1. inilalahad at inilalarawan ang suliraning nais tutukan

    2. Inilalahad dito ang mga impormasyon tungkol sa kahalagahan ng paksa

    3. Kung may mga estadistika, gamitin ito bilang paunang datos

    4. Kailangan lamang na patunayan na may saysay ang gagawing pananaliksik
  • 3. METODOLOHIYA

    1. Ibigay ang pangkalahatang metodolohiyang nais gamitin upang maisakatuparan ang proyekto-lahat ng mga:

    - makabagong dulog,
    - pamamaraan, o
    - mga proseso na maaaring gamitin.

    2. Tiyaking magkaugnay ang mga layunin at pamamaraan.

    3. Ilakip din ang panahong nasasakupan ng gagawing pag-aaral at kung kailan ito inaasahang matapos.
  • 4. Inaasahang Bunga (Output)

    1. inilalahad kung ano ang inaasahan ng mananaliksik na maging bunga ng isasagawang pananaliksik,

    2. Ilalahad dito ang naging limitasyon ng pananaliksik.
  • Konseptong Papel: LAYUNIN
    ay bigyan ang mambabasa ng pangkalahatang ideya kaugnay ng isasagawang pananaliksik.
  • Saan hango ng salitang '"research"
    Ang research ay hango sa matandang salita ng PRANSES na recherché galing sa récercher na ang ibig sabihin sa Ingles ay:

    "to go about seeking".
  • Hinahanap ng pananaliksik

    Sa pananaliksik nagaganap ang:

    - paghahanap ng resolusyon at

    - ang muling paghahanap ng mga ideya
  • Tinutuklas at Inaalam ng pananaliksik
    Ang pananaliksik ay ang pagtuklas at pag-alam sa mga dahilan ng mga bagay, na nararapat bigyan ng kasagutan
  • Tamang proseso at sistema sa pananaliksik

    Ang tamang proseso at sistema ay napakahalaga sa isang pananaliksik.
  • Ayon kina O' Hare at Funk (2000 sa Bernales et al., 2012)

    ang isang papel pananaliksik ay:

    - isang pangangalap ng impormasyon mula sa iba't ibang hanguan sa pamamaraang, impormatibo at obhektibo
  • Ayon kina L. Brandon at K. Brandon (2008 sa Bernales et al., 2012)

    ang papel pananaliksik ay isang mahabang sulating natutungkol sa isang tiyak na paksa - na may tamang dokumentasyon sa mga pinaghanguan ng datos/ideya.
  • (OECD; 2002)

    Ang pananaliksik ay isang gawaing nangangailangan ng isang sistematikong pamamaraan sa pangangalap ng ideya:

    kung saan ay ginagamit bilang batayan upang makabuo ng panibagong aplikasyon
  • (Good, 2009)
    1. Ang pananaliksik ay isang:
    - maingat,
    - kritikal at
    - disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba't ibang teknik at paraan:

    batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin:

    tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon
  • URI NG PANANALIKSIK

    ang madalas na ginagamit sa akademya na pamamaraan ng pananaliksik lalo na sa mga pamanahong-papel ay ang:

    - kwantiteytib,
    - kwaliteytib at ang
    - mixed method
  • (Klazema, 2010):
    KWANTITEYTIB NA PANANALIKSIK
    pamamaraan nang pananaliksik kung saan:

    - ay may mga pamamaraan ng beripikasyon sa mga resulta ng datos
  • Ayon naman kay Creswell (2012): KWANTITEYTIB NA PANANALIKSIK

    ito ay isang obserbasyon at pagtataya sa pamamagitan ng mga numerikal na impormasyon at ang mga datos na ito ang siyang tinatawag na istatistikal na datos.
  • Gunderson at Alliaga, 2000: KWANTITEYTIB NA PANANALIKSIK

    1. ay nagpapaliwanag ng mga penomenal na sitwasyon sa pamamagitan ng pangangalap ng mga numero.

    2. Ang mga impormasyong nakalap ang siyang panggagalingan ng mga kongklusyon batay sa layunin at haypotesis ng pananaliksik.
  • PAKSA NG PANANALIKSIK

    1. Ang paksa ng isang pamanahong-papel ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng isang papel-pananaliksik

    2. ang pagpili ng isang paksa ay dapat na nakapokus lamang sa iisang direksyon upang di mahirapan sa pagbuo ng tesis na pahayag
  • Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksang pananaliksik:

    1. Kasapatan ng Datos

    2. Pinansyal na kakayahan

    3. Limitasyon ng pag-aaral

    4. Napapanahong kabuluhan
  • teoretikal at konseptwal na balangkas

    nagkakaroon ng mas malinaw na paglalahad ang isang suliranin ng isang pananaliksik - kung ano-ano at papaano nagkakaugnay-ugnay ang bąwat baryabol sa isa't isa.
  • Batay kina Graciano at Raulin (2013): teoritikal na presentasyon

    sa pamamagitan ng paggamit ng isang teoritikal na presentasyon, mas nabibigyang diin at linaw ang kaugnayan ng mga baryabol na pinag-aaralan sa isa't isa.
  • Miles at Hubberman (1994): konseptwal na balangkas

    1. ang konseptwal na balangkas

    - ay isang representasyon sa pasulat o biswal na pamamaraan ng iyong pinag-aaralan sa pananaliksik tulad ng mga pangunahing salik, konsepto at baryabol.

    2. Sa pamamagitan nito ay nakikita ang hinihinalang relasyon o kaugnayan ng mga ito sa isa't isa.
  • Bernales et al. (2009): Layunin
    Layunin - ay katatagpuan ng mga tiyak na dahilan kung

    1. bakit isinagawa ang pananaliksik at

    2. ang mga tiyak na suliranin sa pananaliksik at ito ay nasa anyong patanong.
  • 1.1 deskriptib
    na disenyo ng pananaliksik ang siyang pinakagamiting uri ng disenyo ng kwantiteytib - lalo na kung ang pag-aaral ay tungkol sa mga salik o factors na nakakaapekto sa paksa ng pananaliksik.
  • 1.2 (Singh, 2007): disenyong deskriptib
    ay naglalayong maglarawan ng mga kasalukuyang istatus - ng mga natukoy na baryabol na pinagtutuunang pansin sa pananaliksik
  • 1.3 Ayon kay Shields at Rangarjan (2013): deskriptib

    1. ay naglalayong ilarawan ang kasagutan sa tanong na "ano" ng pananaliksik.

    iniiwasang masagot ang katanungang "paaano," "kailan" at "bakit"
  • halimbawa ng disenyo ng pananaliksik
    1. co-relational,
    2. quasi- experimental at
    3. experimental.
  • 1.1 survey- questionnaire
    Ang pamamaraang ito ay kukuha ng mga datos ang mananaliksik sa pamamagitan ng isang survey- questionnaire -
    batay sa tamang representasyon ng dami ng mga tao.