5

Cards (13)

  • Community-Based Disaster Risk Management (CBDRM)

    Isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan
  • CBDRM Approach
    • Ang iba't ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad ay mas mabibigyan ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor ng pamayanan ay may organisadong plano kung ano ang gagawin kapag nakararanas ng kalamidad
    • Kung ang isang komunidad ay hindi handa, maaaring mas maging malubha ang epekto ng hazard at kalamidad. Subalit kung ang bawat mamamayan na naninirahan sa isang pamayanan ay magiging pamilyar sa mga pamamaraan at mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad, maaaring mabawasan ang masamang epekto nito
  • Abarquez at Zubair (2004): 'Isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang pamayanan. Bukod dito, mahalaga ring masuri ang mga istrukturang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitika na maaaring nagpapalubha sa epekto ng hazard at kalamidad.'
  • WHO Report on CBDRM Approach (1989): 'Mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan upang: (1) Mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad; (2) Maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad sa halip na maghintay ng tulong mula sa Pambansang Pamahalaan; (3) ang iba't ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad ay mas mabibigyan ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor ng pamayanan ay may organisadong plano kung ano ang gagawin kapag nakararanas ng kalamidad.'
  • Sampath (2001): 'Kung ang isang komunidad ay hindi handa, maaaring mas maging malubha ang epekto ng hazard at kalamidad. Subalit kung ang bawat mamamayan na naninirahan sa isang pamayanan ay magiging pamilyar sa mga pamamaraan at mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad, maaaring mabawasan ang masamang epekto nito.'
  • Makikita sa mga nabanggit na kahulugan at pagpapaliwang tungkol sa Community-Based Disaster and Risk Management Approach na napakahalagang partisipasyon ng mamamayan at ng lahat ng sektor ng lipunan upang maging matagumpay ang isang disaster management plan.
  • Kahalagahan ng CBDRM Approach
    • Ang pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF) ay ang pagbuo ng disaster-resilient na mga pamayanan
    • Malaki ang posibilidad na maging disaster-resilient ang mga pamayanan kung maayos na maisasagawa ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach
  • Bottom-up Approach

    Nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan ng kanilang pamayanan
  • Top-down Approach

    Lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan
  • Hindi natutugunan ng top-down approach ang mga pangangailangan ng pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad. Limitado ang pagbuo sa disaster management plan dahil tanging ang pananaw lamang ng mga namumuno ang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano.
  • Hindi nabibigyang pansin ng top-down approach ang karanasan, pangangailangan, at pananaw ng mga mamamayan sa isang komunidad. Ito ay sa kabila ng katotohanan na ang mga mamamayang ito ang tunay na nakababatid ng maaaring epekto ng isang kalamidad o hazard.
  • Katangian ng Bottom-up Approach
    • Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad
    • Bagama't mahalaga ang tungkulin ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor at mga NGOs, nanatiling pangunahing kailangan para sa grassroots development ang pamumuno ng mga mamamayan
    • May malawak na partisipasyon ang mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon
    • Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan
    • Ang iba't ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may magkakaibang pananaw sa mga banta at vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar
  • Sa pagpaplano ng disaster risk management mahalagang magamit ang kalakasan ng Top-down Approach - ang pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan at Bottom-up Approach - ang pananaw at karanasan ng mga mamamayan sa pamahalaan