1. Ang kongklusyon ay isang makatotohanang tuklas sa pananaliksik
2. Ang kongklusyon ay naayon dapat sa mga katanungan sa layunin ng pananaliksik na isinagawa
3. Walang mauulit sa ibinuod na datos sa bahagi ng lagom
4. Ang kongklusyon ay di dapat magtaglay ng mga datos numerical
5. Dapat nasagot nang direkta ang mga katanungan sa layunin ng pananaliksik
6. Iwasang gumamit ng mga katagang siguro, baka, ngunit, at marami pang iba
7. Di maaaring magbigay ng saloobin, deduksyon o inference ang mga mananaliksik sa mga datos na natuklasan
8. Ang kasagutan sa mga katanungang inihanda sa layunin ng pananaliksik ay nararapat na aktwal at batay talaga sa isinagawang surbey
9. Dapat naka-bullet ito batay sa tamang pagkakasunod-sunod ng katanungan sa layunin ng pananaliksik