Wika - Pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao; isa itong sistemangsagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao
Ang salitang wika ay nagmula sa salitang 'lengua' na ang literal na kahulugan ay dila at wika.
Ama ng Wikang Pambansa - Manuel Luis Quezon
Ayon kay HenryGleason (1961) - Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitaryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.
Ayon kay Anna Finnocchiaro (1964) - Ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang gan'ong kultura upang makipagtalastasan o di kaya'y makipag-ugnayan
Ayon kay Elaine Sturtevant (1968) - Ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyongpantao.
Ponosentrismo -Una ang bigkas bago ang sulat
Ayon kay ArchibaldHill (1976), ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pagkatao
Ayon kay Jerry Brown (1980), ang wika ay masasabing semantiko.
Ayon kay Hans Bouman (1990), ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar.
Ayon kay Daniel Webster (1990), ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.
Homogenous - Ipinapahayag na may iisang katangian ang wika tulad ng Language Universals. Isa lang ang gamit na wika o wikang puro.
Unang Wika - Tinatawag din itong "Wikang sinuso sa ina" o "inang wika" dahil ito ang unang wikang natutuhan ng isang bata.
Bilinggwalismo - Tumutukoy sa dalawang wika.
Wikang Pambansa - kinakatawan ang pambansang pagkakilanlan ng isang lahi at/o bansa.
Ayon sa Artikulo 14, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987: "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Wikang Opisyal - Legal na wikang ginagamit ng pamahalaan sa mga transaksyong panggobyerno, pasulat man o pasalita.
Wikang Opisyal ng Pilipinas ayon sa Artikulo 14, Seksiyon 7: Filipino at Ingles
Monolinggwalismo - paggamit ng isang wika lamang
Linggwistikong Komunidad - Tawag sa grup ng taong gumagamit ng isang barayti ng wika
Multilinggwalismo - Paggamit ng maraming wika.
Wikang Panturo - ang wikang pambansa ay ang wikang ginagamit sa pagpapahayag ng mga panturo.
Barayti ng Wika - Pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng tao sa pormalidad, bigkas tono, uri, anyo ng salita, atbp.
Pangalawang Wika - Ang tawag sa iba pang mga wikang natutua ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kanyang unang wika.
Rehistro ng Wika - Ang mga espesyaladong termino gaya ng salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay ng iba't ibang kahulugan sa iba't ibang larangan o disiplina
Heterogenous - Iba't iba ang gamit ng wika o binubuo ng iba't ibang barayti ng wika.