Naniniwala na ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral. Ito ay matututuhan upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay. Sa kabuoan, pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika ay ang makabuo ng isang pamayanang marunong, mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang.